Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, di naman kasi ako pwedeng mag backout dahil alam ko naman na mali at parang ang bitter ko parin pag ginawa ko yun.
Nako Arielle! 4 months ago na nangyari yun kaya wag ka ngang paranoid dyan! Naka move on kana okay?
Naka move on naba talaga ako?
''Elle! Tawagan kita mamaya, I need to go na una na ako!'' Kumaway lang ako kay Bianca na nagmamadaling umuwi. Birthday nya kasi bukas at gusto nya na gumala kaming lahat na barkada nya kaya ayun, sobrang busy nya lately.
Maaga pa naman at sabi nila Aira na dapat akong pumunta sa music room ngayon dahil mag memeeting. OA na kung OA pero kasi sa 7 months naming break up ni Kaze nakakainis dahil sya masaya na sa buhay tapos ako ito.. masaya nga pero di ko alam kung nakamove on naba talaga ako.
''Hoy payatot tara na!'' Sinamaan ko ng tingin si Earl magsasalita pa sana ako kaso hinila nya na ako palabas ng room. Huhu bakit ba may bestfriend akong ganito?
''Sabi ni Aira dapat nandun na tayo before 5 kaya dalian mo!'' Nagmadali akong mag lakad habang hila hila ako ni Earl tangina to.
''Teka nga! Masusuntok na talaga kita makikita mo.'' Tumawa lang sya.
''Tinutulungan ka na nga nag iinarte kapa halikana!''
--
''Okay, nandito naba lahat?'' Tanongni Aira
''Yes babe.'' Sinamaan naman to ng tingin ni Aira, ang feeler lang talaga nitong si Jepoy e. Feeling nya kasi maiinlove sa kanya si Aira.
''Hoy Alcantara umayos ka ha!'' Ngumisi lang si Jepoy at kinindatan pa si Aira. Omg supportado talaga ako sa loveteam na Apoy!
''Psst. Ikaw at si Kaze ang kakanta ng Endlessly and next si Jake kakanta ng Marry Me then Sila Earl, Kalvin, Kyle na ang kakanta and I don't know kung anong kakantahin nila.'' Sabi sakin ni Aira. Pinilit ko na wag tignan si Kaze at tumango na nakangiti pero deep inside kinakabahan at ang bilis parin ng tibok ng puso ko.
''So yan ay sa next month na gaganapin okay? Intramurals is coming so we really need to be ready.'' Tumango lang kami at may iba pang sinabi si Aira pero di ko talaga kinaya at napatingin ako kay Kaze at sakto naman na nakita ko syang tutok na tutok sa cellphone nya na para bang may hinihintay. Baka girlfriend nya?
''Payatot tara na!'' Sinaman ko ulit ng tingin si Earl.''Kung gusto mong titigan si Kaze pwedeng wag dito? Mahahalata ka nila sige ka.'' Bulong nya sakin at agad ko naman syang hinatak.
''Una na kami Aira!'' Paalam ko kay Aira.''Bye guys bukas ulit!''
''Ang aga pa ah! Kwentuha muna tayo!'' Jake
''Oo nga!'' Kalvin
''Mag ppractice pa tayo Elle.'' Nakangiting sabi ni Kaze. Putagshet naman!
Bat ang bilis ng heartbeat ko? Hindi e! Nakamove on na ako!
''Sorry guys, mag dadate pa kami.'' Sabi ni Earl at inakbayan ako. Minsan gusto ko din na nandito si Earl kasi parang sya lage ang sumasagip sakin sa bingit ng kaawkwardan.
''Uyyyyyy! Kayo ha!''
''Bukas nalang Kaze, namimilit si Earl na mag date e.'' Tawa ko at sinuntok ng mahina si Earl.
''Sige sige, ingat kayo.''
''San tayo mag dadate?'' Tanong ko kay Earl, napatigil naman sya kaya natawa ako. Syempre sabi nya date e, edi panindigan nya!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love.
Randomx HiatusPrincess - Dottape Edited This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establ...