Champagne's POV
"Good morning baby, please wake up para makasabay pako ng breakfast sayo" banggit ni Matt habang hinahalik halikan ako na parang bata.
"Hmmm".. nalang nasabi ko habang niyayakap sya habang hinahalik halikan nya mukha ko.
"Please baby, madami pakong flight na naka line up for today" sagot ni Matt habang patayo na sa kama.
Tumayo at inayos ko na ang kama pagtapos naman ay bumaba na para mag luto ng almusal.
Masaya din naman pala yung nakalayo layo sa pinas kahit dalawang taon lang, tumahimik talaga yung mundo ko kahit papaano, nakapag isip ng para sa sarili at naka unwind.
"Ang aga aga ang lalim ng iniisip mo baby" birong sambit ni Matt habang papunta sa lamesa bitbit ang mga luggage nya.
"Ikaw naman ang madaming napapansin ang aga aga din, eto na yung fave mong bacon and eggs! Nilagyan ko pa yan ng nakangiting scrambled egg ah!" sagot ko habang papunta sakanya hawak ang plato.
Napangiti si Matthew na parang bata at sabay kuha agad ng pagkain. Sabay halik ko naman sakanya. Kumuha na ng plato ko at nakangiting kakain din.
Nakakahawa talaga to si Matthew, napaka contagious ng mga ngiti at tawa.
"Babe, naasikaso ko na pala yung uwi naten for next month, considered done na talaga kasi ayos na lahat, yung accommodation, flight and yung transportation" biglang banggit ni Matt.Biglang nawala ngiti ko sa sinabe nya, diko na napansin na next month na pala yung balik namin sa pinas, masyado ako nawala sa realidad. Dalawang taon ba naman akong namuhay sa condo dito sa New York at walang ginawa kundi mag paint at mag design ng bahay.
Parang ayoko na bumalik pero hindi rin naming pwedeng andito lang ako at hindi umuwi sa pamilya ko."Babe?" sambit ulit ni Matt habang napatigil sya sa pagsubo nya ng pagkain.
"Hindi ka ba masaya dito? Dito nalang tayo hanggang pag tanda hahahaha" -pabiro kong sagot habang napayuko sa pagkain.
" Ano ka ba! Anywhere basta kasama ka, okay nako ..
Wag mo sabihin na i-momove nanaman naten to? " bigla naman nyang tanong.
Nakakahiya, dahil sa pagiisip ng kung ano ano eh mamomove nanaman ang uwi naming, pangatlo na to kung sakali."Nope, nawala lang sa isip ko talaga, I'll pack some of our things para di ka na din mahirapan and aayusin ko nadin mga kailangan ko tapusin dito para tapos na lahat" – sambit ko.
"Alright babe, let me know if you need anything from me anddd I need to go to work na, love you!! Thank you sa breakfast" sagot ni Matt habang nagmamadaling lumabas ng unit hawak ang mga bagahe nya.
Napatingin ako sa labas ng unit, ang ganda ng langit ngayon, "parang magiging good day naman today, kayang kaya to" pabulong kong assurance sa sarili ko.
Inasikaso ko na yung mga plato, nagligpit ng mga kalat sa sala at sa kitchen, dali dali akong pumunta ng balcony habang hawak ang kape at sabay nag yosi.
FLASHBACK
"Nagyoyosi ka pala ah!? Nako nako masama yan" boses na rinig ko galing sa likod.
"Ano namang pake mo?" – sagot ko habang nakatingin padin sa malayo habang nagyoyosi.
"Epal na talaga ng mga tao ngayon, porket nauso na yung freedom of speech online pati ba naman sa labas ng digital world?" bulong sa sarili.
May kumalabit sa likod ko, siguradong yung epal na naninita yun kaya diko na yan lilingunin, bala sya dyan.
Kumalabit nanaman..
Tas kumalabit ulit..
"Takte di ka titig-
Sir!?? gulat kong sagot, sabay tapon ng yosi sa malayo.
"Nako, sayang yung yosi, binato mo naman agad eh..
Good morning ha? pabirong sagot nya.
Tangina, nakakahiya, si Sir Max lang pala, akala ko naman kasi kung sinong epal eh.
"Good morning Sir! Bat andito kayo Sir Max?" tanong ko habang inaayos yung palda galling sa pagka upo."Aba! Bawal na ba ko dito?" loko nyang sagot.
Tiningnan ko lang sya na parang gulat na asar, pano naman kasi, nagtatanong ako ng maayos eh. Baka ganon talaga pag yung Prof mo halos kasing edad mo lang tapos nag Prof agad.
"Eto naman, di mabiro! Dito ako nagpupunta bago ako magturo, katulad mo, nagyoyosi din" nakangiti nyang sagot habang kumukuha ng yosi sa bulsa ng pants nya.
END OF FLASHBACK
*Phone ringing*
*Ruth Carter Calling*
Napasilip ako sa phone ko, nako si Mam Ruth pala may meeting kame for finalized report ng requested nyang bahay.
Dali dali akong nagpunta sa shower para maligo at derecho na nagbihis pagtapos, basa basa pa buhok ko at kinuha yung mga reports.
Bumaba na agad ako using elevator going to parking. Pinindot yung key at inunlock yung kotse, nilapag ko agad yung reports sa passenger's seat at tsaka nagsimula ng magmaneho.
*Phone ringing*
*Ruth Carter Calling*Sinagot ko na yung call gamit yung Bluetooth ng sasakyan dahil di nako makakilos masyado kung hahawakan ko pa yung phone.
"Goodmorning Mam Ruth, I'm at 19th Main Street going to the Wild Flour Restaurant, give me 3 minutes to be there Maam" Sagot ko agad.
"Eto naman Si Champagne masyadong formal, Tita Ruth nalang nga, I'm here at the cashier side. Take Care iha, I'm with my hubby to see your work" sagot nya."Noted po Tita Ruth, see you! " sagot ko.
Pagka liko ko ay nakita ko na yung shop at kaagad nag park. Kinuha koagad yung reports at dali daling nagpunta sa shop.
------------------------------------------------------------------------------------------
Hi Guys! I'll be positive na maging active dito and please be patient with mepo.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
RomanceSi Champagne ay isang risk taker na willing mag excel sa pamamagitan ng kanyang experiences. Nakilala si Max na naging boyfriend nya din sa kahabaan ng panahon, masaya naman ang lahat hanggang naka graduate na si Champagne at mas tumaas ang kanyang...