. . .
PART 2
. . .
"Aena, pwede ba kitang samahan ngayon?" Nginitian ako ng bongga ni Race at bigla ko nalang naalala yung madalas niyang tawag saakin na 'Aena' nung close pa kami 2 years ago. Bigla ko nalang naramdaman yung tyan ko na para bang kinikiliti na ewan.
"Sure, why not?" Napa-english na 'ko sa sobrang kaba, it's been ages since we last talked! OMG bakit niya ba ako ngayon sasamahan? Nasa library kasi ako ngayong uwian at kanina pa umuwi yung mga kaibigan ko. At nagtataka nalang ako kung bakit ngayon ay nandito si Race sa library at tinatanong ako ngayon kung pwede niya 'kong samahan.
MALAMANG! PWEDENG PWEDE BASTA'T IKAW! Sabi ng malandi kong kaluluwa,
Bumabalik nalang saakin bigla yung mga nakakatuwa naming ala-ala nung 1st year ko dito sa school, siya yung unang lalaking nag stand out sakin dahil sa mga baon niyang jokes nung freshmen year, tapos naging president siya sa section namin at ako yug naging vice president, kaya nga mabilis kaming naging magkaibigan talaga, medyo naging kaibigan ko rin si Dylan dahil sa impluwensiya ni Race pero iniisnaban niya 'ko magpasa hanggang ngayon, kaya nga nakakabwisit at nabunot ko siya!
I turned back to reality the moment Race clapped his hands.
"Huy, nakikinig ka ba? Ayos ka lang?" He smiled at me from ear to ear, napalunok naman ako.
"Ah, bangag kasi ako ngayon eh, haha.. Bakit? Ano ba yung sinabi mo kanina?" Nginitian ko siya pabalik, sinisikap kong hindi ipatibok ang puso ko dahil may parte saakin na natatakot na baka marinig niya yun. Pero syempre ako lang naman talaga yung assuming haha charot!
"Umm.. Nahihiya ako eh, ngayon nalang kasi tayo ulit nag-usap." napakamot siya sa buhok niya at pinaglalaruan ito, mas nagigigil akong hawakan at pakiramdaman din ang buhok niya,
"Ang arte mo, pauwi na 'ko oh?" Naiinip ako kunwari, pero wala pa naman talaga akong planong umuwi.
"Uh. Ganito kasi 'yun. Aena, ano bang gusto mo? Pwedeng paki-specific? Ang hirap kasing bilhin ang gusto mo eh, baka 'di mo naman magustuhan yung gift na ibibigay sayo." Sabi niya, mas lalo akong napapangiti at bumibilis ang tibok ng dibdib ko dahil tinatanong niya 'ko ng personal!
"Ewan ko eh, ewan ko talaga." Inayos ko yung buhok ko, "Wala pa 'kong specific na gustong gamit sa ngayon." Pwera ikaw. Ikaw kasi sana yung gusto ko.
"Ah, ganun ba?" Napasalukbaba siya at para bang naguguluhan na. "Shet, pinapahirapan mo talaga ako. Tinanong ko na nga yung mga kaibigan mo pero ganun din ang sabi nila. Bakit kasi ganun?! Mahirap kang hanapan ng gift. Nakalimutan ko na kasi yung mga gusto mo eh."
Napakunot naman yung mga kilay ko, sayang nakalimutan mo na, hindi man malinaw ang mga memories ko pero naalala ko nung pareho pa nating pinakikinggan yung mga kanta ni Bruno Mars sa iisang earphone, naalala ko pang share tayo doon at sinabi ko sayong gusto ko ng earphone na gaya nung sayo, color blue at white din sana at sana pareho tayo ng brand ng bag. Gusto ko na sana pareho tayo ng big notebook na ginagamit at pareho ng ballpen, pareho ng gustong kulay na black, pilit kong pinagpapareho ang mga gamit nating pareho at naaalala ko pa nung niregaluhan mo 'ko ng keychain one time nung recollection natin at tinangkap ko pa siya hanggang ngayon. Ngayon, bakit 'di mo na maalala? Diba ikaw 'yung lalaking kasama ko nun? Ikaw yung ginusto ko nung simula dati pa? Nakakadisappoint lang dahil sobrang close natin dati pero hindi mo na maalala.
Naaksidente man ako one time nung nabugok ang ulo ko sa hagdan. Pero sure akong ikaw yun. Ikaw na nakakaalam ng lahat ng hilig at gusto ko.
"Ay sayang." Pilit kong pagbibiro, pero sobra talaga ang disappointment na naramdaman ko sakanya. "Sorry talaga."
BINABASA MO ANG
Monita Niya 'Ko?
Short StoryHuling Christmas party na iyon ni Aena bago siya ilipat ng parents niya sa ibang eskwelahan. Huling enjoyment sa high school life niya, nang nagbunutan na para sa exchange gift, bakit ayaw pa aminin ni Race na si Aena talaga ang monita niya? Pasuspe...