CHAPTER 3:

9 0 0
                                    

" Tanghaling tapat ngayun sa plaza ng school namin, kakatapos lang din namin mag practice dahil sa Monday na ang presentation namin, final practice narin namin ito kaya inayos na namin ang mga steps namin dahil grades namin ang naka salalay dito. Bahagya akong naka upo sa corridor ng school namin habang nag iisip kung kakayanin ba namin ito sa Monday dahil hindi mawala wala saakin ang kaba, kaya tinitingnan ko nalang sina Sam at Simon na magkasamang nag rereview sa parating na exam namin sa isang long chair ng school. Naka upo lang ako dito habang tinitingnan ang mga lyrics ng gagawin naming presentation ng may lalaking umakbay saakin, "Mukhang busy ka ata ah?" Sambit ni Lake na nakangising naka titig saakin. "ahmmm medyo. Kinakabahan kasi talaga ako eh" sagot ko sakanya "hay nakuh Zach wag mong i pressure ang sarili mo baka mabaliw ka nyan!" Pabiro nitong saagot saakin, "Baliw di naman sa ganon hahaha" sagot ko sakanya. Walang umimik saming dalawa ng mga oras na un kaya nagsalita ako, "uhm Lake. Ano uhmm" pabulol kong sabi sakanya "Ano idadate moko? hahahaha" pabiro nitong sagot saakin na parang baliw "parang ganon na nga. Ano G?" Sagot ko sakanya habang namumula ang mga pisngi "Oh bakit ka nag blublush HAHAHAAHA mahal mo talaga ako noh? Tara ba" walang alinlangan nyang sagot sakin, hindi narin ako umangal dahil totoo naman ang sinabi nya. Siguro nga Mahal ko siya. "Tara carenderia tayo? O Sm?" Tanong ko sakanya "ikaw kung saan mo gusto doon nadin ako basta masaya ka" sagot nito saakin. "G tara na!" Pag aaya ko dito. Umakbay ito sakin at nagpatuloy sa paglalakad"

*****

"Nakarating na kami sa SM MEGA MALL kasi pinili ko dahil mainit ang panahon para narin malamigan kami kasi sobrang init din sa plaza ng school. "Oh san na tayo?" Pagtatanong nito saakin, "ikaw balak ko sana mag cine tayo sagot ko pero kung nagugutom ka kumain muna tayo" pag aalok ko sakanya, "Eto naman andami naman ata nyan mag cicine na kakain pa baka maubos budget mo dahil saakin ah" pahiyang sagot nito saakin, "ano ba wag ka mag alala may pera pako sa bangko ko kaya di ako mauubusan ng pera. Tyaka minsan nalang tayo lumabas ah, kailan tayo huling nag enjoy noong first day of school. Kaya treat kona to" pailing kong sagot sakanya, "Aba kung ganyan naman pala tara na!, Basta wag kang mag dadaing na inubos ko pera mo ha. Hahahaha" pabiro nito saakin, mahilig talaga magbiro itong si Lake kulang nalang maging clown na ito. "Ano saan mo gusto kumain pumili kana" tanong ko sakanya, "ahmm Jollibee tayo Mahal?" Sagot nito saakin "mahal ka dyan parehas tayong lalaki noh" sagot ko sakanya habang pinigilang tumawa, "Ewan koba kung bakit ganyan magbiro yang lalaking yan kala mo seryoso eh" pabulong ko sa sarili ko, "oh tara na to Jollibee!!" Sambit ko dito. "Tara! Gutom nako mahal ko" sagot nito saakin habang naka akbay parin saakin, nagsimula na kaming maglakad papunta sa pupuntahan namin dahil may kalayuan Ito, "ewan koba bakit anlaki talaga Ng mga Sm andaming building buildings tinalo pa mga office buildings ng manila" nasa building A4 napasama ang Jollibee isang building lang agwat ng building kinakatayuan namin Kaya naglakad na kami."

****

"Kakatapos lang namin kumain rito kaya paikot ikot nalang kami sa Mall, ng bigla kong naalala ung about sa Cine. "Ay muntikan ko ng makalimutan mag Cicine pa pala tayo" sambit ko sakanya habang naglalakad "seryoso ka talaga don? Akala ko biro mo lang yon" sagot nito saakin, "baliw di ako palabiro tulad mo no. Ano payag kaba na mag cicine tayo?" Patanong ko sakanya dahil tanaw na namin ang Cinehan. "Osige ba sagot kona lang foods don nakakahiya na sayo ikaw na gumastos ng tanghalian ikaw pa gagastos sa cine" sagot nito saakin "hahaha kung yan ung gusto mo G ba" sagot ko sakanya, kaya nagpa tuloy na kami sa paglalakad."

****

"Nakatingin ako lay Lake sa may ticket Booth ng cinehan habang siya ay bumibili ng popcorn at iced soda sa parang bilihan sa cinehan. Romance itong napili naming panoorin kasi un ung hilig nya at gusto nya din kasing mapanood ang 100 na tula para kay Stella, kaya ito ang pinili namin, medyo mahaba ang pila doon sa bininilhan nya kaya medyo natagalan siya, pero 30mins pa naman bago mag start ang papanooren namin Kaya okay lang. Ilang minuto din akong nag hintay bago siya nakabalik sa pwesto namin non, "Ilang minuto nalang ba ung atin?" Patanong nito saakin, "ah malapit na, kung tutuusin pwede na nga tayong pumasok at humanap ng pwesto ng mauupuan eh" sagot ko sakanya habang siya'y sinisimulan ng kainin ang pagkaing binili, "Hoy! Ano kaba baka maubos yan!" Pabiro kong sigaw sakanya, "dahan dahan naman sa pagsaaalita madaming tao oh, nakakahiya" pabulong nyang sinabi saakin, "hahaha pasensya na bibiro lang naman eh" sagot ko rito at inalok ng pumasok sa cinehan, "Ano pasok na tayo, maghanap na tayo ng pwesto natin doon." Sambit ko rito, tumango lang ito at naglakad na kami papasok don."

****

"Dalawang oras din kami sa loob, Malake ang cinehan nila at sobrang lamig, maganda naman ang pwesto namin doon sa likuran kaya kitang kita namin ng buo ung pelikula. Ewan ko pero ung pinanood namin ay relatable ako, kung papano tinago ni Fidel ang nararamdaman nya kay Stella ng kay tagal, kasi ganoon din ang ginagawa ko kay Lake, pero bahala na para san paba un. Isipin ko muna yung sa presentation namin kasi sa Lunes na ito dalawang araw nalang at gagawin na namin, kaya bakit pako nag iisip ng ganyan. "Tulala ka ah. Malalim siguro iniisip mo." Malumanay nyang sambit saakin, "ah wala pagod lang siguro to, uwi na tayo?" Pag aalok ko sakanya habang naglalakad palabas Ng mall, "osige baka sa ibang jeep ako sasakay" sambit nya saakin na para bang wala sa mood, "B-Bakit naman???" Tanong ko sakanya, "san kaba uuwi? Diba unahan lang ng dorm ko ung apartment mo?" Dagdag kopa rito, "ah sa tyahin ko muna ako uuwi Zach" walang emosyon nitong sagot saakin, "ikaw, mag ingat ka nalang." pasimangot kong sagot sakanya, "salamat sa Oras Zach ah." Sambit nito saakin na tila bang nalulungkot, "Salamat din sa pag treat. Nag enjoy tayo ng sobra, sa susunod ako naman babawi sayo" dagdag pa nito sabay akbay sa balikat ko. Malapit na kami sa Terminal ng Jeep sa likod ng SM kaya nagpa alam na itong mauuna na sakin "mauuna nako Lake. Mag ingat ka lagi." Sambit nito habang papasok sa jeep na sasakyan nya. Tumango na lamang ako at pumasok nadin sa jeep na sasakyan ko papuntang dorm ko, Medyo gabi na ng mga oras na un, kaya pinkish ang ulap habang umaandar ang Jeep. Nakatitig ako rito na parang bata, akala mo first time makakita ng pinkish na ulap na tipong manghang mangha sa mga ito. Naka tingin lang ako dito habang palayo sa Mall kung saan kaming dalawang nag Enjoy, pero di mawala sa isip ko Kung bakit nagka ganon si Lake, "siguro pagod lang siya" sambit ko sa sarili ko habang naka tingin sa mga magagandang ulap sa langit."

*****

End of Chapter 3.

Sorey if now kolang na publish nag aadvance review kasi kaya sorry guys:>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What If It Is Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon