Chapter 2

302 18 2
                                    

"Masaya ako na okay kana, Jen." Ngumiti ako sa kanya ng matamis.

Ngumiti rin siya sa akin. "Salamat, Monic. Nand'yan ka palagi sa akin kahit minsan ay hindi na kita nabibigyan ng pansin dahil sa mga problema ko."

"Ayos lang 'yon. Ang importante ay okay ka na."

"Ikaw okay ka na?" Bigla akong natigilan sa tanong niya. Ngumiti ako ulit at tumango.

"Oo naman. Kailan ba ako hindi naging okay? Always akong okay no!" pasigla kong sagot.

"Hindi halata. Alam kong pagod ka na sa puder ng Tita mo. Pero ito ka pa rin, lumalaban. Proud ako sayo, Nic. Kasi natitiis mo sila. Habang ako, hindi ko na alam ang gagawin ko." Pilit na ngiti ang ginawad niya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil 'yon. "Huwag kang mag-alala. Nandito pa ako, ikaw at ako na lang ang pwedeng magtulungan." Malamlam ko siyang tinitigan. Pinaramdam ko sa mga titig ko na hindi siya nag-iisa.

"Masaya ako, dahil nakilala kita. Kapatid na rin ang turi ko sayo. Kahit papaano, nagkaroon ako ng pag-asa dahil sayo. Huwag mo 'kong iiwan ha?" Sinandal niya ang ulo niya sa aking balikat.

"Hinding-hindi kita iiwan, huwag mo rin akong iwan, ha?" Hinaplos ko ang buhok niya.

"Oo naman, walang iwanan."

Nasa dalampasigan kaming dalawa at pinapanood ang sunrise na papababa na sa lupa. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Kahit papaano. Gumaan ang dibdib ko. Nakalayu-layo rin ako ng kaunti sa kanila. Walang sermon ni Tita. Walang panlalait ng iba at sa pinsan ko. . .

Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin kay Jen. Mas makakabuti siguro kung huwag na lang muna. Ayokong dumagdag pa ito sa iisipin niya.

"Monic, picture tayo!" Hinila naman ako ni Jen at tinapat sa amin ang camera ng cellphone niya kaya sabay kami roon tumingin at ngumiti. "Isa pa!" Ginawa pa namin iyon ng ilang beses.

Mabuti naman nakikita ko na ang kasiyahan ni Jen ngayon. Masigla na ulit siya. Hindi na kagaya ng dati. Palaging nakatulala, umiiyak at sinasaktan ang sarili. Tinatangka niyang patayin ang sarili. Kaya minsan tinatawagan ko kaagad siya pag-nakauwi na kami. Tinetext o 'di kaya ay minsan pinupuntahan ko siya sa bahay nila at makikita ko na lang na may hawak nang patalim at akmang ilalas-las niya sa kanyang pulsohan.

"Fishball po at kwek-kwek, Manong," ani ko sa nagtitinda dito sa labas at malapit lamang sa paaralan namin.

Nagbayad agad ako ng kasya lamang. Hinihintay ko rin si Jen, dahil inutusan siya ng adviser namin na may ipapabigay daw sa principal office. Sa labas na lang niya ako pinaghintay kaya sumunod na lang ako at tama-tama ay may nakita akong nagtitinda ng paboreto namin ni Jen kaya bumili na rin ako.

"Ito na Ineng." Aabutin ko na sana iyon nang may kumuha agad doon kaya napalingon ako sa kumuha no'n.

"Oppss, akin na lang 'to." Naka-ngising sabi ng pinsan kong babae at tumawa, gano'n din ang mga kasamahan niya. Napabuntonghininga naman ako at napailing.

"Ineng, hindi 'yan sayo." Takang tinitigan ni Manong na tindero ng Fishball'an si Klara.

"Kilala niya ako, Manong. Don't worry." Nagtatawanan silang umalis.

Buntonghininga naman akong tumango kay Manong. "Bibili na lang ako ulit, Manong." Napapailing naman siyang kumuha muli ng bago.

Mayamaya ay dumating na si Jen na may malaking ngiti sa mga labi at bumili rin ng gano'n.

"Masaya ka ba?" tanong niya bigla.

"Ha? Saan?"

"Na nakasama mo ako." Bumaling sa akin ang matatamis niyang mga ngiti. Ngumiti rin ako sa kanya.

"Oo naman, sobra. Ikaw na lang ang meron ako,  Jen. Ikaw na lang. Wala ng iba."

"Ako rin, magtutulongan tayo hanggang sa makapagtapos tayo ng pag-aaral." Inakbayan niya ako at inakbayan ko rin siya.

Masaya ako dahil nakilala kita. . . ikaw ang bumuo sa buhay ko noong makilala kita. . . pangako, magtatapos tayo ng pag-aaral at tutuparin ang ating mga pangarap. . .

The Two Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon