IN THE NAME OF LOVE
CHAPTER IX• JUST A DREAM •
—Renz Kyle's POV—
" It's him " sabi ni Ace sabay turo kay sa akin.
" It's Kyle, siya ang mahal ko " tugon nito kay Angel na tulala sa mga nakita at narinig.
Nayuko lang ako sa harap nila dahil sa hiya.
" Totoo ba yun Kyle? Bakit di mo sinabi sa amin? " nag- aalalang tanong ni Jason sa akin.
" Ano ka ba Ace? Nababakla ka na ba? " sigaw ni Angel kay Ace.
" Pinatulan mo pa talaga tong baklang to? " sabi ni Angel at lumapit kay sa akin akma na sa akong sampalin pero -
-
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko dito sa loob ng puting room nato.
Ano yun? Ano yung nangyari kanina? Nasa canteen ako diba? Bakit ako nandito sa puting room nato at may maraming tao?
" M- mom? " napakamot ako sa ulo ko dahil sa sakit na nadarama ko.
" Anak? Gising ka na? Tawagin mo ang doctor Mandy " natarantang utos ni mom kay Mandy.
Anong nangyari? Hindi ko maintindihan?!
" A- anong n- nangya- yari mom? Bakit ako nandito? " takang tanong ko.
" Hindi mo ba naalala anak? Nadisgrasya ka nung nag- debut si Mandy! Nahulog ka sa hagdan nung ikaw na sana ang sasayaw kay Mandy and you have been unconscious for six days " paliwanag ni mom sa akin na umiiyak.
Ano daw? Disgrasya? I was unconscious for six days?! So, ibig sabihin panaginip lang yun lahat?! Yung naging kami ni daw sa taong yun? At yung sa kauna- unahan?
Yun na yun?!
" Bakit maraming tao dito? Hindi pa naman ako patay ah? " napatawa silang lahat sa sinabi ko.
" Nandito sila lahat Kyle, mga kaibigan mo, si teacher carla " sagot ni mom sa akin.
" Kyle! Okay ka na ba? Nag- aalala talaga ako sayo ehh " tarantang sambit ni Ashley ang best friend ko.
" Okay lang ako! Ano ka ba? " sambit ko dito na natawa.
So? Panaginip lang talaga lahat! Walang katotohanan.
Dumating naman ang doctor na pinatawag ni mom. Ito talaga si mom.
" Mom, okay lang ako! Bakit nagpatawag kapa ng doctor? " sambito ko kay mom.
" Just to make sure Kyle " sagot nito sa akin.
" Hmm, okay lang naman siya. Wala ng problema sa kanya, pero dapat paring i- brain scan siya ng last. Pagkatapos madidis- charge na siya bukas ng tanghali " ika ng doctor na nag- check sa akin.
" Mom. See? Wala akong sakit! Madidis- charge na ako bukas! " sambit ko dito.
" Anyway! Mom asan si dad? " tanong ko rito, biglang bumukas ang pinto dito sa room nato at nakita kong nagmamadalaing lumapit si dad sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/267626760-288-k2814.jpg)
YOU ARE READING
In The Name Of Love - Bxb [ Ongoing/Under Editing ]
Teen Fiction•MPREG• •SEASON 1• An identical twin brothers namely, Axcel Zachary Constantino is Jung Sung-hyun and Renz Kyle Salvador is Jung Seongyeon. Son's of a President in the country of Korea but got alienated from their real family because of someone they...