"Huy Kris... Tulala ka jan?" sabi ni Athena habang kinakaway-kaway pa ung kamay nya sa mukha ko.
Nakatulala pala ako. Or should I say, napatitig nanaman ako sakanya.
The name's Kris everyone. Kris Andrew Davis.18 yrs old. 2nd yr college. And the girl infront of me? She's Athena. Athena Lex Morisson. The love of my life. First love actually.
Nandito kami sa isang coffee shop na malayo sa mga bahay namin. Hindi rin to sikat. Pero maganda naman. Dito kami laging nagme-meet ni Athena.
"H-huh? Ayy. Haha. Sorry sorry" and showed a fake smile.
"Ano nanaman bang iniisip mo jan ha?" tanong nya
"Us."
"Us? What do you mean?" naguguluhang tanong niya
"C'mon Athena. You know what I mean. 6 months. 6 months ng patago ang pagmamahalan na to." damn it. in-open ko nanaman tong topic na to. tsk.
"Kris.." hinawakan niya ang kamay ko. "We both know na hindi pwede.. Alam mo nama---"
"I know. I know. Pang isang daang beses ko na narinig yan." pag putol ko sa sasabihin niya.
Yun at yun din naman ang dahilan eh.
Hindi pwede. Hindi pwedeng maging legal tong relasyon to. Hindi pwede kasi may iba talaga syang karelasyon. So technically, third party ako. And that just sucks.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako pumayag na magpaka-tanga at pumasok sa relasyon na to.
Siguro ganun ko talaga siya ka-mahal. Ganun ko sya ka-mahal na kaya kong umasa sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan. Nagawa kong magpaka-tanga para lang sa kanya.
Napa-yuko naman siya.
"Hey.. Cheer up." hinawakan ko yung baba niya para i-angat ang ulo nya. "Sorry for bringing that topic again. Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung bakit eh.... Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo siyang pagtiyagaaan."
"Kris... Alam nating parehas yung dahilan. I'm in an arranged marriage and wala akong magagawa dun. Ayokong maging sagabal sa buhay trabaho ng family ko." naka-hawak nanaman siya sa kamay ko.
"Then why not tell them that you don't love that guy? Bakit hindi mo masabi na ako yung mahal mo? Kaya naman kitang buhayin ah? Ganun ba kataas ng standards ng family mo?" Ughhh. Paulit-ulit lang kami sa ganito. Paulit-ulit na lang.
"Look, I can't okay? Kung ano yung desisyon nila, hindi ko na mababago yun! I can't do anything about it." tapos magagalit. Kabisado ko na yata yung mga pangyayari eh. Nakakasawa na rin.
"Okay okay. Fine. Pero sabihin mo nga sakin.......... mahal mo ba talaga ako?" sabi ko
"Kris Anong klaseng tanong yan?! Syempre naman. I won't be having any third parties kung hindi ko naman mahal yung sasamahan ko." sumisigaw na siya ngayon.
"Ano ba ang pa----"
Where ever I go, what ever I do. Stay by my side 'coz darling it's always better with you....
Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi tumunog yung phone niya. Hmm. Let me guess, tumatawag yung boyfriend niya, or should I say, FIANCE niya na hindi naman niya DAW mahal. Sinagot niya yung tawag.
"Hello?", "Bakit hon?", "Yes, yes.", "I'm with my friend.", "Psh.. Okay I'll be there.", "Bye", "Loveyou." yan yung mga sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3496784-288-k897618.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweetest Goodbye [One Shot]
Teen FictionIt's not an ordinary love story that has a happy ending. Not all stories end with a happily ever after.