0 1

73 9 5
                                    

ONE | THE GIRL IN THE WAITING SHED

HARRY

"Okay ka lang?"

I lifted my gaze when someone tapped my shoulder. Inalis ko ang pagkakapatong ng baba ko sa magkasalikop kong kamay nang mapagtantong si Chris ito; one of people I can have conversation in our class. 

He watched me sigh heavily as he sipped on his favorite chocolate drink. Nang makita ang reaksyon ko, kaagad niyang naunawaan ang sitwasyon. It was one of those days. 

Hindi ko alam kung bakit may mga araw na bigla na lang akong nakararamdam ng hollow. Pakiramdam ko, may kulang. May hindi tama. 

"Mag-uuwian na rin naman," Chris uttered as he took the seat beside me. 

Every tick of seconds felt like torture. I can feel the urge to go home and lock inside my room. I need peace. I need the familiar cozy feeling my bed provides.

Nararamdaman ko ang balik-balik na tingin ni Christian sa akin pero hindi ko sinuklian ang mga iyon. I even saw him talking to Hershey, one of our classmates. Mukhang pinagbabawalan niyang kausapin ako.

When the bell rang, I quietly grabbed my backpack and headed outside our room. Una akong lumabas. Sa mga normal na araw, kasabay kong lumabas si Chris kasama ang iba naming kasamahan. However, this is not one of those normal days.

Nang tuluyang makalabas ng building, tumingala ako. The dark clouds are starting to cover the supposedly orange sky. Kapansin-pansin ang pagiging mas makulimlim ng paligid dahil tiyak na uulan ano mang sandali.

I muttered a curse under my breath before wearing my hoodie. Malas pa na absent si Harley, samantalang wala namang pasok si Harvey, kaya wala akong kasabay pauwi. I was left no choice but take public transportation. 

I sprinted my way to the school gate. Naabutan ko ang guard doon na kasalukuyang nagkakape. Sumaglit lang ito ng tingin sa akin bago ito tumingin sa kaniyang relo. I refused to watch him longer and exited the school already.

"Shit..."

Pinanood ko kung paano unti-unting bumagsak ang ulan. Good thing is the waiting shed is not far from gate. Tumakbo ako papunta roon at tahimik na ipinagpasalamat na walang ibang nag-aabang.

I put out my phone. Nakita kong may texts si mama, tinatanong kung susunduin daw ba ako. I gazed on the busy street. Kumikinang ang iba't ibang kulay ng ilaw sa mga tubig na naimbak sa kalsada. Nagsisimula nang magdilim ang paligid.

I replied to my mother's message, telling her I was fine but would be late. After that, I kept my phone again and waited patiently. 

While watching how vehicles pass by, someone caught my attention. Nasa kabilang parte siya ng kalsada, nakatakip sa kaniyang ulo ang mga folder na hawak niya. Her other hand was holding her tote bag.

Pinanood ko kung paano sumayaw sa hangin ang dulo ng kaniyang white dress nang tumawid siya sa pedestrian lane; nililipad ang maalon niyang buhok. My forehead creased when I heard her laugh wholeheartedly as if getting soaked was the best thing to ever experience.

"May maganda na namang nabinyagan."

Nakasunod lang ang mata ko sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang makisilong sa waiting shed. She didn't brushed off her smile even though she struggled keeping her things together. Narinig ko ang slang nitong pagmura nang mahulog ang folder niya.

"Talaga lang, lord?" 

Nang mapansin ko na hindi niya mapulot ang folder na nahulog dahil sa dami ng hawak niya, nagkusa na akong kuhain iyon. Wala naman akong nakita sa cover na magsasabi ng identity niya. 

The Girl In The Waiting ShedWhere stories live. Discover now