Random thoughts.
“Isa na namang gawa na walang kabuluhan.
Isa na namang obra na walang katuturan.
Isa na namang produkto na pampalipas ng oras ng bawat sino.
At isa na namang kwento na pwedeng itapon at ipakian sa aso.”Graduation Gift
Pagkatapos ng kulang-kulang apat na taon na labas-masok sa paaralang naging saksi sa mga “first time” sa aking buhay, gabi-gabing pagsusunog ng kilay sa mga exams, quizzes at recitation. Sa daan-daang libong nagastos ng aking mga magulang sa mga libro, tuition fees, miscellaneous fees, reviewer fees at kung anong anik-anik na fees ay sa wakas ay magtatapos na rin ako.
Niyakap nila ako ng sobrang higpit. Yaong tipong makadurog baga at makalamog mukha pagkarating namin sa bahay pagkatapos ng graduation rite.
Ang tatay kong halos parang isdang talilong na hindi alam ang gagawin dahil sa nakamit ko. Ayun nga at lumabas si tatay at nagsisigaw na “Ang galing ng anak ko! Maganda na, matalino pa.” Habang si nanay naman ay nakangiti habang naiiyak sa nangyayari.
Pagkatapos ng walang kapagurang aktibidades ni tatay sa labas ay pumasok na rin siya at hudyat na iyon para isabit ko ang medalyang nakamit ko. Isang “Leadership Award” na medalya para kay tatay at “Class Valedictorian” naman sa aking ina.
“Sana sa college, ganito pa rin,” wika ni tatay sa akin habang naluluha.
“Nagbunga rin ang paghihirap mo, anak,” dagdag ni nanay na nahawa sa ginawa ng kanyang kabiyak.
Sa mumunting salitang binanggit ng aking mga magulang ay napahagulgol na rin ako. Iniabot ko sa mga ito ang isang kapirasong bagay. PREGNANCY STRIP.
Napahagulgol lalo ang aking magulang sa munting sorpresang inabot ko. Ang isa pang graduation gift ko at sukli as kanilang sakripisyo.
BINABASA MO ANG
Graduation Gift
Historia CortaRandom thoughts. Anong regalo mo sa mga magulang mo bilang magtatapos ka na sa elementarya, sekondarya o kolehiyo ngayong Marso? Sertipikasyon ba? Medalya? Sampaguita? Pagpapakilala? o dalawang linya? School is the place for the so-called "first ti...