Simula

9 2 0
                                    

Inikot ko ang aking tingin sa puting kwarto na ito. Amoy na amoy ang mga gamot at alcohol. Maingat kong inalis ang kamay ni Lola na nakahawak sa akin. Mahimbing na ang tulog niya kaya tumigil na ako sa pagkukuwento. Inayos ko ang kumot na nakapatong sa katawan niya.

Nakasanayan ko nang magkuwento ng tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko sa tuwing dinadalaw ko si Lola rito sa Hospital. Gusto niya rin naman na naririnig ang mga kuwento ng nag-iisa at paborito niyang apo dahil kahit papaano ay bumubuti raw ang pakiramdam niya.

Hindi na ako araw-araw nakakadalaw dito dahil bukod sa busy sa school ay hindi rin ako pinapayagan ni Daddy. Kaya lang ako nakapunta ngayon dahil dala ko ang kotse ko at wala akong driver. Nakatakas ako. Dati naman ay ayos lang sa kanila na dalawin ko nang dalawin si Lola. Hindi ko alam anong nangyari at biglang nagbago.

Bumuntonghininga ako dahil ayaw pang umuwi. Alam ko kasing sermon lang ang uuwian ko sa bahay na 'yon. Wala namang bago. Paulit-ulit lang ang cycle ng buhay ko.

Matapos ang ilang segundong pag-iisip ay umangat na ako mula sa pagkakaupo. Tahimik na kinuha ko ang bag kong nasa mahabang sofa. Mukhang narinig naman ng nurse na aalis na ako kaya narinig kong bumukas ang pinto.

"Don't leave her alone," I said. I closed the door carefully so it won't make a noise. Hirap makatulog si Lola kaya as much as possible ay hinahayaan lang namin siyang matulog ng mahimbing kapag nakatulog siya.

Umalis na ako ng Hospital dahil alam kong hahanapin at magtataka na sina Daddy kung bakit wala pa ako sa bahay. Baka mamaya hindi lang sermon ang makuha ko. Baka ma-ground na naman! Hindi ko na naman magagamit ang kotse ko at ihahatid-sundo na naman ako kapag nangyari 'yon!

Tumunog ang cellphone ko habang ako ay nagmamaneho. Umirap ako nang makitang si Mommy ang natawag. Sabi ko na nga ba at hahanapin na ako, e.

[Hendrix? Where are you?] May narinig akong sumarang pinto.

I licked my lower lip before looking at my side mirror. "I'm on my way home, Mom," I answered.

Inayos ko ang cellphone sa holder nito dahil busy ako sa pagda-drive. May message sa akin si Jack pero hindi ko na nabasa dahil namatay din agad ang screen ng cellphone ko.

[Si Jack ba ay nasa Pampanga pa rin? Do you want to visit him ba? Wala pa naman kayong pasok bukas, 'di ba? Or do you want to sleep over in Alexis' house?]

Kumunot ang noo ko. Sunod-sunod ang tanong niya at nakakapagtaka dahil. . . parang ayaw niya pa akong pauwiin sa bahay. It was unusual of her. Dapat ay natataranta na 'yang pauwiin ako sa bahay.

I speed up my engine. "Is there a problem, Mom?"

[W-wala naman. I was just. . . suggesting?]

Umirap ako at umiling. "Nasa gate na ako."

Binuksan ko ang salamin ng kotse ko para makita ako ng guard. Ngumiti siya at hinayaan na akong makapasok. Medyo mahigpit kasi sa lugar namin lalo na't dito nakatira si Mayor Lopez, ang tatay ni James.

Nakita kong nasa garage na ang kotse ni Daddy kaya sigurado akong nasa loob na siya. Nag-away ba silang mag-asawa? Kaya ba parang ayaw ako pauwiin ni Mommy?

"It's still early, Hender! Malayo pa nga ang graduation ng anak natin! Can't you sit back and wait?"

Bumagal ang lakad ko nang marinig ang sigaw na 'yon ni Mommy.

"It's still the same, Trixie! Doon pa rin naman mapupunta 'yon. Sasabihin at sasabihin pa rin naman natin sa kaniya!"

They are yelling at each other again. Palagi na lang silang ganiyan. Akala mo maayos ang relasyon ng dalawa kapag may kaharap na ibang tao pero kapag ganitong nasa bahay lang sila at walang ibang taong nakakakita ay malalaman mong hindi perpekto ang pagsasama ng dalawa. They are always arguing. And it's suffocating the hell out of me.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now