Ikatlong Kabanata

22 2 0
                                    

III

Riiinnngg
Riiinnngg

Kinakapa kapa ko ang aking telepono sa aking higaan. Kinusut kusot ko pa ang aking mga mata dahil sa bagong gising pa lamang ako.

Risa calling...

"Hello? Risa bakit?" ewan ko pero parang ang ingay ingay yata sa kabilang linya. "Uy! Buti naman at sinagot mo! Halika sa labas. Nandito kami ikaw nalang ang kulang!" napa balikwas ako sa aking higaan at tinabig ng kunti ang kurtina. Natatanaw ko ang mga kaklase ko, merong iilan na hindi ko kilala. "Ba't kayo nandito?! Baka makita kayo nila mama at papa!"

"Huwag kang mag alala dahil,.... Naipaalam ka na namin"

"Ano?" at nakangiti pa siya nung sabihin iyon. Hayy. Risa dela Vega, hindi talaga ako mananalo sa'yo.

"Oh ano? Haleka na! Bakasyon naman eh, dapat lang na magsaya tayo bago man lang tayo mag koleheyo" tama si Risa. Masyado kong na stress ang sarili ko sa pag papa impress kina papa. Wala na akong oras upang magsaya. Ang lungkot ba ng buhay ko?

"Saan tayo?" napatalikod silang lahat at nakatulala lang na nakatingin sa akin. "Hello? Di'ba sabi niyo gagala tayo?"

"Siya ba 'yun?" kunot noo kong sinalubong ang mga mata ni Risa. Dinig na dinig ko ang bulong na lalaki na katabi nito. Insulto ba 'yon? Naramdaman ni Risa ang tensyon kaya pinakilala niya kami sa isa't isa.

"Ahh. Martin Chavez, si Amor nga pala Amor Aragon. Amor, Martin, pinsan ko."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Risa, nabasa niya naman agad ang nasa isip ko. "Ahh. Martin dela Vega Chavez" pagkatapos nun, ay pinakilala niya rin ako sa iba pa naming kasama. Isang lalake at dalawang babae. Mga barkda niya daw at si Martin lang ang pinsan nito.

"Oh! Andyan na pala si Manong Roberto!" napatingin naman ako sa papararing na van. Sasakay kami? "Ahh... Hehehe... Hindi ko pa pala nasasabi sa'yo. Sa kabilang bayan tayo gagala. Piyesta kasi dun. Di'ba Martin?" tumingin ako dito at nagsalubong ang mga mata namin. Kanina pa ba niya ako tinititigan? "Oo naman. Ang ganda nga dun ngayon." habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay naktitig pa rin siya sa akin. Nailang ako kaya ako nalang ang umiwas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw at Ako (Way Back Into Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon