Prologue

511 22 2
                                    

Jewel POV


Nagsimula ang lahat sa pagpapanggap.


Hindi ko alam kung saan nag simula ang lahat... Ayoko sa kaniya dahil sobrang sama ng ugali niya.


Gusto niya akong mag panggap na girlfriend niya para makuha muli ang ex niya.. He's fucking selfish.


That's why I don't like him..


Pero lumipas ang ilang mga araw na nakasama ko siya doon ko unti unting nakikita ang totoong pag katao ng halimaw na 'yon. Hindi ko nga alam kung kailan nag simula ang pag iiba ng tingin ko sa kaniya.


Noong una ang tingin ko sa kaniya ay isang selfish na tao, dahil gusto niya siya ang nasusunod. Pero habang tumatagal nakikila ko ang totoong pag katao niya na hindi alam ng ibang studyante.


Handa ako mag panggap na maging girlfriend niya para hindi na niya ako muling guluhin pa... P-pero bakit parang nag iba ang tingin ko sa kaniya?


Bakit parang mas gumwapo siya sa paningin ko?


Bakit tuwing ngungiti siya bumibilis ang tibok ng puso ko?


Bakit kapag nandiyan siya may nagwawala sa loob ko?


Bakit kapag nakikita ko silang mag kasama ni Nicole naiirita ako?


Ang dami kong tanong na ayokong masagot dahil alam kong sa huli masasaktan lang ako.


Dahil alam kong una palang talo na ako, wala pang laban pero alam kong talong talo na ako.


Bakit kasi naging mabait siya sakin e. Dapat naging masama na lang siya sakin hanggang makuha niya muli ang ex niya para hindi na nagulo ang nararamdaman ko para sa kaniya.


Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.


Kasalanan niya ang lahat ng ito.


Kainis naman e. Okay na nung masama ang ugali niya sakin para hindi na ako umasa ng ganito sa kaniya. Napakasama niya talaga, masiyado siyang pa fall.


Unfair naman kasi ng mundo bakit may mga taong sobrang biniyayaan ng mukha diba? Tapos yung halimaw na yon may tinatago pang kabutihan kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.....


Dahil hulog na hulog na ako.


Nahihirapan na akong bumangon.


Dapat nanatili na lang siya sa halimaw mode niya para hindi na ako naguguluhan sa nararamdaman ko dahil sobrang hirap palang mahalin ng isang tulad niya.

Until We Meet Again (Cousin Series #1) - COMPLETED. Where stories live. Discover now