Charger

14 0 0
                                    

Hinde mapakali ang dalaga dahil hinde nito mahanap ang kanyang charger sa kanyang bag, mas dumagdag pa dito ang deadline dahil kailangan nya ng matapos ang kanyang presentation ngayon dahil ayaw nyang magkaroon ng singko.

“Aishtt, kung kelan ka kailangan saka ka pa nawala! Rold why naman ganto? Nagdadasal naman ako eh” sabi ng dalaga sa kanyang isip.

Nakisuyo sya upang makihirim ng charger sa laptop sa iba nyang kaklase ngunit wala ni isang may dalang extra sa kanila, “Sorry talaga, LJ. Isa lang talaga dala kong charger sa laptop eh”

Habang naglalakad ang dalaga ay meron syang nabungo isang lalake, at natapon ang kape sa damit nito.

“H-hala, so-sorry” sabi ng dalaga habang pinupunasan ng panyo ang uniporme ng lalakeng istudyante.

“Sorry? Do you think sorry is enough?” sigaw ng binata kaya naman ay napatingin ang dalaga sa kanya

Umayos ng tayo ang dalaga habang hawak-hawak ang kanyang laptop, “Well then I'll pay for your coffee, sorry for the inconvenience. But it isn't fair na sigawan mo ako”

“Next time, watch where your going loser!” sabi ng binata at naglakad ng tahimik.

“Aba't ayo-” tatakbo na sana ang dalaga ng may biglang dumating, si Stell. Ang kanyang bestfriend.

“Uy, Ligaya Joy! Kumalma ka, kalma girl. Yung pangalan mo kasiyahan pero ikaw kademonyohan” kaya naman napatingin ang dalaga sa binata at sinabing, “as if papayag akong bastusin nalang ako, that'll never happened. Never!”.

“Oo na, kalma kalma. Ililibre nalang kita mamaya ng shake” sabi ng binata at naglakad na sila ng dalawa papalayo.

Nag ring na at ang bell at senyales na ito ng breaktime na nila, as usual sila lagi ni Stell ang magkasama pumunta at kumain sa cafeteria.

Ngayon ay nakapila sila, grabe sobrang haba ng pila, “Tell, haba ng pila oh. Grabe, di naman tayo sa pup nag aaral pero bakit naman ganto”

“HAHAHAHA, hintay lang. Oh yan turn mo na pala”

Dahil turn nya na ay nagsimula na syang pumili, “Ate, isa nga pong strawberry cupcake, isang meal ng bacsilog at dalawang strawberry shake at bubblegum po”

Dinukot nya ang kanyang wallet sa kanyang bulsa at magbabayad na sana ng biglang may sumingit, “Ate, isa nga pong strawberry cupcake”.

“Hey i ordered it first!” sigaw ng dalaga sa sumingit sa kanya sa pila, it's him again. Mr. Masungit guy

“Well i payed it first, ate keep the change” sabi ng binata sabay abot sa tindera ng bayad. Ngumisi ang lalake bago makaalis sa harapan ng dalaga.

Walang nagawa si LJ kung hinde bayaran ang kanyang inorder, syempre minus the strawberry cupcake na.

Naglalakad silang dalawa ni Stell papunta sa table nila, at uupo na sana si LJ ng biglang may humila ng upuan nya. Kaya naman napalingon sya at nakita ang lalakeng kaninang umagaw ng order nya ngayon ay nasa likod nyang nakatayong tuwid.

Ngumisi ito bago magsalita, “Loser!”

“Excuse me, you can't call me by that. That is considered as bullying, Under Republic Act No. 10627 or the 'Anti-bullying Act of 2013'.” sabi ng dalaga habang sinusuot ang kanyang salamin.

“In short, name calling is a part of this. Anyone who insults you ay pwede mong kasuhan ng RA 10627 at pagbayarin sila, so i can definitely file a complaint against you. Sige call me by that once again, and I'll make sure na isusumbong kita ng idisqualified ka ng Supreme Court sa pag take ng bar exam” dagdag nito.

Napa ikot nalang ng mata ang binata at lumakad papapaalis, tinulungan sya ng kaibigan nyang tumayo at umupo.

“Okay ka lang, Ligaya?” nag aalalang sabi ng binata, “Oo, Vester”.

“Grabe, ang tapang mo dun ah. You just spoke lime that to the most smartest man in this campus. Grabe, atapang atao ka ah! Amen!” napanganga nalang halos kanina ang binata sa ginawa ni LJ, hinde sya makapaniwala.

Tunawa ng pagka lakas lakas ang dalaga, “Bro, we're at the law school. We're learning law, at habang nagprapractice tayo ng law dapat pati ang manners natin ay sumusunod sa law. Paano tayo magiging effective at magaling na lawyer if dito palang sa mismong nasa law school tayo is wala kang respeto and you do not obey the law diba? Syempre di ka papayag!”

“Kahit kailan talaga Ligaya, you never failed to amaze me. Ibang klaseng babae ka talaga kaya nagtataka ako eh, bakit wala kang jowa or wala man lang nagkakagusto sayo? What more men can ask for? Matalino, maganda, at merong 500k sa ba-” napatahimik si Stell ng subuan sya ni Ligaya ng isang kamay na puno ng fries.

“Stell, huwag mong ipagkalat. Madaming buraot dito baka mang hingi at mangutang, secret lang natin yung dalawa” sabi ng dalaga at nagoatuloy na sa pagkain, ilang minuto nalang ay matatapos na ang break kaya sulitin mo na. Mag cr na kung mag cr

Nang matapos silang kumain ay tumayo ang dalaga at nagpaalam muna, “Tell, mag cr muna ako. Saglit lang, intayin mo ko dyan! Hinde kita ililibre ng strawberry shake kapag iniwanan mo ako dyan”

“Oo, basta dalian mo. Malapit ng mag start ang class ng criminal law” sigaw nya sa may labas ng ladies comfort room. Habang naghihintay ay binuksan nya muna ang phone at nag Facebook.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay lumabas na ang dalaga, nang nakahawak sa kanyang tyan.

“Nagbawas ako, Stell. Sorry natagalan ah” at nagspray ng alcohol sa kamay ang dalaga habang naglalakad

“Okay lang, uhm may masakit ba sa tyan mo LJ?” tanong nito

“Normal lang yan, Tell. Minsan nga mas malala pa dyan yung cramps ko, normal lang yan kapag red days ng babae. I just really hope na makapasa ako sa recit natin ngayon at maganda ang presentation ko tas pagkatapos nyan may debate pa, grabe nakakastress talaga, Tell” sagot ng dalaga at pumasok sila ng room at pagkatapos ay umupo na kung saan ang kanilang seat number.

“Balita ko, bago daw yung teacher natin sa criminal law, Besh”

“Nakakatakot yan grabe, ilang istudyante na umiyak”

“Terror prof”

Medyo natakot silang dalawa mula sa kanilang narinig ngunit alam nilang nag basa sila at nag aral kaya alam nilang malalagpasan nila ito, ngayon lang to.

To be continued...

𝐋𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚?Where stories live. Discover now