Saglit na natigilan ang kausap ko at parang napaisip. "Hendrix?" Tumango ako. "Villanueva, 'no? I think I know him," hindi sigurado niyang sabi.
Nagkibit-balikat na lamang ako. Habang hinahanap si Sheena ay ibang pares ng mga mata ang nakita ko. Nakatalikod si Miro kaya naman hindi niya kita na nasa labas ang pinag-uusapan namin. Tumingin lang si Hendrix at mukhang napadaan lang naman silang magkakaibigan sa store na ito kaya dire-diretso lang ang lakad nila.
Sa counter na lamang kami naghintay ni Miro dahil balak atang bilhin ni Sheena ang lahat ng mga pabangong available rito dahil hindi pa rin namin siya nahahagilap hanggang ngayon. Nakita ko pa naman siyang kumuha ng basket kanina kaya alam kong balak niya talagang magwaldas ng pera ngayon.
"Tagal mo, ah," reklamo ko agad nang makita na si Sheena. Malaki pa ang ngiti nito na akala mo'y walang pinaghintay ng matagal. "Sakit na ng paa ko."
We decided to kill time in the arcade before going home. Mahaba pa kasi talaga ang oras namin, maliwanag pa rin sa labas. Si Miro pa rin ang may hawak ng mga binili namin dahil siya ang nag-insist. Nagmukha tuloy siyang alalay.
Napatigil ako sa paglalakad dahil makakasalubong na naman namin ang grupo nina Hendrix. Napatigil din sina Sheena dahil sa akin. Nagkunwari tuloy akong may hinahanap sa bag para hindi sila magtaka. Ang laki-laki kasi ng Mall, bakit ba lagi kaming nagkakasalubong?
"May naiwan ka ba?" tanong nila sa akin.
Nang makalagpas na sina Hendrix ay saka lamang ako umiling at ngumiti. "Napailalim 'yung phone ko. Baka kasi nag-text na sina daddy."
"Oo nga pala. Check mo na agad, baka hindi na tayo makaulit," si Sheena.
Kumapit ako sa braso ni Sheena habang naglalakad kami. Tiningnan ko talaga kung may message sina daddy pero wala naman. Hindi na rin naman nasundan ang message sa akin ni Hendrix.
Hindi ko na inalis sa kamay ko ang cellphone at bumaling na sa katabi na biglang nag-iba ang energy.
"Sheena Railey." Pinisil ko ang kaniyang siko para makuha ang atensyon niya.
"Huh? Bakit?" gulat niyang tanong, malalim ata ang iniisip kanina.
"Gusto mo bang umuwi na tayo?" may pag-aalalang tanong ko.
Tumingin ako kay Miro. Ngumisi lang ito sa akin. "Selos ka, 'no?" pang-aasar niya kay Sheena. Hindi ko naman ma-gets kung bakit.
"Selos saan?" nagtataka kong tanong.
"May kasamang babae 'yung lalaki niya kanina, e," natatawang sabi ni Miro.
Umamba ng hampas si Sheena kaya naman agad na tumakbo si Miro. Tumatawa pa ang lalaki kahit na takot mahampas no'ng isa. Masakit pa naman manghampas ang kaibigan ko.
Naiwan akong napapailing sa kanila habang pinapanood silang maghabulan. Ako na lamang ang nahihiya para sa kanilang dalawa. Sinundan ko na lamang ang dinaanan nila.
I shrieked when someone held my wrist which stopped me from walking. I was about to panic when I realized that it was Hendrix. I calmed down.
"Uuwi na ako. Hindi ka pa ba sasabay?" tanong niya habang hinahanap ang dalawa kong kasama.
Siya lang mag-isa ngayon. Napakamot ako sa batok. Tiningnan ko muna ang oras sa cellphone ko bago sumagot. "Message ko lang muna sina Sheena."
Me:
I'm going home na. Pinasundo ako ni Dad. Pasabi kay Miro na sa kaniya muna ang mga binili ko :(
Iyon na lamang ang sinabi ko para hindi na siya magtaka. Sinundan ko na si Hendrix dahil nagsimula na itong maglakad nang hindi man lang nagsasabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/254549065-288-k525812.jpg)
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionHendrix Villanueva, the only heir of the Villanueva's. He was told to marry a girl that is a complete stranger to him. As much as he wants to disobey his parents, he can't do anything because of his grandmother's condition that his parents are using...