Soraya-chapter four

3 1 0
                                    

PAALALA
-Meron itong mga batos na salita. Maaaring Hindi mo ito magugustohan(kahit naman gusto mo sya Hindi ka nya parin gusto)

Pasensya na sa mga typo.

♡´・ᴗ・'♡♡´・ᴗ・'♡♡´・ᴗ・'♡♡´・ᴗ・'♡

Natapos ang first and last subject ko for this day, swabe lang ang araw na ito para sa akin pwera sa na late ako.

Pagkatapos ng classes ko ay pumunta ako sa cafeteria, bibili lang ako ng snack and  uuwe na sa bahay.

Habang nag lalakad ako sa papunta sa cafeteria, meron akong nakikitang mga naglalandiang mag-jowa.
Akala naman talaga nila magiging sila hanggang pagtanda.. Psh.

Imbes na mag-aral nalang sila, nakikipagrelasyon pa sa mga mukhang tuko.

Ayaw ko talaga makipag relasyon kapag nag-aaral. Sinubukan ko before, but.... Sakit ng ulo lang ang natamo ko.

Against ako sa mga nagsasabing ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend habang nag aaral ay inspiration at Hindi distraction.
Aba kapag nakikipagrelasyon ka mas angat yong distraction kesa sa inspiration, kasi kapag nag-aaral ka Tapos nakita mo yong karelasyon mong may kasamang iba, tapos masaya pa,
So ang tumatakbo sa isip mo ay kong sino yong putanginang kasama nya, kaya imbes na ang lesson ang isipin mo mas iniisip mo yong  karelasyon mo at kong sino ang kasama nyang bwiset...

Meron akong karelasyon nong nakaraang linggo, pero Hindi kami nag talagal.
We don't deserve each other.
Wala syang pakealam sa pag-aaral nya, meron syang bisyo.
Nong una Hindi ko alam na may bisyo sya, kasi one full week nya lang ako niligawan and then sinagot ko na sya agad.
Ewan ko kong bakit ang bilis ko syang sinagot non.
Basta ang alam ko kailangan kong patunayan sa sarili ko na tama ako, na nagkakamali sila tungkol sa  Pakikipagrelasyon habang nag-aaral.
  And guess, tama ako,na ang Pakikipagrelasyon habang nag-aaral ay distraction lang talaga.
   Anyway past is past.

Kaya Hindi na ulit ako umulit..

Pag dating ko sa cafeteria, maraming stupident na nag kakagulo sa pila. Meron pang mga naka holding hands like iw yuck .

Pumila ako ng maayos , para makaalis na agad ako. Kong Hindi ba naman ako tanga pwede naman akong magpaluto nalang sa bahay or bumili nalang sa labas ng campus. Ang tangatanga mo talaga Soraya.

Nong ako na ang nasa harap ng tindera, sinabe ko na sa kanya ang mga gusto ko.

Burger , Fries and soda lang naman ang inorder  ko.

Wala akong kaibigan dito sa school I mean Hindi ako nakikipag kaibigan. I know it's weird and sad, but mas maganda na ito kesa makipag plastikan pa ako sa kanila. Meron akong mga kakilala na bumabati sa akin and ningingitian ko lang sila, , I do not do things to make conversations with them. I have my own world in my mind , at ang mga kapatid ko lang ang kayang makapasok and can understand.

Meron akong nag-iisang matalik na kaibigan, ang turingan naming dalawa ay parang totoong mag kapatid  talaga, nag-aaway kami  paminsan-minsa at nagtatalo kong sino ang masusunod. Elementary to high school (third year high school) kami mag kaibigan, kahit magKaiba kami ng section, gumagawa kami ng paraan para  magkasama kami sa lunch, but sadly wala na sya. 🙂

pag labas ko ng Campus wala pa si Mang Theo. Naghintay ako sa may puno malapit sa gate habang kumakain ng binili ko.

Habang busy ako sa pagkain, tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kong Sino ang tumatawag.
Si mom ang caller. So I answer the call  immediately.

"Waaaaazzzuuuppp mom"
masaya kong bati kay mom.

" Soraya? Anak? Where are you? "

"Uhm I'm her outside of our school mom, why?"

"Oh okay, malapit na ako. "

"Huh? Ikaw ang magsusundo sa akin? "

"Yes sora.may problema ba don? "

"Uhm wala naman . But where's mang Theo?"

"Mamaya ko na sasabihin sayo.  I'm driving Soraya. malapit na ako. "

"Okay mom" I said before the call end

Ano kaya ang nangyare kay mang Theo?hindi naman ako sinusundo ni mom kapag  nanjan si mang Theo. Nag-aalala na ako tangena.

Malapit ko ng maubos ang  kinakain ko ng may  biglang  humintong sasakyan sa harap ko.

Gago Syempre sasakyan namin..

Sa likod parin ako sumakay. Lilipat nalang ako mamaya sa Tabe ni mom.

"So mom? Bakit ikaw ang sumundo sa akin?"

"Bakit ba parang ang big deal ng pag sundo ko sayo Soraya? "

"Hindi naman sagnon mom, Hindi lang ako sanay na sinusundo mo ako. Btw nasaan nga si mang Theo? "

"Umuwe sa probinsya si Theo"

"Bakit mom may nangyare ba? "

"Namatay ang anak nya Soraya"

"Sinong anak nya mom? "Malungkot na tanong ko.

" Yong panganay nyang anak sora. "

"Huh? S-si L-l-lucy? " Utal utal kong tanong habang tumutulo na ang luha ko.

"Sya nga. " Ramdam ko ang lungkot sa boses ni mommy.

Tatlo ang anak ni Mang Theo.
Nakilala ko dati si Lucy na syang panganay, noong dinala sya dito sa Manila ni Mang Theo dahil may butas ang puso nya.at dapat ipapagamot dito sa Manila.
Naging magkaibigan kami kahit papaano ni lucy, kinikwento nya sa akin palagi kung gaano nya ka Mahal ang pamilya nya lalong-lalo na ang Papa nya.
Mabait at mahinhin si Lucy, nag kwekwinto din sya tungkol sa sakit nya
"Alam mo sora, gustong gusto ko gumaling sa sakit na to, pero masyado nang Malaki ang butas ng puso ko sabe ng doctor.
Gusto ko rin  maranasan tumakbo ng mabilis na Hindi hinihika, gusto ko rin makisali sa mga naglalarong bata sa labas ng bahay namin, pero dahil may sakit ako, Hindi ko kayang gawin.
Kailangan kong alagaan ang sarili ko, kung gusto ko pang mabuhay ng matagal.
Napaka swerte mo sora at ibang batang walang sakit, nagagawa nila ang gusto nilang gawin ng walang inaalala, nagagawa nila ang mga bagay na Hindi ko pweding gawin.
Nakakalungkot kasi Hindi ko alam kong ano ang ginawa ko para magkaroon ng ganitong sakit. " Tuwing naalala ko ang sinasabe ni Lucy sa akin, napapaluha ako, napaka bata nya pa para mawala.

"REST IN PEACE LUCY"

Nagdaan ang isang linggong si mommy ang sumusundo at naghahatid sa akin.

Ang sabe ni mommy maghahanap daw kami ng bangong driver.
Hindi na daw babalik si Mang Theo dahil sa probinsya nalang sya mag tatrabaho.
Kaya lang naman nag trabaho dito sa Manila si  Mang Theo dahil sa mga gamot  ni Lucy.

Nakakalungkot dahil halos simula nong nag-aaral ako, sya na ang naghahatid sundo sa akin.
Mabait din si Mang Theo sinasabayan nya ako sa mga trip ko sa bahay, basta Alam nya na di ko ikakasama O ikapapahamak ang ginagawa ko.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SORAYAWhere stories live. Discover now