LAG Chapter 8

93 4 3
                                    

CHAPTER EIGHT: (Lovelife, Past And Advices)

<Kris' POV>

"Kris."

"Hmm?" Umupo na din siya sa swing. Dalawa ang swing dito.

"May gf ka ba ngayon?" Anu bang klaseng tanung yun? -.-

"Wala."

"Eh, ex?" Autograph book ba to? =.="

"Meron."

"Talaga? Share ka naman about sa kanya."

"Ayoko." Ayoko ng hukayin ang mga alaala namin.

"Bakit?"

"Eh, sa ayoko eh."

"Sungit."

"*F*ck*"

"Nag'mumura ka na naman."

"Pake mo?"

"Hayst."

"Ikaw ba, may bf ka?"

"Wala."

"Ex?"

"Meron."

"Ikaw na lang ang magkwento."

*SILENCE*

Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin lang

sa kawalan at nakita kong may pumatak na luha. Bakit siya umiiyak?

"Sige. Ang ex ko, nilayo sakin ng mama niya. Pumunta sila ng Cali.

Kasi ayaw sakin ng mama niya. Napipilitan lang siya kasi gusto ako ng

papa niya para sa kanya. 4 years na dapat kami ngayon eh.

Namatay ang papa niya dahil sa sakit sa puso. At dahil dun,

nakakuha ng pagkakataon ang mama niya para ilayo siya. Kahit ayaw

sumama ng ex ko, wala na siyang magawa pa. Kung siya nga wala ng

magawa, paano pa ko? Wala na din akong nagawa kasi wala akong laban

sa mama niya. Nung gabi bago sila umalis, pinuntahan niya ako. Akala ko

good news, yun pala bad news. Nakipag'break siya sakin. Di na daw niya

ko mahal. Akala ko, lalayo lang sila pero kami pa din. Yun pala sa paglayo

niya, pati ako iiwan niya. My first crush, first love, first boyfriend, first kiss, first hug

and first heartbreak." Patuloy siya sa pag'iyak. Wala akong magawa. Di ako

marunong mag'comfort ng babae. Hinagod ko lang yung likod niya. Anniversary

pala nila ngayon kaya niya na'open ang about sa lovelife.

"Stop crying Kaye. Mag'move-on ka na lang. I'let-go mo na lang siya.

Walang mangyayari kung mananatili ka sa past mo. Wag kang mabuhay

sa past. The past is a nice place to visit but certainly not a good place to

stay."

"Paano ako magmomove-on *SOB* kung sa tuwing may nakikita akong

mga lalaki, mas lalo kong narerealize na siya lang *SOB* ang gusto

kong makasama habang buhay. Nung nawala siya at nung nakipag'break

*SOB* siya sakin, gumuho ang mundo ko. Feeling ko mamamatay na ko."

"Ang break-up ay hindi katapusan ng mundo. Hindi mo yun ikamamatay.

Except na lang kung magsu'suicide ka."

"*SOB*" No comment? =.=

"Never cry for that person who doesn't know the value of your tears."

"Hayst. Wag ka ngang ganyan. Ako pa naman yung babaeng madaling

ma'fall in love." Nakangiti siya pero may luha pa ding pumapatak.

"We should love, not fall inlove because everything that falls, gets broken."

"Phew, sapul ako ha. Hahaha. Galing mo mag'advice. Di ko alam na ganyan ka

pala. Nung una kitang nakita, ang tingin ko sayo, gangster, masungit, suplado,

masama, mahilig sa away at playboy. Mukhang tama ako sa lahat ng hula ko.

Puro negative. Pero di ko alam na mabait ka naman pala. Alam kong di ka

talaga masama pero meron diyan *turo sa kinaroroonan ng puso* na dahilan

kung bakit ka nag'bago. Kung bakit nag'iba ang ugali mo." Sabi niya habang nakangiti.

"Oo nga pala. Nung minsan, nakita ko yung ex ko kasama yung, i think asawa niya?

Kasi nung pumunta sila ng Cali., sa pagkakaalam ko, may fiancee na siya doon

at dun sila titira. Tska nakita ko may kasama silang baby. Ang sweet nga nila eh.

The hardest thing to do is watch the one you love, love someone else. Ang sakit

pala nuh? Sobra. Yung makita silang masaya habang ikaw halos ikamatay mo yung

pag'kawala niya." Muli tumulo ang luha niya.

Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Pinapakita niyang strong siya pero di

naman maikakaila na weak talaga siya lalo na sa mga ganitong bagay.

"Kaye, smile. It will make him so jealous to see you're happy without him."

Tapos nag'smile siya. A weak smile.

"Ikaw na talaga! Daming alam! ^^ Hahaha. Sensya na masyado akong ma'drama

ha?"

"Anung magagawa ko eh ma'drama ka."

"Tss. Bipolar ka ba? Ang dami ko ng na'share, ikaw naman. Kwento ka about

sa ex mo."

"Ayoko."

"Bakit ba kasi ayaw mo?"

Magiging ma'drama lang ako. Oo nga, gangster ako. Strong sa labas pero

deep inside, i'm weak. Lalo na kung ang topic eh about sa ex ko.

Yung babaeng mahal, minamahal at mamahalin ko.

"Kasi ayaw ko. Period!"

*SILENCE*

Tumahimik siya. Nakatingin na ulit siya sa kawalan. Wala ng umiimik

sa amin. Ano kayang iniisip niya? Di ko mabasa eh. Haaayst. Ang gaan

ng loob ko sa babaeng to. F*ck! Anu bang sinasabi ko? Marami kasi

siyang ugali na parehong-pareho sa ex ko. Madami silang pagkakatulad.

Kaya ba ganito ako sa kanya? Kasi, iniisip kong siya yung ex ko? Yung

babaeng sobrang sineryoso ko? Bakit hanggang ngayon, di ko matanggap

na wala na siya? Na kinuha na siya? Masyado ko siyang minahal. Si Kaye?

Mabait, friendly, kahit na di ka kilala mapapalapit pa din siya sayo, makulit,

maganda, cute, lapitin ng boys, simple at masarap kasama at maka'kwentuhan.

Para talaga siyang si Claudine Joy Natividad. Ang ex ko. :(

Loving A Gangster (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon