Ang Crush Kong Nurse (One Shot)

160 3 0
                                    

First of all *ehem* *ehem* wag po masyado mag-expect sa story.

Dedicated nga pala to sa crush ko ayieee. Hahahaha

Enjoy!

-andimnotinlove

___________________________________________________________________
"Yuri, sasabay ka ba kila tito?"

"Hindi na po, iintayin ko nalang si ate." Ito namang si mommy, ang aga-aga pa. Tutulog pa ako.

Tinaklob ko kumot sa mukha ko.

"Kailangan nga kasi ng tulong dun ni lola."

"Anla ang boring naman po dun!" Kahapon pa kaya ako sa ospital tapos ospital ulit ngayon!

"Magdala ka nalang ng maraming books para hindi ka mabored."

"Katamad po magbasa dun! Intayin ko nalang si ate para sabay po kami." Talaga naman sa bahay lang ako mahilig magbasa kapag nasa ibang lugar na katamad na.

"Kailangan nga kasi maaga, yung ate mo baka mamaya pa yun umuwi."

Itinaklob ko yung jungkook pillow ko sa face ko dahil sobrang antok parin talaga ako.

"Sumabay ka nalang kila tito."

"UGH" Tinanong pa ako!

Tumayo na ako sa kama kahit sobrang antok parin ako.

"Maligo ka na. Aalis na kami ng daddy mo." Sabi ni mommy sabay beso sa akin.

"Bye..." Walang ganang sabi ko.

"Pera?" Sabi ko agad kay mommy nang hindi pa siya nakakalabas ng pinto.

"Oh 500, dun ka na magbreakfast. Bye!"

"K." Kinuha ko na yung towel ko at hinablot ko yung cellphone para tingnan kung may messages.

O_o Howmay! Walang message! At 5:30? Seriously? Ang aga naman. Ngayon na nga lang ako pwede matulog ng mahimbing dahil walang pasok kasi may meeting yung mga teacher sa ibang school.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Haaayyy ito na nga ako. Nandito na ako ngayon sa ospital. Si lolo kasi nakaconfine sa hindi ko alam kung bakit. Well medyo hinihingal parin ako ngayon dahil nga 4th floor pa itong room ni lolo, kakapagod umakyat ng hagdan at ayoko naman mag-elevator, nakakahilo.

Naka-upo ako dito sa sofa at nanonood ng umagang kay ganda. Hindi maganda umaga ko. 😑 Nakakabadmood ah! Oo sobrang aga ko na nga nagising, tanggap ko na. Plano ko pa naman 8:00 pa ako gigising at magmomorning exercise ako pero ito ngayon ako bored na bored sa ospital.

Hinablot ko nalang yung ipad ko sa bag at nilaro ko yung dinownload ng bunso kong kapatid. Yung dumb ways to die 2.

Nang magsawa na ako sa paglalaro, nagwattpad nalang ako at nagbasa ng kung ano-ano na nakakakilig. Halos masira ko na nga itong unan dahil sa mahigpit na paghawak ko dahil sa pagpigil ng kilig.

May bigla namang kumatok at pumasok sa room ni lolo pero hindi ko nalang tiningnan at pinansin dahil busy ako sa pagbabasa. Kita ko sa gilid ng mata ko na lumapit yung tao sa may kama ni lolo at halata ko na nurse siya kasi may suot siyang white na pants na suot din nung mga nurse na nakakasalubong ko kanina.

Biglang nagsalita yung nurse at may sinabi kay lolo kaya naman napatingin ako sa kanya.

Holy cow! 😍 Malalaglag ata ang puso at panty ko. Ang gwapo! Sheeemms! Matangkad! Matangos ilong! Gwapo! Broad shoulders! Gwapo! Cute! Gwapo! Hawt! Gwapo! And the biceps! Rawr! Nasabi ko nabang gwapo siya? Hindi pa ata. Mygoodness! Sobrang gwapo niyaaa! Ang sarap iuwi! Ang yummy! 😋

Ang Crush Kong Nurse (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon