One-Shot

0 0 0
                                    

"Oh, hija, ito na ang susi ng k'warto mo. Kung may kailangan ka, p'wede mo namang sabihin sa kapitbahay mo o di kaya itext mo ako." Nakangiting sabi ng landlady. Ngumiti rin ako bago tumango at umalis na. Hila hila ko ang dalawang maleta ko at tinignan ang susi ko para makita kung ano ang unit number ko.

Unit 156, 13th floor

"Ang taas naman. Buti na lang may elevator dito." Sabi ko sa aking sarili bago pumunta sa harapan ng elevator. Pinindot ko ito at hinintay bumukas.

Pumasok ako sa loob at pinindot ang 13th floor. Tinapik tapik ko ang braso ko gamit ang daliri ko habang hinihintay ang paghinto ng elevator. Ng 13th floor na ang nagflash na floor sa elevator ay hinintay ko munang bumakas bago lumabas. Alangan namang lumabas ako ng nakasara diba.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga dinadaan ko. Kada sampung hakbang ay may nakikita akong k'warto. Siguro ay sampu lang din ang k'warto rito. At ang akin ay ang pang-sampu. Rinig na rinig ko ang paglagitik ng sahig sa t'wing maglalakad ako. Maayos naman ang ibang floor ah? Bakit ito parang hindi inaalagaan?

Pagkabukas ko ng unit ko ay tumambad ang madilim na k'warto. Kinapa ko sa gilid ko ang switch. Napatalon ako ng may nakaapa akong basa sa dingding. Nang makapa ko ang switch ay agad kong binuksan 'yun. Tinignan ko ang nakapa ko at nakita ko ang isang kulay pula.

"Ketchup?" 'Yun ang unang bagay na pumasok sa isip ko. Hindi ko na lang pinansin 'yun at tumuloy papasok. Madumi ang dingding at makalat ang sahig. Iyon ang una kong napansin sa kabuuan ng bahay.

"Grabe naman. Hindi man lang naglinis bago umalis?" Inis na sabi ko sa sarili ko. Aba. Marami rami ring linisan 'to.

Inilapag ko muna ang bagahe ko sa gilid bago itinaas ang manggas ng long sleeve ko at kinuha ang walis at mop sa gilid ng sofa.

Sinimulan ko nang maglinis. Hindi na muna ako nagbihis dahil marurumihan lang din naman ako.

"Nagkaroon ba sila ng ketchup party dito? Bakit pati kisame at sahig may ketchup?" Inis kong tanong sa sarili ko. Kumuha ako ng upuan at pinunasan ang kisame gamit ang mop.

"Ayoko na. Pagod na ako." Suko ko pagkaraan ng ilang oras. Tinignan ko ang paligid ko at natawa ng mahina dahil kung kailan ako tumigil ay saka naman malinis na ang paligid. Naginat inat ko bago pumunta sa iisang k'warto. Nandoon na ang mga gamit ko dahil inilagay ko yun doon noong nilinisan ko ang k'warto.

Mabuti nga at bawas gastos na rin ako. May mga furniture na kasi rito. May kama na, may aparador, may TV na rin. Inilabas ko ang mga damit ko at inilipat sa aparador pero nagtira ng damit na pamalit ko ngayong araw.

Kinuha ko ang damit at dumaretso sa banyo. Buti na lang at malinis ang banyo. Isinabit ko ang damit ko pati tuwalya ko. Binuksan ko ang shower at binasa ang katawan ko. Kinuha ko ang shampoo at inilagay sa buhok ko. Tumulo ang ilang bula sa mata ko kaya napapikit ako kasabay nang pagkarinig ko ng ilang kaluskos.

Noong una ay ipinagsawalang bahala ko dahil baka may mga daga lang. Pero hindi lang kaluskos ang naririnig ko.

"Pagsisisihan mo ang lahat... Hindi ka makakatakas..." Nagmamadali kong tinanggal ang bula sa mata ko para maimulat ko iyon. Tumingin ako sa paligid at ganoon pa rin ang p'westo. Ni walang tao.

Agad kong tinapos ang pagligo ko. Hindi ko na nagawang magkuskos ng maayos dahil sa takot na nararamdaman ko. Muntik pa akong madulas nang tumakbo ako palabas ng banyo.

"Shit." Mura ko nang makalabas na ako ng banyo. Napahawak pa ako sa dibdib ko at nilingon ang banyo.

Nanginginig akong nagbihis. Hindi ko alam kung saan galing ang boses na 'yun dahil wala naman akong ibang kasama sa silid na 'to. Iwinaglit ko 'yun sa isipan ko at lumabas ng k'warto ko. Dumaretso ako sa sala at umupo sa sofa. Hindi 'yun katulad ng ibang sofa na sobrang lambot. Ang isang ito ay medyo may katigasan na. Parang matagal na rito.

