Goodbye, Gail

18 8 9
                                    

"Babe! Sorry, late ako. Dumaan pa kasi kami ni Vinz sa library para ibalik 'yung hiniram naming libro para sa activity eh. Sorry talaga" sandali akong napalingon sa likod nang dumating na siya.

Pero agad ko ring ibinalik ang tingin sa kalulubog lang na araw.

"Okay lang"

"Sorry talaga babe, hindi na naman tuloy natin naabutan 'yung paglubog ng araw. Next time, magiging maaga na ako. Promise!" paghingi niya muli ng tawad at saka naupo sa katabing bato na inuupuan ko.

"Okay lang" muling sagot ko kasabay ng paghagis ng maliit na bato sa tubig.

"Wait lang babe, ayusin ko lang itong mga gamit ko ah? Hindi ko na kasi naayos pa kanina sa pagmamadali ko"

"Sige"

"At saka babe, hindi naman tayo aabutin dito ng isang oras 'di ba? Kailangan ko kasing umuwi ng maaga. At dadaan nga rin pala babe si Vinz mamaya sa bahay para dalhin 'yung libro na hinihiram ko sa ate niya. Bukas rin babe, mukhang hindi tayo magkakasabay sa lunch ah? May meeting kasi kami. Sorry ulit babe" mapait akong napangiti nang marinig ang mga sinabi niya.

"Alam kong hindi ako ang priority mo Gail at naiintindihan ko 'yon..."

"Babe---"

"Pero sana, kahit isang araw lang Gail. Isang araw lang, iparamdam mo naman sa'kin na ako ang priority mo. Isang araw lang, iparamdam mo naman sa'kin na mahalaga ako. Isang araw lang, iparamdam mo naman sa'kin na boyfriend mo 'ko at girlfriend kita, na tayong dalawa"

"Babe" muling pagtawag niya sa'kin. Pero nanatili pa rin ang mga mata ko sa direksyon kung saan lumubog ang araw.

"Sa loob ng isang taon, lagi kitang iniintindi Gail. Lagi kong tinatanggap ang sorry mo dahil naiintindihan ko. Lagi kong sinasabi na okay lang dahil naiintindihan ko. Lagi kong ipinapakita na walang problema sa'kin na lagi kayong magkasama ni Vinz dahil naiintindi---"

"Gio, bakit naman nakasali rito si Vinz?"

Sa pagkakataong ito, ay humarap na ako sa kaniya. Sinalubong ang malungkot at nalilito niyang mga mata.

"Alam mo ba kung gaano kasakit Gail? Sa tuwing sinasabi mo lahat ng kailangan mong gawin, pakiramdam ko, isa akong istorbo. Pakiramdam ko, isa akong bagay na paharang-harang sa daan na kailangang igilid muna kasi dadaan ka. Alam mo ba 'yung pakiramdam ng isinasantabi Gail? 'Yon ang nararamdaman ko ngayon at gusto kong magmura dahil sa sakit! Pero alam mo, kahit gano'n, pinipinilit kong maging okay kasi dapat maintindihan ko 'yung mga valid reasons mo. Bilang boyfriend, dapat naiintindihan ko. Pero Gail, ang hirap. Ang hirap ng ganito! Na para ba akong naghihintay lang sa gilid at nag-aabang kung may matitira pa ni katiting na oras mo. Bakit Gail? Bakit pagdating sa ex mo na si Vinz, lagi kang may oras? Bakit parang sa tingin mo okay lang sa'kin na lagi mong kasama 'yung ex mo? Oo, magkaklase kayo. Pero Gail, sana naman maintindihan mo na hindi ko maiiwasan ang magselos. Gail, sa pag-aaral, pamilya at sa kaniya, lagi kang may time pero bakit pagdating sa'kin, wala? Para bang sinisingit mo na lang ako sa schedule mo"

"Gio, huwag ka namang ganiyan. Alam mo namang marami lang talaga akong kailangang asikasuhin. Isa pa, lagi kaming magkagrupo ni Vinz kaya natural lang na magkasama kami lagi. Kaya, huwag mo naman sana siyang idamay dito"

Napangisi ako nang mapansin ko ang biglaang pagsalubong ng mga kilay niya.

"Bakit kapag nadadawit ang pangalan ni Vinz, naiinis ka?"

"Gio, hindi ako naiinis. Sinasabi ko lang naman 'yon kasi wala namang ginagawa 'yung tao. Isa pa, ano ba talagang problema? Kanina oras tapos ngayon si Vinz naman? Gio, tama na.  Ayusin na natin 'to. Ayokong ganito tayo" napataas na ang boses na saad niya.

Sana wala na lang nga talaga siyang ginagawa Gail.

Sana hindi ko na lang narinig pa ang tanong niya.

Para hindi ko na rin narinig ang sagot mong hindi mo alam nang tanungin ka niya kung mahal mo pa ba siya.

"Gail, may nararamdaman ka pa ba sa kaniya?" seryosong tanong ko. 

Kumunot ang noo niya at kasabay nito ang pag-iwas niya ng tingin.

"Anong klaseng tanong 'yan, Gio?" iritado na ang boses na tanong niya.

Mukhang hindi ko na kailangan pang magtanong.

"Saan ba ako nagkulang, Gail?"

"Lahat naman ginawa ko, lahat naman binigay ko. Bakit parang kulang pa rin?"

"Pero siguro, kasalanan ko rin. Dahil niligawan kita kahit alam kong hindi ka pa nakakamove on sa kaniya"

Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago napagdesisyonang tumayo.

"Mahal na mahal kita, Gail. Pero pagod na ako. Pagod na akong humingi ng oras at pagmamahal sa'yo. Panahon na rin siguro para bigyan ko naman ng respeto ang sarili ko"

Hindi pa man ako nakakahakbang nang hawakan niya ang isang kamay ko.

"A-anong ibig sabihin mo? Hindi ka naman nakikipaghiwalay sa akin, 'di ba? Gio"

"Huling tanong. Sana sagutin mo ng totoo, Gail. Minahal mo ba talaga ako?"

Lumipas muna ang ilang segundo bago siya nakasagot.

"S-sinubukan ko, Gio. I'm sorry"

At sa huling pagkakataon, nilingon ko siya. Ibinigay ang huling ngiti para sa kaniya.

"Lagi kang mag-iingat. Mahal na Mahal kita. Goodbye, Gail!"

---

Goodbye, GailWhere stories live. Discover now