-First Day of Classes-
Naglalakad ako papasok sa campus at napansin ko ang dami ng studyante. Mapapansin na marami ang sabik sa araw na ito at mukhang may mga magkakaibigan na magkakasama sa bawat kurso na kinuha nila.
Nakita ko naman yung isang tarpaulin ng announcement at nakalagay dun ang
WELCOME FRESHMEN AND TRANSFEREES
tyaka nakita ang mga event na gagawin ng school para sa opening ng klase, nabasa kong may welcoming program sa gym bago kami itour ng 8:00 am. Tinignan ko yung relo ko at nakitang 8:45 na, late nanaman ako.
Nagtungo ako sa gym at nagbabakasakaling nandoon pa ang karamihan, nakita ko namang may mga tao pang papunta kasabay ko sa gym. Nang makarating ako, sobrang crouded na ng gym, at nakita ko ang mga banner ng bawat course kaya nilapitan ko na yung deparment na dapat kinabibilangan ko.
Napansin kong puro lalaki at kokonti lang mga babae sa department namin, tyaka puro pa mga mukhang puro matatalino. Mapapalaban ata utak ko neto, bat kasi ito pa yung pinakuha naman ni Lolo, magpapatayo nanaman kaya ng bagong agency si tanda ? hmmmmm
Naramdaman kong may mga matang nakatitig sakin kanina pa, pasimple ko naman hinanap yun at nakitang may mga grupo ng mga lalaking nagbubulungan at nakita kong inaasar nila yung kasama nila na mukhang magsusungit anytime.
Iniwas ko nalang yung tingin kong nakasilip sakanila at pinakinggan ang mga sinasabi sa harap. Sa wakas, sa tour part na kami ng araw nato bago magproceed sa unang klase mamayang hapon.
Bale may sinusundan kaming mga higher year ata, at nagsasalita siya sa bandang harap. diko naman marinig sa sobrang layo ko kaya sumasama nalang ako para alam ko mga pupuntahan ko.
"Narito tayo ngayon sa criminology building, dito karamihan sainyo ay magroroom pag sa mga law and ROTC subject"
Napatingin ako sa harap ng marinig ang ROTC mula sa tour guide namin, meron palang school na yun ang subject kesa sa naririnig kong taga-linis, taga-walis, tapos pupunta sa relief operations. Mukhang exciting tong school nato.
Habang patuloy kaming pinapasyal sa campus ay kanina ko pa napapansin ang mga lalaki kanina pa ako sinusundan ng tingin, di ba nagsasawa itong mga to.
"Miss, pwede bang malaman ang pangalan mo?" Narinig ko nalang ang isang lalaking nagsalita sa may gilid ko at nakitang ito yung inaaasar kanina ng mga kasama niya.Tinignan ko lang muna siya na may pagtataka sa mukha at nakitang nabalisa siya.
Hmmmm Maputi, matangkad, medyo singkit tyaka parang mukha ng isang babaerong budoy budoy yung utak. Swipe left
"Sorry, nakalimutan ko. Ako nga pala si Drei"
"Flaire" tipid kong sabi at tumingin nalang ulit sa harap para maramdaman niyang aya ko muna ng kausap.Napansin ko sa gilid ng peripheral vision kong kinamot niya yung kanyang ulo at umalis nalang at bumalik sa mga kasama niya.
Sungit sungit muna tayo mga besh para iwas sa mga playboy. Tulad nung "Drei" na yun, akalain mong pers day na pers day jowaers na agad ng puntiryado.
Natapos nadin ang "Tour" kaya pwede nang humiwalay sa grupo, naisipan ko namang umalis muna ng campus para makapag-lunch sa bayan since mag-isa lang naman ako.
Nililibot ko lang itong mall nila kasi hirap na hirap akong maghanap ng masarap na kainan tapos mag-isa ko pa.
×----×
"Put your name on the classcad, Last name ang mauuna together with the subject code and the schedule of our class" Banggit nung instructor naming Babae.
YOU ARE READING
The Heiress Mission (on-going)
RomanceIto ay isang kwento ng isang babae na naghahanap ng paraan upang maiwasan ang tadhanang kinatatakutan ng karamihan. Hindi nila aakalaing dahil lang sa isang hiling ng kanilang Lolo ay kailangan nilang maranasan ang mga pagsubok. Mga pagsubok na nagh...