NIGHT Of DESIRE - 36

146 3 0
                                    

“Naku naman, hijo. Ayusin mo naman ang paghawak kay Aciel.”

Nagising ako sa boses mula kay Mommy Jamie.

Dahan-dahan akong nagmulat...

I found Mommy Jamie, Jasmine, Tita Alira, Alelie, Khalid, Kurt and Charles Ethan...

Lahat sila ay nakapalibot sa nakaupong lalaki sa sofa at may hawak ito sa kanyang braso at tila ingat na ingat. Halos yakapin na kasi niya ito.

Third... He's carrying my baby Aciel on his arms.

“I'm doing my best here, Mom... I'm just scared I might hurt her.” si Third.

Napangiti ako. Abalang-abala silang lahat do'n.

Hindi yata napansin na gising na ang pasyente nila.

“My gosh, Kuya... Ayusin mo.” ani Jasmine.

Binalingan siya ng kapatid.

“Shut up, Jas. This ain't easy. Why are you here, by the way? Tsk.” simangot ni Third.

Natawa naman ang iba sa kanya.

“To see Aciel, of course. I'm not here for you, Kuya.” giit naman ni Jasmine.

Mas lalo siyang sinimangutan ng kapatid. Haynako itong dalawang ito.

Sa pagmamasid ko sa kanila... Nalingunan ako ni Charles Ethan.

Agad itong napalapit sa akin kaya sinundan din siya ng tingin ng iba.

“How do you feel, Charisse? Are you okay?” agad na tanong ni Charles Ethan.

I smiled at him. Nakita ko naman ang agad na pagtayo ni Third sa sofa saka lumapit sa puwesto ko.

Tumingin siya kay Charles Ethan habang nasa bisig pa rin niya si Aciel.

“Move.” ani Third sa nakaupong Charles Ethan sa upuan sa tabi ng kama ko.

Bumaling sa akin si Charles Ethan bago binalik ang tingin kay Third.

“Don't bossed me around, Pascuelo. We're not in your company and she's my sister.” simangot na sabi ni Charles Ethan.

Magtatalo pa yata muna sila... Haynako.

Third cleared his throat.

“I just wanna show Aciel to your sister, Lavoisier.” ani Third.

“Tsk.” ani Charles Ethan at napilitang tumabi. I just smiled at him.

Umupo naman agad si Third sa upuan na sa gilid.

Sinubukan kong maupo. Tinulungan naman agad ako ni Charles Ethan.

Inabot sa akin ni Third si Aciel.

Nilibot ko muna ang tingin ko sa kanila bago ko binalik sa anak ko..

Anak ko... My baby... I am a Mom, now...

Tinitigan ko lang ang batang hawak ko...

She's mine.... I smiled..

Hinawakan ko ang pisngi nito... Cute!

Tahimik ang lahat sa loob ng silid kung nasaan ako...

A moment with Aciel feel so great... Holding her in my arms is like a dream...

“H-hey... Wife, stop crying... Ssshh...” pag-alo sa akin ni Third. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Umiling lang ako sa kanya.

“I'm fine...” ani ko.

Pilit niyang pinupunasan ang pisngi ko. Hinahayaan ko lang siya.

“Ano po'ng sabi ni Doctora?” baling ko sa kanila ng mahimasmasan ako.

NIGHT Of DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon