'Di ko maalis ang titig sa isang IG post kung saan naroon ka at ang babaeng tunay mong minamahal.
Sa wakas nagkabalikan na kayo, ibig bang sabihin nito matatapos na tayo? Mukhang iyon na nga ang mangyayari, wala ng iba.
Walang ganang tinapon ko ang cellphone sa aking kama.
Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko. Siguradong mayamaya, tatapusin mo na ang relasyon natin. Ngunit hindi ko hahayaang mangyari iyon. Mas mababawasan ata ang sakit kung ako na ang tatapos nito.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone para matawagan ka. Isang ring lang at sinagot mo na.
"Ey Ash, pwede bang magkita tayo ngayon?" I did my best to sound cheerful.
"I was going to say the same thing--"
"Four, at the usual beach." I ended the call.
I drop myself on my bed. Hinayaan ko na rin ang sarili na malunod sa sariling luha hanggang sa makatulog.
SAKTONG alas tres na nang magmulat ako ng mata. Pinilit kong bumangon kahit tinatamad ako. Pipilitin ko ring maging masaya para sa'yo.
Napako ang tingin ko sa sariling repleksyon. Somehow, the slight makeup helps. It would be perfect if I smile. I did my best till wrinkles etched in the corner of my eyes.
Masaya ako. Dapat masaya naman talaga ako kasi 'yon ang goal natin odi ba? Ang magkabalikan kayo at magkabalikan kami. We used each other to make our exes jealous and get back to us. Kaso likas akong tanga. Sobra.
Papalabas na akong kwarto nang mag-ring ang phone ko. I thought it was you, pero siya pala —ang dahilan kaya ako nakipagkasundo sa'yo.
Napabuntong hininga siya. "Love, I miss you so bad."
Nakakatawa. Tapos na nga ang paghihintay ko.
I FEEL nostalgic as the sand touches the bottom of my feet. Ang sarap din sa pandinig ng kalmadong paghampas ng bawat alon.
"Sam!" It's you, running towards me.
Ito na ang tamang oras. Hindi ako papayag na ako na naman ang maiwan kung kaya't uunahan na kita.
"Let's break up!" halos manghina ako sa lakas ng sariling sigaw.
Napatigil ka sa pagtakbo. You must be surprised.
Ginamit ko ang natitirang lakas para lumapit sa'yo dahil walang mangyayari kung magtitigan na lang tayo.
Mabibigat ang bawat hakbang ko. There's a part of me na gustong bawiin ang sinabi ko pero nandito na to eh. I have to accept that even the expected things hurt as well.
I took the last step. "Thank Y---ah!" we both laugh the second you spin me on the air.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makatapak muli ako sa buhangin.
I stare at your eyes. "A-ang dami kong gusto sabihin pero wala akong makapang salita."
Hinintay ko kung may sasabihin ka, but you only keep smiling kaya nagpatuloy na lamang ako para maubos lahat ng gusto kong sabihin sa'yo.
Nararamdaman ko na ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mata ko. "Thank you for the eight months. It's been tough, but I enjoy the memories we shared."
Ayaw kong umiyak sa harapan mo kaya napagdesisyunan kong tumakbo na sana palayo pero letse ka! You held my wrist at ngayon ay nakasubsob na ako sa dibdib mo.
You squeezed me. "This is the real definition of a happy breakup. Our plan worked so well!"
"Ibig sabihin, nagkabalikan na rin kayo?" pagkukunwari ko pang hindi ko alam.
You nodded.
Nang mag-ring ang phone sa bulsa ko. Dali-dali ko iyong sinagot, not checking the number. "Love, I love you. I'm on my way." It's him. Again.
Itinulak kita. "Sorry, I have to go now."
Nanghihina man pero pinilit kong tumakbo nang mabilis papalayo sa'yo. Hindi na ako lumingon kahit pa ilang beses mo akong tinawag.
GANITO pala ang feeling na ikaw ang mang-iwan. It feels good yet hurts at the same time.
Napaupo na lamang ako sa sementong daan dahil sa panghihina.
Our last chapter ends here.