Chapter 5

18 2 0
                                    

Biglang dumating yung kuya ni Violet at........

*bugshhhhhhhhhhhhhh*

"Ano bang problema mo ha?!"

"Dahil sayo! dahil sayo! kasalanan mo to!"

Susugurin na nya sana uli ako nang dumating si tito at tita at pinigilan sya

"Anak tama na!"

"Ano po bang nangyari?" tanong ko sa kanila

"Pumunta ka sa tree house at malalaman mo iho"

Nagmadali naman akong pumunta sa tree house

Maayos pa naman lahat except nga lang sa maliit na kama na gusot gusot na

Sigurado ako na may nahiga dito

May nakita akong papel sa tabi ng picture namin ni Violet

Naupo ako sa bed tapos binasa yung nasa loob na nakapag pahina sakin.........

Dear Blue,

Hi bestfriend! congrats nga pala kasi ikakasal na kayo ng girlfriend mo. Bestfriend alam mo bang mahal na mahal kita di lang bilang isang kaibigan kundi bilang isang babae. Mahal na kita simula nursery palang, natututo rin pala magmahal ang mga bata no? Kasi ako oo eh, kaso lang may gusto ka namang iba eh, kaya sumuko na ako sayo at nagmahal ng iba, si Kevin yun, pero ano? Iniwan nya ako kasi sawa na daw sya sakin, pero narealize ko na nag mahal ba ulit talaga ako kasi parang di ko naramdaman yung kilig pag si Kevin yung kasama ko eh compare pag kasama kita, pero umasa parin ako na sana ako yung babaeng lagi mong naiikwento sakin, kaso kanina parang sumabog na ako eh, akala ko ako yung babaeng sinasabihan mo ng I love you pero di naman pala ako eh, asa pa ako na sasabihan mo ako ng ganon diba? so pumunta ako dito at sinulat ko to, mamaya pupunta ako sa bridge para magpahinga, punta ka rin ha? pero wag mo gagayahin yung ginawa ha? mahal na mahal kita Blue kahit di mo ako mahal okay lang basta masaya ka okay na sakin yun I LOVE YOU BLUE~~~

Loving,
Violet Polaris Santos

Couple ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon