Eighteenth Shot

75 8 9
                                    

Eighteenth Shot

"Why, do all the monsters come out at night?
Why do we sleep where we want to hide?
Why do I run back to you like I don't mind if you fuck up my life!"

Walang habas sa paghampas si Aisha habang buong pusong kinakanta ni Cela ang paborito kuno niyang anthem ng mga marurupok. Ang 'Monsters' ng All Time Low-isa sa paborito niyang mga banda overseas.

We're at Olympus right now. Isang exclusive high end bar na ngayon ko lang nadiskubre. Salamat kay Cela at sa pagka-adik niya sa pagyo-YOLO. Pati na rin sa pagsapi ng kung ano sa kanya ngayong gabi dahil siya pa raw ang magbabayad ng lahat ng gagastusin namin ngayong gabi.

Kaya eto't sinasamantala namin.

Napaka-raming bote ng beer sa mesa at iba't ibang de-kutkot na pagkain na sa term ng dalawa ay tinatawag nilang 'pulutan'. YOLO ika nga ni Cela-siya naman ang magbabayad ng lahat ng 'to e.

Matapos ang dalawang araw ng walang tigil na pag-iyak ay napagdesiyunan kong makalimot sa lahat ng masasakit na pangyayari kasama ang mga kaibigan ko. I called and told them everything.. they didn't waste time and immediately fetched me.. now we ended up here.

Hindi nila 'ko jinudged. Knowing na suddenly nangyari ang mga bagay-bagay. Never silang nagtanong, hinayaan nila akong magsabi ng kaya ko lamang sabihin.. at labis ang pasasalamat ko sa kanila dahil doon.

"No matter what, Cady. We're always here, don't you ever forget that hm?" They said that made me tear up. Made me assured that I could always have them-for better or for worst.

Here are my friends-they're my family.

Hindi titigil ang mundo ko dahil lang nawala si River. I always need to remind myself that he was never mine.. ng matapos na ang kahibangan kong posible pang maging kami.

Kailangan kong umusad. Hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa kapatid kong si Candice. Hindi ko makakayang traydurin siya lalo na't napaka-bait at napaka-sweet niyang kapatid.

Actually, she spent days at our house. Wala ako sa wisyong makipag-bonding sa kanya kaya laging nadadala sa pagku-kwento niya ng mga personal na bagay tungkol sa kanya ang dapat naming bonding. Kusa na lang akong napapangiti sa effort na ginagawa niya para sa'kin.

Mas naipangako ko lang sa sarili kong never kong sasaktan ang kapatid ko. Whatever it might take-bahala na ako sa sarili ko.

Wala namang isyu kung tumanda ako ng dalaga. Kung sakali man, magkaka-apo pa rin naman si Dad kung ikakasal si Candice. Mas mabuti iyon ng wala ng pressure pa sa'kin.

Kaya narito ako ngayo't nilulunod ang sarili sa mga bagay na labis ko pa namang iniiwasan noon dahil sa term ko.. Rebellion ito.

But heck, the fuck who cares about that now? Eighteen naman na 'ko at malaya akong gawin ang gusto ko.

At ginagawa ko rin 'to para isalba ang sarili kung ipipilit ko ang mga bagay-bagay.

"Gago, taas pa!" Sigaw na pang-asar ni Aisha kay Cela ngunit natawa lang ako ng taasan lamang siya nito ng middle finger habang gumigiling pa rin sa saliw ng maingay na awit.

"Why am I a sucker for all your lies!
Strung out like laundry on every line!
Why do I come back to you like I don't mind if you fuck up my life!"

A Shot for LoveWhere stories live. Discover now