Napahilamos ako ng aking mukha at bahagyang nilingon ang k'warto ko.

"Baka guni guni ko lang... Tama... Baka nga." Pangungumbinse ko sa sarili ko. Sinubukan kong buksan ang tv at lumabas lang doon ay linya linya. Tinary kong pinukpok ang remote sa palad ko at nilipat ang channel. Pero ganoon pa rin ang lumabas. Hanggang sa...

"Hindi ka makakatakas... Hahabulin kita hanggang sa bawian ka ng buhay... Katulad ng ginawa mo sa akin... Mamamatay ka... Mamamatay ka!" Napatakip ako sa tainga ko ng tumawa ito ng pagkalakas lakas. At tapatingin ako sa tv at ganoon na lang ang gulat ko nang lumabas na ang picture sa tv.

"S-sino ka?! Ma-magpakita ka!" Nanginginig na sigaw ko. Pero imbes na sumagot o magpakita ay dumagundong ang napakalakas na tawa.

"Ihanda mo na ang kabaong mo... Dahil ililibing kita ng tumitibok pa ang puso mo!"

Tinakpan ko ulit ang tainga ko at umiling iling.

"T-tama na..."

"Tumigil ka ba noong sinabi kong tama na?! Tumigil ka ba?!"

"Wala akong kasalanan! Parang awa mo na!"

"Gusto mo bang k'wentuhan kita? Isang araw, sa malayong lugar, may isang babae. Maganda, makinis ang balat. Gusto siya ng lahat ng tao. Hanggang sa isang araw... Pinatay siya. Alam mo ba kung bakit?"

Umiling iling ako habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.

"Tinatanong kita! Alam mo ba kung bakit?!" Sigaw nito na umalingawngaw sa buong unit.

"H-hindi. H-hindi ko al-alam."

"Pinatay siya dahil may naiinggit sa kanya. Kilala mo kung sino?! Ikaw!"

"H-hindi ko s-sinasadya! Kaya k-ko lang naman n-nagawa kasi s-siya na lang lagi ang bida! Pati sa ta-taong gusto ko! L-lahat ng ate-atensyon nasa kanya! Sabihin mo kung sinong hindi magagalit!"

"Binawi mo ang buhay ng isang inosenteng tao. Sa tingin mo ba sapat ang dahilan mo? Mabuti sana kung simpleng pagpatay lang ang ginawa mo. Pero hindi! Sinaksak mo ng paulit ulit ang mukha ko at binalatan mo ang katawan ko! Hayop!" At tumawa ito ng pagkalakas lakas.

"T-tama n-na. H-hindi ko sina—"

THIRD PERSON'S POV :

Kasalukuyang napapalibutan ng kapulisan ang unit 156. Naroon ang mga imbestigador at ang katawan ng biktima.

"Hindi ba't kakagaling lang natin dito noong nakaraang linggo?"

"Oo nga. May namatay din dito noon."

"Pang-lima na ata ang bangkay na ito."

Puno ng pagtataka ang mga kapulisan nang mapagtantong pare-pareho lamang ang kasong nahahawakan nila kapag narito sila sa gusaling ito.

Inilabas nila ang bangkay ng babaeng kinilalang si Tasha Imperial. Isang wanted na babae dahil sa kasong pagpatay. Halos hindi na makilala ang dalaga. Puno ng saksak ang mukha at wala ng mga balat. Kung hindi lang dahil sa isang ID, hindi na tuluyang makikilala ang dalaga.

LANDLADY'S POV :

Nakita ko ang isang dalaga. Sa pagkakaalam ko siya ay si Wella. Ang bagong tenant sa unit 156...

"Hija. Narito ka na pala. Naito na ang susi." Ngumiti ako ng matamis pero sa likod ng matamis na ngiting iyon ay may kakaiba.

"Salamat po." Magalang na sabi nito. Kung titignan mo ay para itong hindi makabasag pinggan. Pero hindi nga talaga dapat tayong manghusga sa panlabas na kaanyuan.

Makalipas ng ilang araw...

"Bakit nandito na naman tayo?"

"May namatay daw ulit sa unit na pinuntahan natin noong nakaraang linggo."

Napangisi na lang ako nang malamang patay na si Wella. Malaki ang kasalanan niya sa batas. Lahat ng naninirahan dito ay chinecheck ko ang background nila. At kapag may kasalanan sila, pinapapunta ko sila sa unit 156.

At doon...

... ko sila pinapatay

———
the end.

Ang Sekreto ng Unit 156 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon