Trigger Warning! S*icidal & S*xual Harassment. Read. At. Your. Own. Sick.This story content Grammatical and Typographical errors. So bear with me.
"Jen? Asaan ka?" tanong ko sa kabilang linya. Nasa bahay na ako ngayon, kakauwi lang galing paaralan. Tinawagan ko kaagad siya baka hindi na naman siya umuwi sa kanilang bahay.
Kanina kasi wala na naman siya sa kanyang sarili. Natatakot ako kapag gano'n ang inaasta niya. Mas lalo na kapag wala rin ako sa tabi niya.
Palagi ko siyang tinatawagan baka may gagawin na naman siya sa kanyang sarili. Natatakot ako na baka isang araw ay mawala na lang siya bigla.
"Nasa bahay na," mahina niyang sagot. Gano'n ang kanyang boses. Mahinhin na may pagkamabagal.
"Sigurado ka?" naninigurado ko pang tanong sa kanya.
"Oo, huwag kang mag-alala. Wala akong gagawin sa sarili ko." Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Napangiti. "Sige, bababa ko na. Mag-a-assignment na rin ako at ikaw rin, mag-assignment ka na rin."
"Sige."
Huminga ako ng malalim at ngumiti ng mapait. Sana lang talaga wala siyang gagawin sa sarili niya. Nakakatakot kapag sinasaktan niya ang kanyang sarili.
Kaibigan ko si Jen. Matagal na. Parang Kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Ma-jolly dati si Jen at walang hamas kapag tumatawa, kaya lang simula nang magka-problema sa pamilya nila ay nag-iba na siya. Masyado na siyang nawawala sa kanyang sarili. Sinasaktan ang sarili at umiiyak na lang bigla na hindi mo malamang kadahilanan. Hindi ko alam kong ano pa ang mga nangyari noong magkawasak-wasak ang pamilya nila. Hindi naman kasi siya nagsasabi ng mga problema niya sa akin. Kahit gustuhin ko mang tanungin siya ay hindi na lamang. Sasabihin din naman niya iyon kong gugustuhin niya.
Nagbihis muna ako bago ko ginawa ang aking assignment. Bestida lang ang sinuotan ko dahil papatulog na rin naman ako. Kanina habang papauwi ako. Nag-iinoman na naman ang mga kapit-bahay namin. Kaya minsan nakakahiyang dumaan sa kalye. Para kasing nasa squatter area ang aming bahay. Masikip at hindi ka masyadong makakadaan kung maraming nag-iinoman at naglalarong mga bata.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-assignment nang may biglang pumasok sa aking kwarto kaya napalingon ako roon. Si Klara lang pala. Ang pinsan ko.
"Hoy, Monic. Nagugutom na ako!" masungit niyang pagkakasabi. May kain-kain pa siyang bubble gum at naka-high ponytail na tinabingi at may kaunting naiwang buhok sa gilid nito.
"Akala ko ba nagsaing na si Tita?" tanong ko naman. Nakita ko kasing nagluluto na si Tita nang makauwi ako.
"Hindi iyon para sa atin! Sa mga nag-iinoman 'yon doon sa labas! Bilisan mo na! Palamunin ka lang din naman e!" inis na sigaw niya at nagmamartsyang umalis at malakas na sinarado ang pintuan ng kwarto ko.
Buntonghininga naman akong tumayo at bumaba. Bumungad sa akin si Tita na busy pakikipag-usap sa mga kakilala niya. Nakikipag-inoman na rin sa mga kakilala niya. Nang makita niya ako ay nawala ang mga ngiti niya at sinamaan ako ng tinggin.
"Anong tinutungaga mo riyan?! Mag-saing ka na! Gutom na ang anak ko! " utos niya sa malakas na sigaw upang mapatingin sa akin ang mga kasamahan niya
Nandidiri at may pang-iinsultong titig nila sa akin.
Napayuko na lamang ako at nagtungo sa kusina para magluto ng makakain.
"Bakit ba ayaw mo pa 'yan paalisin sa puder mo, Ninita? Lalaki lang gastos mo riyan sa batang 'yan," riinig kong usap-usapan nila.
"Oo nga. Wala naman ang mga magulang niyan bakit mo pa kinupkop 'yan? Ako pa sayo, hindi ko na lamang tinanggap ang batang 'yan."
"Naku! Nabigla rin ako kung bakit ko rin tinanggap ang batang 'yan."
Pinahid ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko at ngumiti ng mapait.
Ganito ang buhay ko. Kahit papaano nakakapag-aral pa rin naman ako. Ito lang talaga ang makakaya ko. Ang mag-aral ng mabuti at makapag tapos.Kalagitnaan ng gabi ay nakaramdam ako na parang may humaplos sa binti ko kaya napabangon ako bigla. Pero kinaubawbawan agad ako nito at tinakpan ang bibig ko para hindi ako makasigaw. Panay ang pagpupumiglas ko pero wala akong lakas dahil mas malakas siya sa akin.
Tumulo ang mga luha ko dahil doon.
"Huwag kang maingay, kundi makakatikim ka sa akin," mariin niyang banta sa akin.
Mas lalo akong napaluha nang mapamilyaran ko ang kanyang boses. Madilim na sa kwarto ko. Lahat kasi ng ilaw kapag natutulog ako ay nakapatay rito sa kwarto ko kaya hindi ko makikita kung sino ang lalaking ito. Ngunit noong marinig ko ang boses niya ay para akong nanghina. Hindi ko akalain na magagawa niya ito sa akin.
Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakatakip niya sa aking bibig. Panay ang haplos niya sa aking buhok. Hindi ko mapigilan ang napahikbi.
"K-kuya James. . ." sambit ko na parang nagmamakaawa.
Si Kuya James ay pinsan ko. Anak din ni Tita Ninita. Mabait siya sa akin pero hindi ko naisipan na gagawin niya ito sa akin. Gwapo rin si Kuya James. Madami ring nagkakagusto sa kanya pero hindi ko alam na may ugali rin pala siyang ganito.
"Shhh. . . pumayag ka lang. Walang masasaktan." Nandoon ang bakas ng kayang pag-ngisi nung lumabas iyon sa kanyang bibig.
Umiling ako, "ayaw ko po, Kuya," halos napapaos kong pagmamakaawa.
"Makinig ka, Monic. Once na hindi ka pumayag, ipagkakalat ko sa social media ang nakahubad mong katawan." Muli ay nawindang ako sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw. Parang nanghina ang mga tuhod ko lalo sa sinabi niya. Napaiyak ako ulit dahil doon.
"S-sinungaling ka!" mariing sigaw ko.
"Hindi ako nagsisinungaling, Monic. May proweba ako."
Nagulat ako dahil sa mabilis niyang pagkilos. Natakpan niya agad ang bibig ko gamit ang panyo na hindi ko alam kong saan niya nakuha iyon. Nagpupumiglas ako nang kamay ko naman ang itinali niya sa taas ng kama ko. Panay ang likot ko at gustong tanggalin ang nakatali sa kamay ko. Ngunit mukhang mahigpit ang pagkakatali niya roon.
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko, mas lalo pa akong napaluha nang marinig ko ang pagbukas ng zipper sa pantaloon niya at binuka ang mga hita ko.
Hinubad niya roon ang pangilalim kung sout at sa pagkakataong iyon. Inangkin niya ako nang paulit-ulit hanggang sa mapagod siya. At ako nagdudusa sa sakit. . .