A M B E R
"Without you.. without you.... waaah!!! Hindi ko na talaga kaya! Ang ganda ng kwento!"
Teary eyed na sumbat sa akin ng kaibigan kong si Four. Kakapanuod palang namin kasi ng One More Try pero inferness ang ganda nung Movie.
"Tumigil ka nga diyan, pinagtitinginan ka na ng mga tao."
Wala kasi ng wala akala mo siya si Angelica Panganiban dun sa kwento. Aynaku.
"Eh ano naman? Baka ikaw ang tinitingnan, kung makaasta ka kasi para kang lalaki."
Oh ayun binatukan ko yung babae. Kung makapagsalita! E siya naman ang girly niya masyado kung manahimik nalang kaya siya? E trip ko 'to e.
"Pasalamat ka nga hindi ikaw ang gusto kong babae! Palibhasa ang arte-arte mo!"
Magsisimula palang ang kwentong 'to. Nagaaway na agad kami ng bestfriend ko. E siya naman kasi ang nagsimula.
"Aba't! CHE! Puntahan nalang nga natin si Alesana doon sa may Department store, "
Naglakad na kami papunta sa Department store. Hindi kasi sumama sa amin si Alesana kasi ayaw niya raw manuod ng drama. Nasobrahan na daw kasi siya ng drama sa pinanuod niyang korean drama kagabi. Aba ewan ko dito sa kaibigan kong 'to.
Masyadong adik sa isang website. Limot ko kung ano pangalan nun. Basta orange ang kulay ng banner ng website.
"ALESANA?!!!!"
O________________O <- Reaction namin ni Four. E kasi naman nakita namin si Alesana doon sa may mga lingeries. Ano ang ginagawa niya roon? Okay. Normal lang naman na magbili ng mga panty at bra pero...isang LINGERIE NA SEE THROUGH ANG HAWAK HAWAK NIYA!
Hindi naman ganito si Alesana ha! Kahit bad girl image siya, Ms. Nice girl pa din naman 'tong bestfriend ko.
"O M G girl. Don't tell may pasok ka mamaya?"
PInektusan ni Alesana si Four ng asarin siya nito. Hahahaha.
"Baliw! May gusto lang kasi akong regaluhan nito,"
May gustong regaluhan?! Isang see through lingerie?!
"Lemme guess, isang bakla ang target mo mamayang gabi or para yan kay Amber?"
@__@#
"Paano naman ako nakasali diyan?! Aanhin ko naman yang lingerie na yan ha Four?"
Tumawa naman si Alesana. Kung makatawa naman 'to. Ako na naman ngayon ang center of attraction.
"You know.. para makaakit ka ng boys. Duh! Look at yourself girl! Para kang adik sa kanto! Pwe! But don't worry, I still love you. "
Nangaasar lang pala eh. Kung ako naman ang umaasar dito ki Four, pikon na pikon. Kapag siya.. ay pasalamat siya good mood ako ngayon.
"Sige, bayaran ko lang 'to. Hintayin niyo nalang ako diyan sa may mga bilihan ng Magazines,"
"Okay girl, halika ka na Amber!"
Hinila ako ni Four sa braso at pumunta na kami sa bilihan ng Magazines. Hay nako. Meet my group of friends.. ay teka.. hindi ko sila mga friends..mga KAIBIGAN ko sila.
We've been through a lot. Elemantary palang e magkakasama na kami. Nagliguan na kami sa putik, nagkatulakan na kami sa swimming pool pero never pa kami nagsabunutan. Wala yan sa peg namin.
BINABASA MO ANG
All My Heart
RomanceSi Amber ay isang babaeng ang gusto ay ang kapwa niya babae.Paano nalang kung isang araw ay may dumampot sa kanyang mga lalaki at dinala siya sa mundong hindi niya pa napupuntahan? Ang mundo ng. FUTURE!? At yung may pakana pala ng lahat ay may gusto...