Isang masayahing babae, maganda ang pananaw sa buhay, makwento, maraming kaibigang bangag na gaya niya, isang tipikal na babae. Kumbaga easy to go lang sa pagdadala ng kanyang buhay ganyan ko maihahambing ang aking sarili NOON nung hindi ko pa siya nakikilala :)
Ako nga pala si Mace . 16 na ang edad . Medyo may kaya din sa buhay . 4th year highschool . Ahmm paano ko ba sisimulan to? Ahm sa first day nalang ng klase :) Ibabahagi ko lang yung buhay ko dito sa wattpad kasi sa tingin ko siya lang yung masasabihan ko ng problema ko na di ka huhusgahan :)
First day ng klase di ko pa masyadong feel ung room namin today kasi bago ako sa section namin. Naninibago ako sa atmosphere lahat sila may kanya-kanyang mundo pero buti nalang andito mga kaibigan ko dati. Kilala ko na sila simula nung 1st year namin dito sa school kaso ayun nalipat sila ng section last last year pero thankful ako classmate ko na sila ngayon.
Masaya naman yung takbo ng unang buwan ko nawala yung pressure sa pag-aaral ko dahil bumaba ang section ko bawas assignments, projects, hectic na schedule, striktong teacher pero nadissapoint ko si mama dahil nga dito.
Filipino time namin nun so sitting arrangement din ng mga upuan pero iba tong teacher namin di siya alphabetical bahala ka kung saan mo gustong umupo pero dun sa sa nabunot mong group number gets nyo? Dahil nga mabagal ako kumilos nasa harap tuloy ako kasi ayaw nila sa harap. Buti nalang may kilala ako na nakaupo sa gitna at nakipagpalit ako sa kanya pumayag naman kasi favorite nya yung subject na yun :)
Dahil nga masiyahin at friendly ako marami nakong nakilala at naging "close" agad-agad. Isa nga dito ang seatmate ko. Si Alex. Mabait siya sobra tsaka malakas ang sense of humor kaya ayun mabilis kaming naging friends ang nagpabago ng buhay ko.
Uwian na. Nasa bahay nako. Mahilig akong magsurf sa internet kahit silent lang gets nyo yung parang nakikitsismis sa buong mundo nang palihim. Parang ganun na nga tahimik akong nagbrobrowse/scroll down ng aking fb account nang may nag-pop sa message ko. Nung tiningnan ko si Alex. Ahmm siya yung bago kong nakilala.
Alex:
"Pst. Anong assignment?"
Akala ko pa naman kung ano na kasi once in a blue moon lang siya makipag-usap sa chat madalas sa personal.
Me:
"Wala tayong assignment. Di ka kasi nakikinig"
Alex:
"Ay ganun ba? Ako lang naman kasi yung gumawa ng lecture mo sa filipino kanina"
Oo siya ung pinagawa ko sabi ko kasi di ko maintindihan yung filipino topic namin kanina sa kanya so nagvolunteer siya na isulat niya ako.
Di nako nagreply parang usual lang naman din yung nangyari.
BINABASA MO ANG
DO I EXIST ?
Short StoryWALANG EXCITING SA STORY KO ! WALANG MAGANDANG BACK STORY GUSTO KO LANG MAG-SHARE DITO PERO MAY LESSON NA MAIBABAHAGI. KUNG TATANUNGIN NIYO. OO TRUE STORY SOMEHOW? BASTA BINALAAN KO KAYO TUNGKOL SA STORY AHH? WALANG SISIHAN XD