INTRODUCTION

2 0 0
                                    


"Muli"

Turuan mo akong lumingon sa ating nakaraan,
At muling pagmasdan ang paglubog ng araw sa kanluran.

Malayang silayan ang liwanag na bumabalot sa buwan,
Ang mga bituing nagniningning sa kalangitan,
Hanggang sa sumikat ang araw sa silangan.

Dito sa mundong malaya nating ginagalawan,
Muling pagdudugtungin ang dalawang pusong nahiwalay at nasaktan.

Bata pa lamang ako, laging ipinapaalala sa akin ni mama na hindi raw natin maiiwasan ang salitang "Masaktan at Kalungkutan". Gaya raw ng paglubog ng araw sa kanluran, darating sa buhay natin na unti-unti tayong lulubog sa sarili nating mga luha at unti-unting babalutin ng dilim ang ating mundo. Ngunit ang buwan na siyang magbibigay sa atin ng liwanag sa dilim, siya raw yung taong magmamahal sa atin ng lubusan. Siya ang magsisilbing liwanag at gabay natin upang muli tayong bumangon gaya ng pagsikat ng araw sa silangan. Ngunit paano kung yung taong iyon, tulad ng buwan sa umaga na unti-unti ring naglalaho kapag umahon na ang araw sa karagatan. Gayun din kaya ang taong magmamahal sa atin na kapag dumating ang oras na makabangon na tayo, siya naming unti-unting mawawala sa buhay natin?

YEAR 2015

1st Semester.

Maniwala kayo sakin, ang hirap talagang makapag adjust kapag bago sa'yo ang paligid na ginagalawan mo at bago ang mga taong makakasalamuha mo. Dalawang araw bago magsimula ang klase ko dito sa Pamantasan ng San Mateo, hirap na agada ko sa paghahanap sa dorm ko. Naglalakad ako ngayon papasok sa Unibersidad na ito at hindi ko alam kung saan ako tutungo. Buti nalang at may nakasalubong akong sekyo (Security Guard) at sa kanya ko itinanong ang direksyon ng dorm ko.

"Ah, west wing 3G, akyat ka lang diyan sa kanan mo tapos sa 3rd floor hanapin mo nalang dun yung sign na "3G" yun na yun!" Sabi ni manong guard sa akin.

"Sige po manong salamat po!" sagot ko sa kanya.

"Walang anuman toy! Ikaw ba ay bagong salta dito?" Tanong niya sa akin.

"Ah, opo, freshmen po." Sagot ko sa kanya.

"Ah ganun ba, tamang tama ang pinasukan mong unibersidad toy! Magagaling ang mga propesor dito! siguradong hindi mawawalan ng saysay ang pinasok mo dito." Sagot ni manong guard sa akin.

"Talaga po? Naku, maraming salamat po!" Sagot ko kay manong guard.

Tama nga ang sinabi ni tita Grace, mas matitino nga ang mga gwardiya kung sumagot kaysa sa mga hindi ko naman kakilalang mga tao. baka mamaya kung saan-saan pa ako iligaw ng mga taong yun. At hindi lang yun, minotivate pa ako ni manong guard. Totoo rin naman yung sinasabi niya, marami na akong nababalitaan na magagaling talaga ang mga propesor sa unibersidad na ito kaya hindi na agad ako nagdalawang isip na sumubok sa Univbersidad na ito. Panigurado, hindi lang ako matututo, magiging kaabang-abang pa ang magiging karanasan ko dito lalo na kapag nakilala ko na ang mga bagong magiging kaklase at tropa ko.

Agad ko namang sinundan ang direksyong binanggit sa akin ni manong guard. Nandito ako ngayon sa west wing building ng dorm dito sa loob ng unibersidad. Sa east wing building kasi ang mga babae. Habang tinatahak ko ang daan ko papunta sa dorm ko, marami na akong nakitang mga estudyante na makakasama ko sa gusaling ito.

Pagka-akyat ko sa 3rd floor, hindi ko inaasahan na may makakabangga akong mga lalaking nagtatakbuhan. Nabitawan ko ang hand carry luggage bag ko.

"Ay shet sorry!" Sabi sa akin ng isang lalaking nakabunggo sa akin sabay takbo papalayo kasama ng iba pang mga lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Story 3: SKY BRIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon