ACKN... Mr. Hot Nurse.

107 5 3
                                    

POV po ito ni Mr. Hot Nurse. Bonus lang hehehe. Dito po malalaman niyo lahat ng lihim niya (hanudaw?) at yung nangyari sa kanila pagkatapos nung confession nila sa isa't isa. Wewowewooo. At kaya gumawa pa ako nito, eh kasi sabi nung maganda kung bestfriend, na nakakabitin daw yung story. So, ayan dinagdagan ko.

XOXObyThatGuy ayan na po ang dagdag ko ahh. XD. Sa susunod gagawa ko kayo ni bebedev mo ng story, sabihin mo lang sa akin kung anong klaseng love story. Yung may action ba?. Hahahaha. Anyway, dedicated sayo to haa kaya ivote mo, kung gusto mo magcomment ka na din. XD. Geh ikamusta mo nalang ako kay bebedev mo. Love you! 😘

Sa mga readers nito. Salamat! And sorry po sa typo ahh. Enjoy!

🚺 🚻 🚹 🚺 🚻 🚹 🚺 🚻 🚹 🚺 🚻 🚹 🚺 🚻 🚹 🚺 🚻 🚹 🚺 🚻 🚹 🚺 🚻 🚹 🚺 🚻 🚹 🚺

Mr. Hot Nurse or let's call him 'austinbebe'
....................................

Nung una ko siyang makita sa ospital sa kwarto ng lolo niya, nakilala ko agad siya. Siya yung babae na dati ko pa pinapangarap makasama. Yung babaeng dati pa itinitibok ng puso ko, yung hinahanap-hanap ko. Yung dati ko pa gusto lapitan, kaso hindi pwede kasi bata pa siya nung mahalin ko na siya. Nakakatawa nga naman kasi isa akong highschool student nun, 3rd year, ng mainlove ako sa kanya nung grade 4 palang siya. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya nagustuhan, siguro dahil sa natutuwa ako sa reaction ng face niya lagi, ang cute kasi pero cute na siya kahit saan anggulo mo man siya tingnan. Dati nga akala ko kaya ganun yung nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya, eh dahil parehas sila ng kapatid ko. Parehas sila kumilos, mag-ipit, at kung ano-ano pa, pero yun pala nagugustuhan ko na siya kaya ganun yung nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya, minamahal ko na pala siya kahit hanggang tingin lang ako sa kanya. Naaalala ko pa noon nung una ko siyang makita, binubully siya noon ng mga kaklase niyang babae kaya nilapitan ko siya.

"Hahahahaha! Tabachoy! Baboy!"

"Baboy tabachoy!"

"Taba! Taba! Taba! Hahahaha."

"Malaki pisngi! Siopaoo! Hahahaha!"

"Nerd na panget na baboyyy hoy! Hoy!"

"Panget! Panget!"

Naglalakad ako noon sa corridor papunta sa classroom ng kapatid ko para ibigay yung snack niya ng may nakita akong mga tatlong bata na sinisigawan ang isang batang umiiyak. Lumapit ako sa kanila para sawayin yung mga batang nambubully at dahil sa naawa narin ako dun sa batang babae na umiiyak.

"Hoy kayo! Tigilan niyo nga yung pambubully niyo sa kanya. Layuan niyo na siya at bumalik na nga kayo dun sa mga classroom niyo!" Sabi ko dun sa mga batang nang-aaway.

Umalis na yung mga bata pero may isang batang lalaki ang natira at tiningnan niya ng masama yung batang babae na humihikbi parin.

"Ano?! Hindi ka pa aalis? Ha?" Sabi ko dun sa batang lalaki. Tumingin muna siya sa akin ng masama bago umalis. Pilyong bata yun ahh.

Nang makalayo na yung batang lalaki, napatingin ako dun sa batang babae na nakatingin lang sa sahig at hikbi ng hikbi, kaya nilapitan ko na siya.

"Sssssshhhhh. Tahan ka na." Sabi ko sa kanya habang hinahagod ko yung likod niya.

"Sabi....*hikbi*...ni*hikbi*la....panget....*hikbi*....at.....*hikbi*.....mata*hikbi*ba.....daw......ako......*hikbi*" Sabi niya habang wala paring tigil ang paghikbi.

"Naniwala ka naman?" Tanong ko.

"Op*hikbi*po...sabi....*hikbi...ni*hikbi*la....eh..." Sabi niya.

Ang Crush Kong Nurse (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon