There's a man and a woman who really love each other. The boy was a writer and the girl was his reader. She always support him no matter what happens. They experienced fights and struggles but they remain strong as a partner.
Pagkatapos kong itipa sa aking laptop ang introduction ng gawa ko ay agad ko itong sinend kay Lychee, my girlfriend and reader as well. Palagi ko sa kaniyang ipinapadaan ang mga gawa ko bago ko ito ipabasa sa iba kong readers, gusto kong siya ang unang makabasa at magmahal sa gawa ko. I want her to love every details of my story, especially this one, because this is the story of us.
"Hey Clyde! Nabasa ko na yung in-email mo sakin, a little bit lame pero ayaw ko munang i-judge, gawin mo 'kong maganda doon ha?", natatawang sabi niya nang magkita kami dito sa school.
Sinimangutan ko lamang siya.
"Uy Clyde wag ka namang magtampo, binibiro lang naman kita", kasabay noon ang pagkiliti niya sa tagiliran ko.
"Tama na Lychee, ain't funny", seryoso kong saad.
"Joke lang naman eh, sorry na kasi, I love you, I love you, I love you!", pinuno niya ng maliliit na halik ang buong mukha ko.
"Forgiven", nakangiti kong saad. Ganito ako, marupok pagdating sa kaniya. Graduating na kami this year at pagkatapos na pagkatapos ng graduation ay plano kong magpropose na sa kaniya. I think 5 years is enough to prove my love for her. Mahirap lang ako at mayaman siya, pero sisiguraduhin kong hindi niya mararanasan ang hirap na naranasan ko.
The girl and the boy ride their journey together. They become stronger and everyone was admiring them for having a tough and perfect relationship.
Muli kong sinend kay Lychee ang sumunod na parte ng istorya namin. Matutulog na sana ako ngunit nakatanggap ako ng mensahe mula sa mama ni Lychee. Nanikip ang aking dibdib.
"Clyde anniversary na pala natin before graduation no? Saan tayo?", nangingiting tanong ni Lychee.
"Uhm, kahit saan", tipid kong saad.
Simula nang matanggap ko ang mensaheng 'yon mula sa kaniyang magulang ay pilit kong idinidistansiya ang sarili ko mula sa kaniya. Realization hits me. Langit siya at lupa ako.
Walang buhay akong humiga sa kama pagkauwi ko sa bahay. I felt so numb. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natagpuan ko na lamang ang sariling itinutuloy ang istorya namin ni Lychee. Tumulo ang luha ko nang nagbago ang plot na pinlano ko. I changed the plot of our story, for the better us.
The girl and the boy keeps on dreaming together. The boy was the girl's dream. Pero hindi na siya ang pangarap ng lalaki. He found another girl while they are sailing together. He kept it as a secret.
Masakit man ay agad kong isinend kay Lychee ang parteng ito ng istorya namin.
Dumaan ang mga araw, nagpasiya akong huwag na lamang pumasok sa school. Marahil nagtataka sila sa bigla kong pagkawala at napapaisip na kung anong nangyayari sakin. Kahit si Lychee ay tinadtad ako ng tawag at messages pero hindi ako nag-abalang replyan siya.
-- To Lycheepot
Let's break up. I love someone else, sorry.
Agad kong sinend sa kaniya ang aking huling mensahe at agad na tinanggal ang sim card ng phone ko. Agad akong pumikit nang maramdaman ko ang pag-angat ng eroplano.
I remember the night when I received a message from Lychee's parent. Sinabi nila sa akin at ipinamukha na ikakasal na si Lychee sa lalaking napili nila, sa mayaman, sa kayang tustusan lahat ng luho niya, lahat ng pangangailangan niya. Noon ko napagtanto kung gaano kami kalayo sa isa't isa, napakalayo ng estado ng buhay namin, sobra.
Dalawang taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman ko, mas lalo lang lumala habang tinitignan ko siyang patungo sa lalaking mahal niya, at hindi ako 'yon. Pilit kong pinigilan ang luhang lumalabas sa mga mata ko pero mas lumala lamang ito. I was supposed to be that man, kung hindi lang ako ipinanganak na mahirap.
The boy kept it as a secret for 2 years long. The boy went to abroad just to earn enough money, to prove that he's good enough to marry his girl. So he lied, he lied that he already found another girl. He watched her secretly as she fulfilled her dream while he was so miserable. And now, he came back and watch her girl while marrying the man of her life, and that was not him. The girl live happily ever after without knowing the truth about his past.
Agad kong sinend ang kahuli-hulihang parte ng istorya namin ni Lychee habang naririnig ko ang salitang "I do" mula sa kaniya.
Nang matapos ang kasal ay nakita kong tinignan niya ang phone niya, kita ko ang gulat sa mga mata niya gayundin ang mga luhang lumandas dito. Her gazed met mine. I smiled.
I'm the author of our story, pero kahit anong gawin ko, hinding hindi na mababalik ang plot na pinlano ko.
The main character separate their ways and no one can make them one again.
BINABASA MO ANG
I'm the Author of our Story (One- Shot)
RomanceI'm the Author of our Story (One-shot story)