Makalipas ang ilang buwan, nakapag-simula na rin kami ng panibagong buhay kami ni Mama sa Maynila. Nirerentahan lang namin ang bahay, maliit, mura ang upa, at sakto lang sa aming tatlo. Magpapasukan na kaya, tinutulungan ko si Mama sa gawaing bahay at sa pag-aalaga sa kapatid ko para makapagtrabaho siya ng maayos.
"Ma. May itatanong lang po sana ako?" habang niyuyogyog si Joshian para makatulog.
"Oh, anu yun anak? habang nag-aayos ng mga pinamili galing palengke.
"Itatanong ko lang po sana Ma kung makakapag-aral pa po ba ako? Pero kung hindi po natin kaya yun, okay lang po Ma, tutulungan na lang po kita dito sa gawaing bahay at sa maging hanapbuhay natin.
"Aba,siyempre naman anak. Alangan ba namang hindi? Halika dito, mag-usap tayo." napahinto sa ginagawa at napa-upo sa upuan samantalang si Anne, papalapit habang karga-karga si Joshian.
"Baka kasi Ma wala po tayong pera, lalo na't wala pong magbabantay dito sa kapatid ko."
"Alam mo anak, nagpapasalamat na ako at ikaw ang katuwang ko sa buhay. Tinutulungan mo ako dito sa bahay, sa kapatid mo lalong-lalo na sa negosyo natin. Bilang papasalamat at obligasyon ko bilang magulang ay ang pag-aralin ka at yun lang ang maipa-pamana ko sayo kapag wala na ako. Lalo na ang mabuting asal sa kapwa at sa sarili. At iyon ang gusto kong matutunan mo para balang araw, ikaw ang magtuturo sa kapatid mo habang wala ako dito sa bahay."
"Opo Ma. Salamat po." sabay yakap sa ina.
"Oh sha. Ibaba mo na yang kapatid mo at para makapag-simula na tayo sa ating bonding time."
"Sige po Ma."
Bonding time ang tawag namin ni Mama sa pagtulong ko sa kanya sa negosyo. Dahil dito lang kami nagkakaroon ng oras na makapag-kulitan at tawanan sa isa't-isa. At higit sa lahat, ang meeting time. Oras para pag-usapan ang mga problema. Sobrang dikit kami ni Mama. Maswerte talaga ako at siya ang naging nanay ko. Kaya nagpapasalamat pa rin ako dahil meron akong isang magulang kahit na iniwan na kami ni Papa para lang sa iba.
"Oh anak, ikaw na diyan. Alam kong kaya mo yan eh. Tapusin ko lang to para makapagluto na ako ng maka-kain natin."
"Alam mo Ma, kaya ko naman na po yan eh. Ako na bahala dito sa tindahan at dito sa mga pinamili niyo. Magpahinga na lang po muna kayo para may lakas po kayo mamaya para dito. Ako na rin po magsasaing."
"Sigurado ka ba anak? Madami to."
"Opo naman Ma. Kayang-kaya ko po ito. Ako pa? Manang-mana po ata ako sa inyo na masipag at maganda." sabay naka-ngiti sa ina.
"Oh sha. Sige tatabihan ko na muna yung kapatid mo pero gisingin mo ko mamaya ah para magawa ko yan para bukas."
"Sige po Ma. matulog lang po kayo ng mahimbing diyan."
BINABASA MO ANG
Mahal kita pero may mahal kang iba
RandomIsang magkababata at magbestfriends na lumaki sa isang simple at masayang pamilya ngunit dumating na lang yung isang araw na may isang importanteng bagay na makapaghiwalay at magbabago sa kanilang nakalakihan. Dumaan ang ilang araw at gabi hanggang...