IN THE NAME OF LOVE
CHAPTER XVI• TOUR GUIDE •
—Renz Kyle's POV—
( Kring , kring )
Napabalikwas ako ng bangon ng biglang tumunog ang alarm clock ko.
Kaya naman ay bumangon na agad ako sa kama ko at pumunta ng CR para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba agad ako at nasalubong si Auntie Aya na papunta din sa kwarto ko.
" Auntie Aya ?! " tawag ko dito pababa ng hagdan.
" Ano yun Kyle ? " tanong nito sa akin.
Kyle lang ang itatawag nila sa akin , lahat ng mga katulong. Ayoko ko kasing tawagin nila akong sir , napaka - oa naman tsaka isa pa nakakahiya din dahil ampon lang ako , di'ba ?
" Auntie pupunta ka ba sa kwarto ko ? " tanong ko kay auntie aya.
" Oo , kukunin ko lang yung mga lalabahin ko " sagot nito sa akin.
" Auntie pwedeng paki - ayos nalang dun sa kama ko ? Kailangan ko kasing maaga akong makapasok sa school eh. Please ? " paghingi ko ng pabor sa kanya at nag - puppy eyes pa.
" Oo naman noh. Ako bahala " sagot nito sa akin.
" Salamat auntie " sabi ko rito at pumunta na ng dining para kumain , ako lang mag - isa ang kakain ngayon sa dining , wala kasi si mom at si dad nasa company sila may inaayos saka si Mandy hayun tulog pa.
Nagsimula na akong kumain para matapos na at maka - alis na papuntang school. Mabilis ko namang tinapos ang kinain ko kaya nakaalis na ako papuntang school.
( 15 minutes later )
Nakaabot na rin ako sa wakas sa school. Dali - dali naman akong pumasok sa gate at tumakbo papuntang classroom ko.
Habang patakbo akong pumunta sa room ay nahagip ng aking mga mata silang Ashley kaya agad ko naman itong pinuntahan.
" Haa. Haa. Bakit kayo nan- haa , nandito ? " tanong ko sa kanila habang hinabol ko ang aking hininga dahil sa kakatakbo.
" Ano bang nangyari sayo Kyle ? Ba't hinihingal ka ? " tanong sa akin ni Ashley at napameywang.
" Tumatakbo ka- haa haa , kasi ako " sagot ko rito habang hinahabol pa rin ang hininga ko.
" Bakit ka naman tumatakbo ? " tanong ni Ashley at hinimas - himas ang likuran ko.
" Kailangan mo ba ng CPR ? Marunong ako! " pagpresentar ni JO.
Kailangan pa ba ayun?
" Gaga ka , hingal lang CPR agad ?! " natawang saway ni Casper.
" Ayos na ako " sabi ko rito ay hinawi ang kamay ni Ashley sa likod ko.
" Sure ka? " panigurado ni Ashley na tinangoan ko lang rin.
Lalakad na sana ako pero natigilan ako ng hablutin ni Jason ang bag ko.
" Wag na ako nalang magdala nito " sabi ko at hahawiin ko sana ang kamay niya pero mahigpit itong nakakapit sa bag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/267626760-288-k2814.jpg)
YOU ARE READING
In The Name Of Love - Bxb [ Ongoing/Under Editing ]
Teen Fiction•MPREG• •SEASON 1• An identical twin brothers namely, Axcel Zachary Constantino is Jung Sung-hyun and Renz Kyle Salvador is Jung Seongyeon. Son's of a President in the country of Korea but got alienated from their real family because of someone they...