Unang Kabanata

27 1 0
                                    

I

Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa tuwing nakakakita ako ng masayang pamilya. Lalong bumigat ang pasanin ko sa aking dibdib. Ang lungkot ng buhay ko. Ang tanging hiling ko ay ang mapansin nila ako. Subalit wala.

"Manang!"

Lumapit kaagad si Manang Lucena. May kaidaran na rin. Mag mula bata ay inalagaan na niya ako. Sinubukan ko siyang tawaging mama, subalit nung narining iyon ni mama ay bumakas sa kanyang mukha ang galit. Binantaan niya si Manang Lucena na huwag akong  tuturuan ng mga kahangalang bagay. Rinig na rinig ko habang pinapagalitan siya ni mama. Bata pa ako noon. Hindi ko alam kung bakit ba kahangalan ang pagtawag ng mama kay Manang Lucena. At ngayon na labim pitong taong gulang na ako, alam ko na ang dahilan.

"Bakit anak? Uuwi na ba tayo? Ayaw mo na dito sa parke?"
"Opo Manang, gusto ko ng magpahinga"

Suminyas si Manang sa likod ko. Wala pang isang minuto ay lumipat ang drayber namin. Binuhat niya lahat ng gamit ko sa paaralan.

*******

Pagka bukas na pagbukas ng gate ay agad na bumungad ang tatlong katulong namin sa bahay at tumahak papunta sa kinaruruunan naming tatlo.

"Maligayang pagbabalik, Señorita Amor!" bungad ni Aleng Belen. Kinuha nilang tatlo lahat ng mga gamit ko.
"Pakilagay sa salas ko Aleng Belen" kumpleto kasi ang kwarto ko. May salas, tsaka ang kama, may sariling c.r rin ako. Kulang nalang eh kusina. Nakakainggit siguro pero ayaw ko ng ganitong buhay.

"Arf arf" buti pa itong aso ko. Inaabangan lagi ang pag uwi ko. Pa'no naman sila mama? Si papa? Ni hindi ko nga sila nakitang sinabayan ako sa pagkain.

"Nasaan po ba si Mama at Papa manang?"
"Ang papa mo anak, nasa konperens ba yun? Ang mama mo naman nasa hacienda."

Psh! Lagi nalang. Sana hindi nalang nanalo si papa pagka alkalde mayor! Naging mas walang oras pa siya sa akin ngayon.

"Ayy. Señorita Amor! Nasa salas niyo rin po pala yung mga bulaklak at mga tsokolate na ipinadala ng mga manliligaw niyo." kilig na pag anunsyo ni Aleng Ruby.

Hindi ako kinilig dahil wala naman akong gusto sa mga iyon. Tinahak ko na lang ang daan papunta sa kwarto ko at sa inaasahan nga, nandoon ang sangkatimbak na regalo galing sa kanila.

Napahiga ako at napa isip. Ang swerte kong tao. Kumpara sa iba na naghihirap. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nang dahil sa pag iisip.

*******

Ramdam na ramdam ko ang mga halik na 'yun. Halik na inaasam asam ng isang anak. "Mmm... Mama?"

"Shhh... Sleep well anak, mawawala kami ng daddy mo for how many days dahil may business conference kaming dadaluhan. Make sure to take care of your self okay?"

I knew it. Aalis nanaman sila. Maiiwan nanaman ako rito sa bahay. Pero, buti pa si mama ay nagpapakita pa sa akin, si papa hindi. Laging wala. Minsan nga, hindi na alam ni mama kung saan siya pumupunta sa tuwing wala siyang pasok sa opisina. I love them.

"Anak, halika at nang makakain kana." buti pa si Manang Lucena, nandito para sa akin. Siyempre nandito 'to kasi sinuswelduhan. Ang tanga ko talaga. Napa isip ako bigla. Kung wala kaming katulong, ibig sabihin wala din akong karamay palagi pag malungkot ako?

"Ok po Manang"

Inilapag ni Manang lahat ng pagkain. Marami ang mga ito. Hindi ko ito mauubos kaya keysa masayang ay pinatawag ko lahat ng mga katulong upang sumabay na.

Riiinnnggg...
Riiinnnggg...

Ano 'yun?

"Manang? Ano 'yun?"

"Iyon bang tumutunog anank? Telepono yata ng papa mo. Naiwan kasi niya."

"Saan po"

"Nasa ibabaw ng t.v anak. Kunin mo nalang, pero baka mapagalitan ka"

Napatigil ako sa pagkain. May nag uudyok sa akin na buksan ko 'yung telepono ni papa. Subalit kalahati ng katawan ko ay ayaw gumana. Nang lumaon, nakita ko na lang ang sarili ko na hawak na ang telepono ni papa. Tinignan ko kung sino.

Joaquin calling...

Si kuya? Paano? Patay na si kuya. Patay na ang kuya ko. Ahhh.. Baka kapangalan lang niya. Tama 'yun. Sa ikalawang pagkakataon ay may nag uudyok ulit sa akin na sagutin ang tawag. Subalit nakaramdam ako ng takot. Paano kung minumulto ako ni kuya? Hindi. Mahal ako ni kuya. Kahit na ako pa ang dahilan kung bakit siya namatay.

Joaquin
On call

Anong nagawa ko?

"Maria Amor" mahina pero may otoridad na tawag ni papa sa akin. Nabitawan ko agad ang telopono na naka on call na.

"Anong ginagawa mo?"

Napako ako sa kinatatyuan ko. Galit si papa. Alam ko 'yun. "Ti..tinitig..tignan ko lang po kung sino 'yun, baka kasi impo..importante. Ring po kasi ng ring." pagpapaliwanag ko sa kanya. Tinignan niya ako ngayon sa mata.

"At sino 'yung importanteng iyon?"

Paano ko ito sasabihin? Na si kuya 'yung tumatawag? Kahangalan!

"Joaquin ang pangalan papa" lalong kumunot ang mukha nito. Para itong tigre na handa ng lumapa ng karne.

"Sa susunod, huwag kang mangenge-alam kung hindi sa'yo. Nagkakaintindihan ba  ta'yo diyan Maria Amor?"

Sunod na nangyari, tinalikuran niya ako. Sabay sarado ng pinto. Mas lalo siyang nagalit sa akin. Kuya? Sana nandito ka. Sana...

Binigyan ako ni Manang Lucena ng panyo. Nagtaka naman ako.

"Lumuluha ka anak."

Ikaw at Ako (Way Back Into Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon