Reminiscing

12 0 0
                                    

Kylie's PoV

Andito kami sa school. Wala gusto lang namin balikan yung mga kalokohan na pinaggagawa namin sa school na ito. Sayang graduate na kami ng grade 6.

"Guys, room natin nung grade 1!", sigaw ko.

"Yung naalala ko dito, is hindi tayo nagpapansinan lahat. Then, nasugatan si Kylie ng bakal. Halos maubos na yung dugo niya. Tapos, dyan sa hagdan na yan tig 2 tao bawat hakbang. Dyan nga tayo nag tu-toothbrush! Hahahaha!", sabi ni Ayah.

Naglakad-lakad pa kami. Tapos nakita namin yung 2nd Grade Building.

"Nung grade 2, nawalan lang ako ng malay dyan eh! Inatake ako ng sakit ko, if you dont mind!", sabi ulit ni Ayah.

"Oo nga no! Nag away pa nga si Klyde at Theody kung sino ang tatawag ng nurse.", sabi ko.

Hanggang sa marating namin yung 3rd at 4th grade building. Pinagsama na kasi, mga matitino na yung isip ng mga bata nun.. Hahaha.

"Grade 3, Binubully ako ni Ryker! Grade 4, Trash War, hahahahaha!", si Ayah po ulit yung nagsalita. Daming alam!

"Naalala nyo ba guys, nag away si Ms. Grace at Ms. Yesa dahil sa trash war natin? Hahaha!",Finally nagsalita si Kim. Ang Dakilang Chismosa. Joke!

"Guys, eto na yung Loveteam Building!", sigaw

Lahat sila natahimik sa sinabi ko.

"What's wrong guys?"

"Bat mo binansagan yang 5th at 6th GB, na Loveteam Building?!", sigaw ni Aris.

"Eh, ang daming naging magsyota dyan eh! Lalo na yung isa dyan. TWO TIMER!!!" Pinapatamaan ko si Ayah. Yeah! Si Ayah yung two-timer. Pinagsabay ba naman si Theody tsaka Klyde?!

"Eh, di naman ako seryoso kay Theody nun eh!!!",sigaw nya sa akin.

"Totoo naman, hindi ba??", sagot ko sakanya.

"Oo na, ikaw na yung madaming alam! Baka gusto mo ibuking kita??",

Hala!! Ibubuking nya ako!!

"Alam nyo ba guys, may boyfriend na itong si Kylie??",sigaw ni Ayah. Nakita ko si Ryker ansama ng tingin sa amin!!

"Ang gwapo nga nun eh! Tapos 8 months na sila. Di ba guys, masakit kapag naglilihim ka sa mga kaibigan mo?"

Ano nanaman yung drama netong babaeng to?

"Uy, Kylie magsalita ka nga!", sigaw ni Kim.

"Aisshh! Oo na! Meron akong boyfriend. Pero sana please! Wag niyo sabihin kela papa! Papagalitan ako nun.", pakiusap ko.

Hindi kasi ako pinapayagan nila papa magboyfriend. Ang bata-bata ko pa daw para sa ganung bagay. Balak ko ngang breakan si Ryker, kaso binuking ni Ayah. Buti nalang hindi nya binanggit yung pangalan.

"Tara na, maliligo pa tayo sa dagat diba? Magandang maligo ngayong oras di masyadong mainit.",sabi ni Ryker. Sumingit pala siya sa usapan. Hahaha!

"Anong oras na ba?",tanong ko.

"It's already 7:30 am. Maganda ngang maligo sa dagat ng ganitong oras. Kaya, tara na. LET'S GO SWIMMING!!!!", sigaw ni Ayah.

Masanay na po kayo kay Ayah ah! Palasigaw po yan. Pag may problema kasi yan ang tahimik po yan. Pangiti-ngiti lang.

"SA ISANG SULYAP MO AY NABIHAG AKO, PARA BANG HIMALA ANG LAHAT NG ITO!!!", alam nyo na po kung sino yan. No other than Ayah!! Pero this time kasama niya si Kim. Sila lang yung maingay dito sa jeep. Mukang tanga lang. Masakit po talaga sa tenga kapag narinig nyong kumanta si Ayah. Pagbigyan nyo na :)

If I Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon