IKALAWANG KABANATA

5 1 0
                                    

Sa mga lumipas na araw lalo kaming nagkakilala ni Alex. Kahit sa chat gabi-gabi na yun marami akong nalaman sa kanya. Katulad nalang nang Mahilig pala siya magbike, 3 silang magkakapatid puro lalaki, May girlfriend din siya na sobrang ganda ang kaso lang LDR sila nasa province kasi yung girl. Pati personal na information nasabi narin niya sakin parang naging malapit kami sa isa't-isa bigla. Parang naging bestfriends kami bigla. Parang Magic.

Nasa bahay ako ngayon as usual na routine ko DATI kukunin ang cellphone para magbasa ng mga story sa wattpad but NOW kukunin ko ang cellphone ko para mag-fb. Pansin ko lagi siya yung nauuna makipag-chat sakin napaisip ako siguro may something pero sa isip ko lang yun.

Sa kakabrowse ko may nag-pop na notif sakin galing sa kanya.

"Alex added photo with you"

What? agad ko siyang clinick. Kami ngang dalawa yung naka-red jacket ako. Tapos description nya yung name ko na may heart. Bigla akong kinabahan kasi diba may girlfriend siya? Tsaka baka makita ng pamilya ko specially si mama. Baka kung anong isipin nun friends pa naman kami. 

Chinat ko siya pagkatapos kong makita. 

Me:

"Alex bakit mo yun ginawa?"

Alex:

"Ayaw mo ba? Okay lang yan"

Me:

"Bahala ka nga"

So ayun na nga siguro trip lang ako nun. nakita ko sa mga comment puro kaibigan niya na mga pambobola ang laman. Sa inis ko nag-comment ako na "Di kami Talo" tapos ayun tuloy padin sila.

Kinaumagahan. Sa school. Hindi siya usual. Madaming nakatingin na mga mata sa akin na para bang inagawan ko sila ng kendi at yung iba naman ay parang maiihi na sa upuan. Lumapit sakin si Loisa ang nag-iisa kong bestfriend na babae sa room. Alam ko naman yung itatanong niya e. kaya sinagot ko agad. "Friends lang kami" So with that natahimik ang mga mata niyan kanina pa nagniningning sa kilig? hahahaha ewan.

Filipino time. Syempre magkatabi kami nang kupal na to which is Alex. Agad ko siyang tinanong kung bakit niya ginawa yun sabi trip niya lang daw. Kaya hinayaan ko na siya. 

Lumipas nanaman ang mga araw. Maraming nakapansin sa di ordinaryong turingan namin ni Alex. Sobrang saya niya kasama. Sobra niya akong napapatawa. Basta ang masasabi ko ngayon iba siya sa mga lalaking nakilala ko.

DO I EXIST ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon