Typoo and Grammatical error ahead
(Please vote and comment guyssss!)
Thank you!
SUMBRERO
RAIN'S POV
Narito ako ngayon sa palengke para bilhin ang mga pinabili ni mama. Lahat ng pinabili ay para lamang sa pang isang linggo konsumo. Naglakad lang ako papuntang palengke kasi malapit lang naman mga sampung minuto lang ang lalakarin.
Ang masangsang na amoy, ugong ng mga pampublikong sasakyan at ang ingay ng mga tao ang sasalubong sayo sa entrada palang ng palengke. Linggo ngayon at maraming tao ang labas masok sa palengke.
Inuna ko munang bilhin ang malilit at hindi mabigat tulad ng noodles, pancit cantoon, sardinas, at shampoo. Kasi naman ayaw kong mabigatan at magkaroon ako ng muscles sa mga braso. Sa ganda kong to myy God! Sunod kong binili ang uulamin namin ni mama mamayang hapon. Pumasok ako sa chicken and meat section. Tumigil ako sa tindahan ni Aling Tessa na suki ni mudrabells. " Magandang tanghali Aling Tessa". May pagka strikta at chismosa si Aling Tessa pero mabait naman minsan nga pinapatawad ako kapag bibili ako sa mga paninda niya.
Hindi ako napansin ni Aling Tessa dahil marami rin ang syang customer na inatupag. Pero kalaunan ay napansin niya nako at agad ding inasikaso dahil kaunti nalang ang customer. Talagang mapagbiro itong si Aling Tessa kung ano-ano ang napapansin sa akin. " Napakaganda talagang itong si Rain parang pinaghalong Liza Soberano at Ivana Alawi hahaha...Nasaan ba ang Mama mo at ikaw ang naatasang mamalengke?, sabi ni Aling Tessa.
"Salamat po, Ahhmmm. ... nasa trabaho po si Mama Aling Tessa", saad ko naman. Belinda Dela Fuente ang pangalan ng aking ina. Sa kanya ko namana ang mahahabang pilik mata at pagka pouty lips. Antonio Dela Fuente naman ang pangalan ng aking ama at sa kanya ko naman namana ang tangos ng ilong, maliit na mukha at magagandang mga mata. Sabi pa ng mga kabit-bahay ko ay pwede daw akong mag artista pero ako ang may ayaw dahil hindi ko kailan man nanaisin ang maging center of attraction. Maganda at masaya ang simpleng pamumuhay dahil lahat ay malaya kong magagawa ang mga bagay na gugustuhin kong gawin ng walang nag aabang na mga paparazzi.
Si mama ay isang public employee sa Munisipyo, sekretarya ni Mayor Montecillo. Maraming inaasikaso si Mama kapag nasa trabaho. Kaya sa akin na nakatuka lahat ng gawain sa bahay. Pero ni minsan ay hindi nakalimutan ni Mama ang maglaan ng oras para sa akin dahil kaming dalawa na lamang ang magkatuwang sa buhay, simula nung namatay ang Papa.
Wings at legs ng manok ang binili ko para aadobohin at sasabawan ko mamaya. Nagpasalamat muna ako kay Aling Tessa bago umalis. Dumiretso ako sa tindahan ng bigasan upang bumili ako ng sampung kilo ng bigas, dahil mabigat iyon ay hinabilin ko muna sa may-ari at babalikan na lamang pagkatapos kung mabili ang lahat na kakailanganin.
Paikot- ikot lamang ang aking ginagawa sa loob ng palengke, nakipagsiksikan at unahan sa ibang tao sa kasera. Matapos kung magbayad ay lumabas na ako upang balikan ang bigas na hinabilin ko.
Tinahak ko ang daan patungo sa parking lot dala ang mga pinamili ko. Habang tumatagal ay nangangalay ang aking mga braso dahil medyo mabigat ang mga dala ko. Nagpahinga muna ako saglit sa bakery na nadaanan ko at mag snack muna. Tumingin ako sa aking relo ay pasado alas dose na kaya pala nararamdaman ko na nag- aalburoto na aking tiyan. Nag order ako ng dalawang ensaymada at isang royal. Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang maalala nung bata pa ako ay palaging akong binibilhan ni mama ng ensaymada sa tuwing uwian niya galing sa trabaho.
Habang inaalala ko yun ay may naririnig ako na parang may nagsasalita sa harapan ko. " Hey ! hey... Is this seat available? Hey ! Are you with me?
Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ito. Tumitig muna ako sa kanya bago tumango. Hindi ko maiwasang tumitig dahil sa gwapong mukha nito. He has dark eyes, mataas ang ilong, thin kissable lips and perfect jaw line. His tanned skin tone ay mas lalong nakapagdagdag kagwapuhan nito. He is wearing a black shirt and blue pants with a white cap on his head.
Napansin nito ang matagal kung pagtitig sa kanya kaya't mabilis kung binawi ang tingin at ibinaling sa iba. Sakto naman na dumating ang aking inorder at agad ko itong sinunggaban. Paminsan- minsan ay tumitingin din sya sa akin habang nag-antay sa inorder nya. Nang dumating ang inorder nya ay agad nya itong kinain ang ensaymada nga ngayon ko lang namalayan na parehas pala kami ng inorder. Sumipsip sya gamit ang plastic straw sa kanyang soft drink habang nakatingin sa akin na ningitian ko nalang dahil ang weird lang na sa ganitong klase pagtingin nya sa akin ay para hinahalungkat ang buong pagkatao ko.
Biglang nasamid ako sa pag inom ng soft drinks ko dahil nakatitig lang sya akin habang umiinom. Nataranta naman sya sa akin. " Heyyy... Are you okay? tanong nya sa akin at agad ako ng tumugon " yes I'm fine, sorry hehehe". Hindi ko mawari kung ang ano trip nya sa pagtitig sa akin. Nagagandahan ba sya sa akin? May dumi ba ako sa mukha? Kung nagagandahan sya sa akin ay totoo naman yun dahil marami naman ang nagsabi non na maganda ako.
Nabawi ang pagtitig nya sa akin dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa nya. Agad din nyang kinuha at sinagot ang tawag. "Hello mom, yes.... Don't worry about me mom, ok lang ako kasamo ko naman si Mang Ramon sa paglilibot- libot". Nagulat ako nang bahagya dahil tagalog pala ito. Ibinalik tingin sa akin at tinuro ang mukha ko sa bandang labi. Nagtaka naman ako dahil bigla nalang me syang kumuha ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan nya ang sa bandang labi ko. Nagulat ako sa ginawa nya at napatingin sa paligid dahil ang lahat ng tao ay sa amin nakatingin. Napagkamalan tuloy kaming magjowa dahil sa ginawa nya. Pero parang baliwala lang sa kanya yon. Bigla nyang hinubad nya ang kangyang puting SUMBRERO at ipinatong sa lamesa habang katawagan nya ang kanyang Mom.
Mas naging maaliwas ang kanyang hitsura sa pagtanggal nya sa kangyang sumbrero. His hair is messy at dahil dun mas lalong nadagdagan ang kangyang pagkagwapo.
"Ngayon na ba yun mom? Am I late? Ok I'm on my way". Sagot niya sa mommy niya na nasa kabilang linya. Nagtaka naman ako dahil biglang na lamang syang tumayo at patakbong lumakad palayo sa akin na parang may hinahanap. Siguro yung driver nya ang hinahanap at kalaunan ay nahanap naman nya. Binawi ko ang pagsulyap sa kanya napako ito sa lamesa dahil may napansin akong sumbrero sa lamesa. Pamilyar ang sumbrero sa akin at doon ko napagtanto na sa lalaki pala itong sumbrero. Naiwan nya ang kanyang sumbrero sa pagmamadali nya. Hindi nako nagdalawang isip at agad kung tinungo ang lalaki dala dalang ang mga pinamili ko.
Agad ko syang nahanap na pasakay ng kotse at tinawag na mister dahil hindi ko naman alam ang pangalan " Mister! hoy!hoyyy! sumbrero mo peste! Ngunit pumarorot ang kotse at hindi ko na ito naabutan pa.
YOU ARE READING
WAY BACK HOME
RomanceWAY BACK HOME(Cebu Girl's Series #1) Status: Ongoing Sabi nila "second chance is worth fighting for. Love is sweeter second time around". Rain Dela Fuente is a simple young girl who lives in Barili, one of the provinces of Cebu. She always believes...