Araw ng bakasyon ng may makabunggong isang batang lalaki si Layanne na nagmamadali dahil sa pamimili at inutusan ng ina upang makapaghanda na sa kanilang hanap-buhay sa harap ng kanilang bahay. Kapag walang pasok at may available time siya ay tinutulungan niya ang kanyang mga magulang sa gawaing bahay dahil siya ay panganay na anak sa edad na 7 taong gulang samantalang ang bunso niyang kapatid na si Joshian ay mag-iisang taong gulang pa lamang. Nasa bahay lang ang kanyang ina at may tindahang maliit na sari-sari store at ang kanyang ama naman ay nagtatrabaho sa isang kompanya.
Dahil sa kanyang pagmamadali ay bumagsak ang dala-dalang bayong at nagkalat ang kanyang mga pinamili sa daanan. Tinulungan siya ng batang lalaki na nagngangalang Leosio, magbestfriend sila simula pagkabata at halos araw-araw magkasama na silang dalawa dahil sa magkapitbahay,magkaklase at higit sa lahat ay magkababata. Magkompare din ang kani-kanilang mga magulang kaya't naging bestfriends ang mga ito.
"Ay sorry,sorry. Okay ka na lang ba?" Pinupulot ang mga pinamili at inilagay sa bayong habang nakayuko.
"Ah oo,okay lang ako. Salamat ah. Okay lang din ba?" Pinupulot din ang mga pinamili at inilalagay sa bayong ng tignan ang kanyang na banggang bata.
"Ah oo-."aka Leosio
"Ikaw pala yan. Akala ko naman kung sino yung nakabangga ko. Sensiya na Pit ah. Nagmamadali kasi ako eh kasi kailangan na naming magluto ni mama para sa tindahan."
Pit ang tawag ng bawat isa dahil nagkakakilala sila ng dahil sa pito-pito sa tubig na pinag-aawayan noon.
"Ang aga-aga pa lang ah at nasa palengke ka na kaagad? Tapos ikaw lang mag-isang nagdadala nito eh ang bigat-bigat nito?"
"Ah eh. Si mama kasi nag-aasikaso pa kay bunso tapos inaayos yung tinadahan. Tsaka sumabay naman ako kay Papa bago siya pumasok kaya nakapag-tricycle na kami."
"Ah.."
"Ah eh,ikaw ba?Bakit ang aga-aga mo rin dito?Tsaka dapat tulog mantika ka pa ngayon ah."
"Hindi mo na ba natatandaan anong petsa tayo ngayon? Eh kaarawan ni Nanay ngayon eh kaya may handaan. Huwag mong kakalimutang pumunta sa bahay ah at isama mo na rin si Joshian pati ang Nanay at Tatay mo."
"Okay sige sasabihin ko kina Nanay at Tatay. Sige mauna na ako. Anong oras na kasi eh."
"Teka pauwi ka na rin ba? Sabay na tayo. "
"May bibilhin pa ako eh kaya mauna ka na. "
"Ah eh samahan na kita tutal tapos na rin ako para na rin matulungan kita sa pagbi-bitbit di ba?"
"Ah okay sige ikaw bahala. Tara na nga para maka-uwi na tayo ng maaga"
"Sige."
Nakauwi at natapos ang buong araw ni Layanne sa pagtutulong sa ina niya sa gawaing bahay,pagtitinda at lalong lalo na sa pag-aalaga niya sa kapatid niya. Habang si Leo eh busy naman sa pagtulong ng sa paghahanda sa okasyong magaganap sa kanilang bahay.
"Oh nandiyan na po pala kayo,pasok po kayo Tita, Tito." sabay hawi sa kamay si Leo.
"Leo nak nasaan na sina mama tsaka papa mo para mabati naman namin." tanong ng nanay ni Anne na si Tita Lucy.
"Ah eh nasa loob pa po sila mama at papa eh may pag-uusapan daw na importante kaya ako na muna ang nag-aasikaso dito. Mamaya konti lalabas na rin po yun sila kaya halina po kayo at kumuha na po kayo ng makakain." sabay tago ang dalawang mga kamay ni Leo likod niya.
BINABASA MO ANG
Mahal kita pero may mahal kang iba
RandomIsang magkababata at magbestfriends na lumaki sa isang simple at masayang pamilya ngunit dumating na lang yung isang araw na may isang importanteng bagay na makapaghiwalay at magbabago sa kanilang nakalakihan. Dumaan ang ilang araw at gabi hanggang...