IV. loading

1 0 0
                                    

                               Tristan's POV

Ewan ko ba, alam ko naman na hindi nya ako kayang saktan eh. Lalake ako at mas malakas ako, pero bahala na para naman 'to sa kapatid ko eh. Tss
"Damn..okay..okay..magpapaliwanag ako! Pero pwede bitawan mo muna ako? Bago pako mamatreeay sa pagkasakal mo sa'kin" kahit na kwinelyuhan niya lang ako, siyempre sumisikip rin sa leeg no.
"Magsalita ka...!" Matiim lang siyang nakatingin sa daan habang naglalakad kami. At andito na kami ngayon sa swing nakaupo.
"Ganito kasi 'yun..." pagsasalita ko
"Hmmmm??"
"Hayy...mahal ka ng kapatid ko, pero hindi niya magawang lumapit sa'yo kasi ang alam niya sobrang laki ng pagkamugi mo sa kanya..gusto nuang mapasaya ka, gusto niyang bantayan ka kahit sa online ames na pinaglalaro nyo lang. Gustong-gusto ka niayng maging kaibigan pero pilit mo siyang tinutulak palayo. Ang pagiging mean mo raw ay parang gayuma sa kanya..mas lalo ka niyang minamahal sa bawat masasakit na salitang binabato mo sa kanya..ewan ko nga dun,baka nasisiraan na pero hindi eh.Pefo alam mo, bilib ako dun. Kahit nasasaktan na siya pilit ka niyang iniintindi dahil mahal ka niya. Kahit na suklam na suklam ka sa kanya." Whoa. Hindi ko akalain na may ganun din pala akong words of wisdom ha. Andami kong sinabi. Deym!

"Talos ka na?" Lechugas! Sa hinaba haba ng speech ko,ganun lang isasagot niya? Anak ng tukneneng..hinayupak na...uupakan ko to!

Nabigla ako ng bigla nalang siyang umiyak. Walang bakas ng kalungkutan sa mukha niya. Tanging mga luhang umaagos sa pisngi niya. Haggard na haggard na ang itsura niya pero maganda parin tignan. Naaawa na yuloy ako sa kanya. Tsss. Niyakap ko nalng siya at hindi narin siya nagreact pa. Sus, sa gwapo kong 'to? Sinong babae ang hindi papayag na yakapin ko?

"Sa ginawa ko..hindi ko namamalayang nasasaktryan ko na pala ang taong gusto ko..para ano? Para maitago lang ang nararamdaman ko..napakaselfish ko." Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Gusto niya rin ang kapatid ko pero sinasaktan niya 'to para maitago ang nararamdaman niya? Lol, tsundere problems ito.

"Hindi ka selfish pramis. Mali lang ang naging paraan mo ng pagtago ng nararamdaman mo. Hindi mo naman siya kelangang saktan eh"

"Kelan kapa natuto mag-advice? -_______-" 'wag na 'wag mong ipagsasasabi 'to kung ayaw mo pang makita si kamatayan!"

"Okay..okay..kalma lang!" Sabi ko sabay kurot ng pisngi niya at----- *boooggsssh* isang kurot isang suntok,epic! Lugeng-luge ako dito. Tssk

"Wag kang magkakamaling hawakan ulit ang pisngi ko...hindi lang 'yan aabutin mo!" She said with a smirk. Pagkatapos eh naglakad na siya paalis. Napakasadista talaga,tssk. Kawawa naman pala kapatid ko eh.

Kahit na ganun ang babaeng 'yun alam ko rin naman kung bakit siya nagustuhan ng kapatid ko. Kaya imbis na balaan ang pinsan ko ay tutulungan ko nalang siya SIGURO, kung kakayanin ko ang babaeng tulad ng gusto niya. Challenge nanaman 'to. Haysss

                              Xienna's POV

Shiz. Bakit ko ba naman kasi nai-share 'yun sa lalakeng 'yun? Punyeta! Hindi tuloy ako mapakali! Dagdag problema ang lalakeng yun eh. Tumbahin ko na kaya? pero joke lang syempre. Langya naman kasi eh..pano kung sabihin niya 'yun sa kay Kaizer? Edi lagot ako. End of the world na...hindi..hindi.. end of his life na! Nyeta talaga! Uggggh. Mapapatay ko ang lalaking 'yun eh. Subukan niya lang talaga. Waaaaaaaaaaa~

Pagdating ko sa bahay ay naisalampak ko nalang ang katawan ko sa kama. Pagod ako. Hindi lang basta pagod super haggard pa  hindi ko na nga rin nakita si mama, dumeretso na kasi ako sa kwarto ko eh.

Nakatulog ako agad pero ilang sandali palang ang nakalipas ay tinawag na ako ni mama para kumain. Sabagy gutom narin naman ako kaya go nalang.

"Anak anong gusto mong kainin?''

"Kahit ano nalang po,ma" Hayy. Wala akong gana makilagchikahan kay mama eh. Ewan ko ba sa sarili ko eh. Hayyy

"Mamaya nalng siguro ako magluluto sa hapunan anak. Eto nalang muna ang kainin mo, fries"

"Sure ma, thanks. Heheheh"

Tinapos ko ang pagkain ng fries at bumalik na ulit sa kwarto ko. I locked the door and put on my anime headphones para hindi ako mafisturb sa pagtulog ko. Wooosh.

~frost

Loading....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon