I.
"Magnanakaw!" Ang sabi ng ale habang papatakbong hinahabol ang holdaper kasamaang mga hinihingal at pawis na pawis na mga pulis. Malalaki ang tyan nila, halatang desk job lang ang gustong pasukan. Kumakain ako sa turo-turo nang mangyari yun. Muntik pang matapon yung buko juice kong hindi pa nga nababawasan kasi hindi naman maanghang yung sawsawan ng isaw na kinakain ko. "Anak! Anak!" sabi sakin nung makulit na ale habang medyo maluha luha na siya. "Kuya tulungan niyo naman po ako, nanakawan po ako. Ayun! Ayun yung magnanakaw! Kakaliko lang dyan sa may Recto! Pang tuition po ng anak ko yun." Sinabi nya habang nanginginig sa galit at takot. "Ngay, ngumangain pa ngo ango!" Ngaglit lang ngo!" Hindi ako ngongo, kagat kagat ko kasi yung isaw nung kinalabit ako, hindi ko na natanggal sa bibig ko. "GANYAN NA BA TALAGA ANG MGA TAO NGAYON?! INUUNA PA ANG SARILI BAGO ANG MGA NANGANGAILANGAN?!" pasigaw pa akong sinumbatan. Wow. Kapal. "Nay, pasensya na po kayo. Eto na po tutulong na ako" sinabi ko naman sa kanya. "TUTULONG?! UTO KA BA? NAKATAKAS NA YUN! SALAMAT NALANG HA! PESTE!" pasigaw pa rin akong sinumbatan. 'Bakit kaya ganito ang mga tao pag hindi nila alam na may super powers ako? Hay, bahala na nga, para sa ikabubuti naman to ng marami'. Naisip ko nalang habang tumalon ako ng sobrang taas na kaya kong abutin ang 8th floor ng FEU EB building ng hindi man lang pinagpapawisan. Si manang? Ayun nakanganga dun sa kanto, mamaya ko na pproblemahin yun. 'Asan na kaya yung magnanakaw?'' Nakita ko siyang tumatakbo na may dala dalang Gucci na handbag. 'Ayos pala pumili to ng nanakawin a. May standards' Lumipad muna ako pataas ng mga ilang metro pa bago ako bumwelo para sa isang dive bomb na pag nakita siguro ni Tom Cruise maiingit sakin yun kasi nadaig ko yung ginawa niya sa Ghost Protocol. Ilang segundo lang ang lumipas at hawak ko na yung Gucci na handbag. Syempre binilisan ko ang pagdakip dun sa magnanakaw kasi nga diba Hello? Naka tshirt at pants lang ako. Wala naman akong maskara. Buti nalang mabilis ko syang naitali sa poste. "ARGGH-- Hoy. tang--" lang ang nasabi nya bago nya namalayan na nakatali na ang kamay at paa nya. Hindi ko na hinintay ang mga pulis kasi alam kong magiging komplikado pa ang usapan kapag nakita pa nila ako. Samantala, lumipad na ulit ako pabalik at tumayo sa dating pwesto ko kanina. 'Ayos, wala yung nagbebenta nung isaw' Nakita ko yung ale na nakaupo sa sidewalk na umiiyak at gulat. Gulat kasi nga lumipad nalang ako bigla diba? Hindi na ako nagpapaligoy ligoy pa. "Nay, ito na po ang bag nyo. Tignan niyo nalang po kung may nawawala" sinabi ko nalang. "Salamat, anak! Sino ka nga ba? Tao ka ba? Bigla ka nalang lumipad! Mabaliw baliw ako dito sa kakaisip kung paano mo yun nagawa! Sino ka? Maaari mo bang sabihin?"
...
"Wala pong anuman, Nay!" Sinabi ko ng buong puso kasi natutuwa ako at nakatulong nanaman ako. "Tinatanong niyo po kung sino ako? Ako...ako si Juan!" pagkatapos na pagkatapos kong sabihin ay binura ko ang memorya niya tungkol sa paglipad ko. Magugulat nalang siya mamaya na hawak na nya yung bag. 'Ayun nga pala yung buko juice ko' naisip ko nalang habang inabot ko at ininom. Hindi na malamig pero.. okay lang, yun lang naman ang kapalit ng pagtulong ko sa kanya.
(to be continued?)
____________________________________________
Notes:
Modified spacing, punctuation and other grammatical errors.
-M