Pearl

2 0 0
                                    

"Nagkasundo na tayo..sa pagdating ng ikalabingwalo kaarawan ng mga anak natin ay kailangan nilang mag isang dibdib" anang isang maginoong lalaki sa kanyang ama...pitong taong gulang siya noon nang maulinigan ang paguusap mula sa sala

"Ikaw lamang ang nagsabi niyan, paano kung hindi nila nagustuhan ang isa't isa magkakalamat ang kanilang pagsasama...Nais mo bang ipagkait yun?"

"Ang kasunduan ay kasunduan at hindi iyon kailanman mababali!"

Hindi maintindihan ng batang si Andrea ang mga nangyayari, naagaw ang pansin niya ng isang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa dagat.

Ito pa lang ang unang pangyayari na yun...isang kuryusong bata kayat nahalina siyang lumapit roon...

Narinig niya ang isang awitin na nakabibihhani...nangagayuma...nakakapanghina...sumusunod ang katawan niya...hindi na alam ang ginagawa...pumunta sa tabing dagat...

Isang maliwanag na araw yun...ngunit tila may ipu ipo sa ilalim ng dagat...pinagpatuloy niya ang paghakbang hanggang sa kanyang leeg na ang tubig dagat...ngunit ang kaawa awang bata ay sumusunod sa himig ng Tugrak 'a beautiful siren song'...nang biglang may humablot dito pailalim...

Natauhan si Andrea ngunit huli na ang lahat....may humihila sa kanya pailalim...nang magiisang hininga na lamang siya ay naulinigan niya ang asul na tila brilyante ang kinang...kasunod ang kawalan ng malay...




Nasa pampang na siya nang bumanghalit at niluwa ang lahat ng maalat na tubig...Isang pares ng asul ng mga mata ang naulinigan niya mapulang mga labi marahil sa paghalik o pagligtas sa kanya...

"Ligtas ka na" bigla itong kumaripas pagtayo...

"Salamat bata...ngunit anong pangalan mo? " tanong niya sa nakatalikod na bata

"Ako si Andrea Balleria, ikaw anong pangalan mo?"  Hindi pa rin ito sumagot, kuminang ang isang bagay sa gilid niya at pinagtuunan yun ng pansin...marahil sa bata iyon..dinampot niya iyon at hinabol ito...

"Sa iyo ito di ba?"

Nagulat ang batang lalaki sa nakita.. nais sanang agawin sa mga kamay niya ang asul na perlas ...ngunit tila ito nakuryente ng biglang mapaigik sa sakit...

"Lapastangan nakahanap ka nang panibagong amo...humanda ka sa akin kung ayaw mong magpahawak padudurugin kita kay Ama" sinubukan ulit nitong kunin niyon sa kanya ngunit biglang gumulong ang perlas at nagtago sa kanyang mga dibdib...nabibigla man ay napigilan niya ang paghawak nito sa kanyang dibdib...

"Hep hep hep bastos yan. Babae ako.."

"Tsss" umirap ito sabay talikod..."Ako si  Zula at ang bubuwit  na yan ay saiyo na... bahala siya kung ayaw niyang sumama sa akin...pagkausap nito sa perlas...

Nagtatanong ang mga mata niya bakit kinakausap nito ang perlas?

"Andrea! Andrea! Andrea" pagtawag ng batang si Miranda sa kanya, lumingon siya dito..

"Sinong kausap mo Andrea? Tanong nito ng makalapit...

"Halika pakilala kita sa nagligtas sa akin, Si Azul, sa pagkiling niya ay wala ng tao siyang nakita...

"Asan na yun?"

"Sino?"

"Si Zula"

"Bago mong kaibigan.."

"Hindi pa ngunit siya ang nagligtas sa akin sa pagkakalunod"

"Hala muntik ka nang malunod lagot ka kay Tito!!"panggagatong nito bigla siyang kinabahan...at nawala sa isip ang hinahanap.

"Huwag mo akong isumbong"

"Isusumbong kita"

"Wag"

Hanggang sa bahay ay panay ang pananakot nito na nawala na sa isip ang asul na mga mata ng kanyang tagapagtanggol

Oceans Green And BlueWhere stories live. Discover now