Chapter 1

11 1 0
                                    


Chapter 1

ARCANE'S POV

"Lunch na tayo. Nagugutom na ko, Arvi" alok ng bestfriend kong si Sorscha mula sa aking gilid.

Kinuha ko ang pitaka na naglalaman ng pera mula sa akin bulsa. Hinarap ko siya 'tsaka pinagpagan ang nagusot na palda mula sa pagkakaupo kanina.

"Halata nga." Sabi ko habang nakatingin sa dulo ng kaniyang lapis na ngayon ay wala ng pambura.

"Pambihira.Wala kang patawad. Kawawa ang lapis sayo, Kwago."

Tinaasan niya lang ako ng kilay at hinawi ang buhok niyang maiksi. Sabay kaming lumabas ng classroom bitbit ang aming bag. May meeting ang mga guro kaya half day ang klase.

"Sa daan na lang tayo bumili. Pauwi na rin naman." Muling dagdag ko.

Napagdesisyunan na lang naming lakarin ang naglalako ng Street food. Natatanaw na namin ang tindero kaya mabilis na lumapit si kwago doon.

"Limang pirasong kwek kwek." masaya ang tonong tugon ni kwago habang sumasandok ng suka at sauce.

"Pinag sama talaga.Dragon sa tiyan ang abot mo niyan."

Nang makalapit na ko'y tumusok din ako ng akin at isinawsaw sa sauce. Sarap.

"Hashufashufa" na baling ang tingin ko sa hindi kilalang lalaki mula sa akin likuran.

Kunot na tinignan ko ito. "Wala ng ihip-ihip ano? Kain na agad."pagtutukoy ko sa mainit niyang pagkain na hindi alintana ang paso. Ngumiti lang ito.

Hindi pa ako nangangalahati sa pag nguya nang makarinig kami ng matinis na sigaw sa di kalayuan.Nagkatinginan kami ni kwago kaya mabilis naming tinakbo ang lugar kung saan pinanggalingan ang ingay.

Napahinto ang aking paa sa pagtakbo nang makarinig ako ng pagbagsak mula sa likuran.

"Putragis kang bato ka!" naiinis anang Sorscha. "Ang maganda kong mukha!"ngawa pa niya habang hinahaplos ang nakasalampak na mukha sa lupa.

Hinilamos ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha at huminga ng malamin.Naiirita ko siyang nilapitan para tulungan.

"Nakakahiya," madiin kong sabi habang tumitingin sa paligid kung may nakakita. "Pati lupa pinapapak mo."nakayukong pagpapatuloy ko.

Isang matalim na bagay ang bumagsak sa aming harapan. Napabangon ng bigla si Sorscha.Nalipat ang tingin ko sa matangkad na lalaking puno ng tattoo sa braso, higit ang mahabang buhok ng babae.

"Anong tinitingin tingin nyo?" maangas na tanong nito ng mapansin niya kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playing with FireWhere stories live. Discover now