Dear Oppa,

4 0 0
                                    

                                                                                                                                            02.24.15

Dear Oppa,

                Its D-Day! Babalik ka na sa Korea. Masakit! Sa dami ng events niyo 3 times lang ako nakapunta. Di nga ako nakalapit nung dalawang events na pinuntahan ko tapos nung pangatlo di kita nahug kasi nahihiya akong mag-break ng rules ng staffs. Masaya na ako sa handshake pero bitin talaga! Lalo na pag nagkwento yung ibang fans , nakaka-inggit. Hindi man nakakapaniwala yung kwento ng ibang fans pero may part na alam kong possible. Umiiyak ako ngayon kasi nagsisisi ako bakit 3 events lang pinush kong puntahan. Bakit hindi ko pinush na yung mga kaya  kong puntahan ay puntahan? Ang hirap ma-attach ng sobra. Masakit kasi talaga! Umiiyak ako dahil huling araw niyo na hindi ko pa kayo nahatid. Hindi ko kayo nakita bago kayo umalis. Alam kong babalik kayo pero hindi sigurado yun kailan.

                        Kaninang umaga di na ako nag-isip na pupunta akong airport kasi hindi talaga papayag si eomma pero nung hapon grabe nararamdaman kong may chance. Tinext ko yung pinsan ko nung 4pm na at dahil 11pm flight niyo siguro mga 8pm dapat andun na kami if ever. Sabi ni mama papayag siya pero maghanap ako ng kasama. Hindi pinayagn yung pinsan ko kasi walang daw pera at alam ko namang hindi siya papayagan at ako rin dahil ano ba naman alam namin sa pagbyahe ng gabi. Pero dahil sabi naman ng mama niya ay wala lang pera sabi naming dalawa na mangungutang kami. Tinext namin yung isa naming childhood friend kaso hindi niya kami mapapahiram. Anyway , 15 years old palang kami. Nakaasa sa baon palang. Sinubukan namin manghiram doon sa tindera ng barbeque sa may amin kaso wala baka isumbong kami sa parents namin. Kinulit namin yung mga parents namin pero hindi talaga sila pumayag. Umiyak kami ng umiyak dalawa dahil wala na kaming magawa pero gustong-gusto namin kayo makita ng lahat ng members. Napamahal na kayo ng sobra saamin.

                                Sabi namin ng pinsan ko ay hindi na kami iiyak at hindi kami magbubukas ng facebook namin dahil masakit. Pero pag-uwi ko nagbukas ako ng fb at twitter. Tiningnan ko accounts niyo. I checked the PH group at nabasa ko mga post ng mga admins na malungkot. Napaiyak nanaman ako! Grabe na. Naiinis na ako sa pagfa-fangirl hindi ko naman kaya i-let go. Masakit talaga. Supportado naman kami ng pinsan ko ng parents namin kaso siyempre may mga oras na di pwedeng lagi kaming pagbibigyan. Nakita ko sa group nung time na malapit na kayo mag-check in na nagka-countdown yung fans. Grabe na lalo! Ramdam na ramdam ko na. Tas nagpost yung isang admin/staff ng picture na nakapila yung fans at may free hug. Free hug na hindi ko manlang nagawa. Free hug na hindi ko alam kailan ko magagawa. Masakit. Wag kayong magsasawa mabasa ang 'masakit' dahil yun lang ang bottom line ng buong ito. Mahal na mahal ko kasi kayo! Mukha na kaming tangang fans kakaiyak sainyo , kahit masakit pa sa bumagsak ako sa school , kahit na hindi niyo ko kilala at mahalin pabalik ng same level ng love ko sainyo laging babagsak sa mahal ko kayo. Tatandaan niyo yan oppa!

                                   Ngayon ititigil ko na dito lahat. Masyado na akong maraming sinabi pero magulo. Habang nagsusulat pa ako di ko maiwasang tingnan yung group. Masakit mabasa yung mga experience nila ngayong gabi sa airport. I love you oppa! Nandito lang ako para sainyo.

                                                                                                                    Nagmamahal,

                                                                                                                     Your poor fan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Oppa, (Departure)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon