THE PROLOUGE

55 10 15
                                    

Aba! Putangina!

"Litse," nasambit ko nalang habang pinapahid sa isang kamay ang mga mata ko na maswerteng hindi napasukan ng abog ng CHALK!

Narinig ko ang tawanan ng mga demonyeta at demonyetong nilalang sa paligid ko. Punyeta talaga.

"PUTANGINA!" Sigaw ko, narinig ko namang biglang tumahimik ang lahat.

"Omyghad, she must be insane." Narinig kong bulong nang kung sinong lamok.

"Bro, nagmumura HAHAHA!" isa pang langaw.

At nagsimula ulit silang lahat na magtawanan. Nakayuko pa den ako. Pilit pinapahinahon ang lahat ng laman-loob ko.

Ang uniform ko! PUTANGINA! Di ko na kaya!!!!!

"SINONG GUMAWA NUN?!" Inangat ko na ang tingin ko at nakita ang tatlong naglalakihang mga bubuyog. Naka crossed-arms silang tatlo. May nagtutulisang mga kilay. Nagpupulahang mga labi. At sobrang pink na blush on.

Tinaas naman nang nasa gitna na mukhang lider nila ang maaarte niyang mga kamay.

"Ah, me?" Maarte at nakangisi pang aniya.

"Ah, you?" Humakbang ako. "Akala mo, ikinaganda mo?"

Nagulantang siya sa biglaang inasal ko, lalo na sa sinabi ko, ha, akala mo, "W-what?"

"What? What-whatin ko 'yang pagmumukha mo?!" Mas lumapit pa'ko, napaatras naman silang tatlo.

"Omyghad, Zam, you don't know them!" Rinig kong pag-awat sa'kin ni Felly.

Nilingon ko lang siya at biglaang nakita sa gilid ng mga mata ko ang pagtaas ng kamay ng lider nila.

Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata at sinalo ang mga kamay niya. Napa-ooh ang mga tao.

Maangas ko siyang nilingon.

"O-ouch! You're h-hurting m-me!" Maarteng aniya kaya mas hinigpitan ko pa lalo ang mga kamay ko.

Ah, maarte ka pa den.

"A-ah!"

"Omyghad! Kelly!" Bulalas ng kanyang mga alagad, pero wala namang ginagawa.

"HAHAHA!" Narinig ko na may biglang nagtawanang mga lalaki sa isang sulok. Nagpapalakpakan pa.

"I think you just found your equal, Sis." Nakita kong naglakad ng dahan-dahan ang isang lalaki sa kung nasaan kami, sa exit ng pintuan ng classroom.

Hindi ko na siya pinansin at akmang babaliin ko na sana ang kamay ng bubuyog nang may biglang sumigaw kasabay ng mga kamay na pumigil sa mga kamay ko.

"THAT'S ENOUGH!" That guy who called this Bee Sis, shouted. Akala ko okay lang sa kanya, may pa-tawa-tawa pa siya kanina e, sabagay sino bang matutuwa kung saktan-saktan lang 'yung kamag-anak niya ng ibang tao? Mukhang magkapatid e, sis daw e.

But I'm sure it's not the guy who hold my hand. Ibang tao ito.

Nagugulat ko siyang nilingon ng kaladkarin niya ako bigla palabas ng classroom at itinulak nalang bigla sa pader ng likod-building.

Malakas iyon kaya napahawak agad ako sa likuran ko't napangiwi.

P-puta. Panibagong kamalasan.

"A-ano ba! A-aray, punyeta." Nakangiwi kong asik.

Nakita ko namang biglang lumambot ang kanyang mukha. Hinawakan niya na lang ako sa magkabilang braso kaya napasandal ulit ako sa pader. Putang sandal-sandal 'yan.

"Zam, 'wag mo 'kong ipahiya dito. 'Wag mo kaming ipahiya dito. Remember what I am saying right now, Zam. Dahil lahat ng kilos mo dito, damay ako. Magtino ka naman," Saka niya ako padabog na binitawan pero bago yun binigyan niya ako ng panyo. "Ayusin mo ang sarili mo."

"Ste--" hihingi na sana ako ng sorry pero tumalikod na siya. "--pher.."

Tsk! Hindi ko naman talaga babaliin kamay 'nun e.


-

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, events, businesses, places, locals, and incidents is purely imagination of the author. Please be aware that this story contains contents that are not suitable for very young readers.

Thank you, and Godbless us all.

Votes, and comments are highly appreciated.

@Alright reserved, 2021

That NERD is a BADASS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon