IN THE NAME OF LOVE
CHAPTER XIV• LAST DAY •
—Renz Kyle's POV—
" You look gorgeous " Jason said in a sexy tone, I couldn't help but shudder and blush at what he said.
" Shut up " saway ko sa kanya.
He just laughed at me.
Anong nakakatawa? Pero in fairness kinilig ako sa sinabi niya.
" Tara na? " yaya sa amin ni Janine.
" Wait lang " pigil ko sa kanila kaya tumigil naman din sila.
" Ano yun Kyle? " tanong ni Ashley sa akin.
Hindi ko na siya sinagot pa, kaya tinanggal ko na ang pantali ng buhok ko.
" Wow, you even look more prettier and sexier Kyle " asar sa akin ni Casper.
" Sexy ka diyan! " binatukan ko ang kumag.
" Mataas pala ang buhok mo Kyle? Ngayon ko pa lang yan nakita ah " sabi ni Janine habang naglalakad kami.
" Mataas talaga to pero iniba ko ang style para hindi mahalatang taga- balikat tong buhok ko. Kaya yun ginawa kong parang maikli lang yung pang- natural lang sa lalaki na buhok " paliwanag ko sa kanya.
" Ahh " sagot naman niya at patango- tango.
Nandito na kami ngayon sa tabing dagat para maligo.
Nagsimula na silang maligo habang ako ay nagdadalawang isip kong sasama ba sa kanilang maligo dagil sa suot, sinuot ko kasi ulit yung parang bathrobe kasi nakakahiya eh.
" Bakit di ka pa naligo? " tanong sa akin ni Jason.
Wow ha binalikan pa talaga niya ako- ani ko sa isipan ko.
" Nahihiya kasi ako eh " sagot ko dito.
" Bakit ka naman nahihiya? " tanong na naman niya ulit.
Hindi ko siya sinagot sapagkat nakatuon lang ako kina Ashley, Janine at Casper.
Nagulat nalang akong bigla akong hinila ni Jason dahilan para matanggal ang saplot ko.
" Halika na " sabi ni Jason habang hila- hila ako.
Hindi na ako pumalag pa sapagkat nilunod ko ang sarili ko sa dagat para hindi ako makita ng ibang tao sa suot ko, nakakahiya kaya.
" Swimming tayo, kung sino ang makauna dun sa may volleyball dun siyang panalo " yaya sa amin ni Janine.
" Sige ba! " sang- ayon ni Casper kay Janine.
" Sige. 3 2 1 go! " sigaw ni Janine at nagsimula na kaming lumangoy patungo sa may volleyball dun sa tapat.
Ilang segundo rin at nakarating na kami sa destinasyon namin.
" Sinong nauna? " proud na sabi ni Jason.
Napaka- hambog din pala nitong kumag nato.
![](https://img.wattpad.com/cover/267626760-288-k2814.jpg)
YOU ARE READING
In The Name Of Love - Bxb [ Ongoing/Under Editing ]
Ficção Adolescente•MPREG• •SEASON 1• An identical twin brothers namely, Axcel Zachary Constantino is Jung Sung-hyun and Renz Kyle Salvador is Jung Seongyeon. Son's of a President in the country of Korea but got alienated from their real family because of someone they...