Chapter 10:

3 1 0
                                    

AFTER CLASS. Habang nasa loob pa rin kami ng room ay lalapit na sana ako kay Mica kaso bigla syang umalis, napahinto ako at napayuko, nasa likod ko si johan tapos hinawakan nya yung kamay ko.

“Sarah, hayaan mo muna syang mapag-isa, she needs time to think. Kaya magiging okey din ang lahat”

“Pero—“ bigla nyang tinakpan ng daliri nya yung bibig ko para pigilang magsalita

“Enough”

“Johan, ano bang pwede kong gawin?”

“Wala kang dapat gawin, mag-best friend kayo kaya kusang mawawala yang tampuhan nyo, kaya tara na”

“Ha? San tayo pupunta?”

“Mag-withdraw muna tayo para may gamitin tayo next week”

“Sorry, don’t worry babayaran kita pag- may trabaho na ko, yan tuloy para na tayong tunay na mag-asawa” with puppy eyes

“Teka teka, san mo nga pala kinukuha yung pera, e wala ka naming trabaho di ba?” dugtong ko

“Ah yun ba? Sa Uncle ko galing yan, pati yung bahay…lahat lahat sa kanya galing”

“Ha? Talaga ang yaman naman ng Tito mo,”

“Oo kaya tara na” sabay hila nya sakin papalabas ng room

“Teka bagalan mo naaaaamaaaannn yung paghilaaaa mooooo!!”

Naglakad na kami papunta sa bangko, then lumayo ako ng konti at habang sya ay nagpipindot-pindot… Grr. .. tagal naman nya.. kaya lumapit na ako… “Oy nakita ko yung password….”

“Ano ka ba? Lumayo ka nga…” sabay taboy sakin

“Grrrr…” with punch sign habang nakatalikod sya.. umalis muna ako para umupo dun sa waiting shed… Maya maya ay lumapit na sya sakin..

“Okey, tara na, tapos na ko makapag-withdraw”

I turn my head to him and then pout..

“Oh ano? May problema ba?”

“Wala tara na nga umuwi na tayo!” sigaw ko.. nakakainis naman ang tagal nyang mag-withdraw tapos hindi man lang nya ako yayayaing kumain sa Jollibie… >___<

Hinila ko sya papunta dun sa bus station.. habang naghihintay kami ng bus ay biglang may pumasok na mga tanong sa utak ko..

“Johan., ano nga bang pangalan ng Tito mo?”

“Si Tito?, Joon Soo”

“Joon Soo?”

“Oo bakit?”

“Parang narinig ko na kasi yung pangalan nya… di ko alam kung saan at kalian..”

“Talaga?”

“Oh Shunga ka? Tara na nasa tapat na natin yung bus” sabi ko with evil smile Hahaha, Hinila ko sya papasok ng bus… Umupo kami dun sa pinakalikod ng bus, masarap kasi dun lalo na pag lubak lubak yung daan kasi para kang nakasakay sa isa sa mga ride ng Enchanted Kingdom.

“Ay back to the topic, pwede ko bang ma-meet yung tito mo para maka-pag thank you naman ako”

“NOOOOOO…”

“Bakit parang nagulat ka naman sa sinabi ko”

[TUT TUTU TUTUTUTUT RING RING ]

*Uncle Calling*

Answer *CLICK*

“Hello Tito,?”

“Johan… may nilagay ako sa cabinet mo, gamitin mo nay un para matapos na ang misyon mo”

“Tito, pano kayo nakapagsok sa bahay namin?”

[ANO? MAY NAKAPASOK SA BAHAY???? Singit ko]

Lumayo si Johan para kausapin yung Tito nya…

“Tito, ano ba yung nilagay mo sa cabinet ko?

“Tignan mo na lang pag-uwi mo”

*TUTUTUTUTUT CALL ENDED*

Bumalik si Johan sa tabi ko tapos pinagana ko yung armalite kong bibig..

“Johan, bakit daw? Ano yung narinig kong nakapasok sa bahay? Nanakawan ba tayo? Nanakawan ba yung bahay ng tito mo? Johan sumagot kaaaa!!!!”

“Hindi, safe ang lahat” mahinang sabi ni Johan habang nakatulala sa mukha ko..

Ano ba’to nakakahawa naman sya, yan tuloy nawalan na rin ako ng ganang dumaldal.. Ilang minutes lang ay bumaba na kami, ilang lakad lang naming ay nasa tapat na kami ng bahay.. Ewan ko ba bakit sobrang nagmamadaling pumasok si Johan at umakyat agad ng 3rd floor..

“Johan, hubarin mo muna yang sapatos mo!!!!” sigaw ko pero tuloy tuloy pa rin sya sa pag-akyat.. habang ako naman ay nilapag ko muna yung gamit ko sa sofa pati na rin yung mga hinagis na gamit ni Johan sa sahig… ANO BANG NANGYARI NA SA KANYA?

Johan’s POV

Dali dali akong pumunta ng kwarto ko at agad kong binuksan yung cabinet ko.. Isang bote ng lason yung nakita ko sa cabinet ko, PERO AYOKO PANG GAWIN ‘TO SA KANYA… AND BESIDES PARANG MAHAL KO NA SYA…AYOKO…… PERO LAHAT NAMAN NANG GINAWA KO AY PATIBONG LANG, LAHAT ITO AY GINAWA KO PARA MAKUHA ANG LOOB NYA, BUT I CAN’T DO THIS. PATAYIN SYA? PARA MAGHIGANTI? SUCKS….. PLEASE,, I’M SORRY TITO… PWEDE BANG BIGYAN MO MUNA AKO NG ILANG ARAW, BUWAN O TAON…??? Narinig kong biglang gumalaw yung pintuan kaya tinago ko sa bulsa ko yung bote..

“Oh Johan? Ano bang meron dyan sa cabinet mo at nagmamadali ka?”

“Ah wala, tara kumain muna tayo sa baba” sabi ko at sabay tulak ko sa kanya papalabas ng kwarto…

“Are you nuts?… Hahahah” sabi Sarah

“Hindi ako nababaliw, tara na nga”

Habang kumakain kami ay hindi ako mapakali, bawat pagsubo ko ng kutsara ay nangangatog ako. Halos tumapon na yung sabaw sa kutsara at ubos na pagdating sa bibig ko..

"Oh Johan bakit ka ba nangangatog?"

"Ah sa gutom lang siguro" 

"Oh eto, kumain ka pa...." sabay abot ni Sarah ng pagkain sakin

Habang ang kanang kamay ko ang nasa lamesa, ang kaliwa kong kamay naman ay nilagay ko sa bulsa ko at mahigpit kong hinawakan yung bote.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Married With The STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon