Infected

12 1 1
                                    

One Shot Story

"Love gumising kana dyan. Isang taon na oh, isang taon muna akong hindi ipinagluluto ng masasarap mong recipe", naiiyak kong sambit kay Zach.

Isang taon na siyang comatose at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagigising. Masakit para sa akin ang makita siyang parang lantang gulay na natutulog sa isang kama. Kung makikita mo ang gwapo niyang mukha ay hindi mo akalaing comatose siya dahil sa sobrang payapa niyang matulog. 𝑀𝑖𝑠𝑠 𝑛𝑎 𝑚𝑖𝑠𝑠 𝑛𝑎 𝑘𝑖𝑡𝑎, 𝐿𝑜𝑣𝑒.

At sa araw ding iyon ay umuwi na naman akong bigo matapos kong makitang hindi pa rin siya nagigising.

Kinabukasan ay nagising akong masakit ang ulo at sinisipon. Dala siguro ito ng magdamag kong pag-iyak kagabi. Nanghihina ma'y pilit kong itinayo ang sarili upang mag-ayos. Araw-araw ko siyang binibisita sa ospital para kapag nagising siya ay ako ang unang masisilayan niya.

"Ma'am hindi kayo pwedeng pumasok dahil mataas ang temperature niyo, alam naman ninyo ang patakaran sa ospital diba?", usal ng guard sa ospital.

"Sir baka kasi dahil maiinit sa labas. Naglakad lang ho kasi ako papunta dito at walang dalang payong hehe", dahilan ko upang makapasok na dahil ramdam ko ang panghihina.

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa pag-uusap kay manong guard bago niya ako pinapasok sa loob. Pagka-upo ko sa tabi ni Zach ay ayun na naman ang nagbabadyang mga luha sa mata ko.

"Love kailan kaba kasi magigising dyan, nahihirapan nako", naiiyak kong sambit sa kanya.

Nagtagal pako ng ilang oras bago ko napagdesisyonang umalis. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa labi saka lumabas ng kwarto niya.

Ngunit bago pa man ako makalabas ng ospital ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Tinanong ako ng guard kung ayos lang ako ay tango lang ang naisagot ko hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako sa isang kwarto. Base sa kulay nito ay alam kong nasa ospital ako. May biglang pumasok na doctor sa kwarto ko. Nakasuot ito ng coverall. Lumapit ito may ni-check at ginalaw sa dextrose ko.

"Doc bakit ako nandito? At saka bakit may nakakabit sa akin?", naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Ma'am positive po kayo sa COVID-19".

Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko at nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Zach. Posible ko rin syang nahawaan sapagkat araw-araw ko siyang binibisita. Naalala ko pang hinalikan ko siya kanina. Nang lumabas ang doctor ay doon ako tuluyang nanghina. Hindi ko lubos maisip na dahil sa kapabayaan ko ay nagkasakit ako at ang pinakamasaklap pa ay alam kong nahawaan ko ang kasintahan ko. Ang kasintahan kong may comatose.

"Doc tanong ko lang po kung kumusta ang kalagayan ng pasyente na nasa ICU room, yung nacoma po?", tanong ko sa doctor ko habang abala sa pagcheck sa akin. Ilang araw na rin matapos kong malaman na positive ako at sa mga araw na yon ay wala akong balita sa kanya dahil bawal naman akong lumabas ng room ko.

"Ah si sir Zach po ba? Naku ikaw ba yung kasintahan niya? Naku ma'am mas lumala pa po ang kalagayan niya matapos magpositive rin ho sa COVID-19. Mukhang nahawaan nyo po pati yung doctor niya ay nagpositive rin eh", mahabang kwento niya sakin.

"At saka pasensya na po sa sasabihin ko pero mukhang hindi na rin po kakayanin ng katawan niya para mabuhay. Sige ma'am alis nako. Pagaling ka", pilit na ngiti ang iginawad ko bago siya umalis.

Sumikip ang dibdib ko nang pumasok sa isip ko ang kalagayan niya ngayon. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili kong kapabayaan. Nang dahil sakin mas naghihirap siya ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sarili ko pag nalaman kong may nangyaring masama sa kanya. At hinding hindi ko yon matatanggap. Sunod sunod na luha ang pumatak mula sa pisngi ko. Ilang minuto pa ang itinagal ng pag-iyak ko hanggang sa nakatulugan ko ito.

Nagising ako nang may matanggap akong masamang balita. 𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚. Hindi ko alam ngunit wala ni isang luha ang pumatak mula sa mata ko matapos kong marinig iyon. Nakatulala lamang ako sa may pintuan. Iniisip na naroon siya sa labas nakatingin sakin. Ni hindi ko man lang siya nakasama hanggang sa huling sandali niya sa mundong ito. 𝐼'𝑚 𝑠𝑜𝑟𝑟𝑦 𝐿𝑜𝑣𝑒. Ni hindi ko man lang nasabi na mahal na mahal ko siya sa huling sandali niya. Ni hindi ko man lang siya nahawakan,nayakap, nahalikan. Wala akong magawa. Sumiksik lamang ako sa kama ko at doon tahimik na humagulgol. 𝐼 𝑤𝑎𝑛𝑡 𝑡𝑜 𝑏𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑦𝑜𝑢.

Habang lumilipas ang mga araw ay mas palala nang palala ang sakit ko. Pahina nang pahina na rin ng katawan ko. Alam kong hindi na magtatagal ay mawawala na rin ako. Sa kabila ng paghihingalo ko ay wala akong ibang iniisip kung hindi si Zach. Hanggang sa nararamdaman ko nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

For the one last time, as my eyes close I saw him, smiling. "Love I'm home, finally".

End.....

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

.....mesjestic

Infected (One Shot Story)Where stories live. Discover now