CHAPTER 21

30.4K 253 20
                                    

CHAPTER 21

“Ali, wake up!” dinig kong sabi noong taong kanina pa umuuga sa akin. “Ali! Ugh! Tuloh-mantika!” iritang saad niya.

“Uhm…” sabi ko at saka tinakpan ng unan ang mukha ko.

“Wake up!” sabi niya at saka ko naramdaman ang pagtungtong niya sa higaan ko. “Wake up! Wake up!” paulit-ulit na sabi niya habang tumatalon.

“Demi!!!” inis na sigaw ko at saka hinagis sa kanya ang unan. Bumangon at ngumuso dahil sa paggising niya sa akin. “Ang aga-aga mo namang mambulabog. Inaantok pa ako, eh.”

“Ano’ng ang aga?! Almost lunch time na kaya!” sabi niya at saka naupo sa tabi ko.

“Inaantok pa ako,” nakangusong saad ko pa.

“Kasi naman, medaling-araw ka nang umuwi! Aba! Saan niyo in-extend ni Paul ang prom?!” usisa niya.

Bigla ko namang naalala ang mga nangyari kagabi at lalo na ang mga napag-usapan namin ni Paul. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako.

“Hoy! Kagigising mo lang, parang nananaginip ka na naman!” sabi ni Demi habang kinakaway-kaway pa ang kamay sa harap ko. “Marami kang iku-kwento!”

“Hindi ba dapat ikaw ang mag-kwento?” balik na tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya at mukhang na-gets naman niya ang ibig kong sabihin.

“Well, ayun naman talaga ang pinunta ko dito,” pag-amin niya. “Ali, galit ka ba sa’kin?”

Umiling ako biling mabilis na tugon. “I just don’t understand why you didn’t tell me.”

“Nakiusap kasi siya sa akin,” nakayukong saad niya. “Inamin niya sa akin ang lahat. Kinuwento niya from the very start na ako talaga ang gusto niya. Pero noong napalapit siya sa’yo, nabago lahat ‘yun.” Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti. “Noong camping, kinausap niya ako at sinabing mas matimbang daw ako kesa sa’yo. Pero the day after Valentine’s Day, pumunta siya sa amin… umiiyak.”

“Umiiyak?” gulat na tanong ko.

She nodded and then held my hands. “He said he has made the biggest mistake of letting you go. Sabi niya, the moment na tumakbo ka palayo noon sa Wedding Booth ay na-realize niya na ikaw na pala talaga ang mahal niya at hindi ako.” Pinisil niya ang kamay ko at saka muling nag-salita. “Alam mo bang nag-usap sila ni Paul two days before our prom?”

“A-ano? Si Paul at si Aaron?”

“Oo,” sagot niya. “Nag-usap sila sa kung sino ang magiging prom date mo.”

“T-teka, Demi. Naguguluhan ako. Bakit sila nag-usap? Ano’ng kinalaman ni Paul kay Aaron? Tsaka… Ikaw, ano ring alam mo tungkol kay Paul?”

Huminga siya ng malalim bago muling nag-salita. “Si Lexie, ako, at lalung-lalo na si Ate Mhina… alam naming lahat na dati pa man ay gusto ka na ni Paul. Remember when we told you about Mr. Pride? We were actually referring to Paul. Hindi niya kasi kayang lunukin ang pride niya para sa’yo. Well, not until last night.” Tumigil siya sandali at nag-isip-isip. “Well, kahit hindi mo naman aminin sa amin ay alam naming pareho kayo ng nararamdaman ni Paul para sa isa’t-isa. Kaya sinabi ko kay Aaron na siguro, kahit ipaglaban ka niya, maaaring si Paul pa din ang piliin mo.”

Bigla ko namang naalala ang mga sinabi sa akin ni Aaron noong nagsasayaw kami kagabi. “I want to fight for you. I want to win your heart against Paul,” mariing pahayag niya. “But how can one win a battle against someone who has been declared the winner even before the battle started?”

“’Yon ang naging dahilan kung bakit niya ako inayang maging prom date niya. He wanted me to help him. Alam din ni Paul ang tungkol doon. Maging ‘yong solo slow dance ninyong dalawa, alam din niya,” paliwanag niya. “Iyon ang una at huling bagay na hiniling ni Aaron mula kay Paul – ang hayaan nitong siya ang maging first dance mo.”

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon