Sa tagal-tagal mo ng nararanasang matulog,kailan ba ay di mo nararanasang mabangungut? Sa walo,pito,anim,lima,apat,tatlo,dalawa o isang oras ng iyong pag tulog ano kaya ang nangyayari?At paano kung ang inakala mong bangutngut lang ay siya palang katotohanan?
"Ercsa!Ercsa,gising!"nag-aalalang saad ni Jez sa kaibigang halos isang oras ng pinagpapawisa't parang kinukumbulsyon.Maya't maya rin bubuka ang mga bibig nito na animong may sinasabi ngunit wala namang boses na lumalabas rito.
"Ercsa,gumising ka.Ercsa gumising ka !"patuloy na paggising ni Jez sa kaibigan.Simula ng tumuntong sila sa sekondarya ay magkasama na ang dalawa sa isang paupahan malapit sa kanilang eskwela kaya naman lubos siyang nag-aalala para sa kaibigan na lubos ng napamahal sa kanya.
Patuloy lang sa paggising si Jez sa kaibigan,hanggang sa magmulat na nga ng mata ang dalaga."Waaaaaaah!"bugad na sigaw ni Ercsa na ikinabigla ni Jez
"Lumayo ka sakin!"sigaw ulit nito at nang akmang lalapitan ito ni Jez ay bigla itong nagtalukbong ng kumot at humagulhol.
"Wag kang lalapit!Nagmamakaawa Jez.Wag mo naman akong ganituhin.Patawarin mo ko kung wala akong nagawa."Ercsa na humahagulhol parin at animong nanginginig
"Ercsa,ano bang pinagsasasabi mo?"naguguluhang saad ni Jez sa kaibigan.
"Patawarin mo ko,Jez.Kung sanang maspinilit pa kitang wag nalang pumunta dun sana walang nangyaring ganun.Patawad Jez nang dahil dun hindi na tayo pwedeng magkita pa.Hindi na tayo sabay na maghahanap ng trabaho. Hindi na tayo makakapamasyal sa ibang bansa.Patawarin mo ko Jez." sabi nito habang humahagulhol sa iyak na ipinagtataka naman ng kaibigan nitong si Jez.
"Ercsa, ano bang pinagsasasabi mo?Ano bang nangyayari sayo? Anong dun?Lugar ba yun?At bakit ka humihingi ng tawad?Iiwan mo na ba kong mag-isa rito?May pupuntahan ka ba?Ercsa,diba walang iwanan?Naloloka na naman ba?"Sunod-sunod na tanong ni Jez sa kaibigan.
"Je-je-jez!"utal na sigaw ni Ercsa sa kaibigan na ikinabigla nito.
"May hininga ako!"pagpapatuloy nito.
"Eh?Malamang sa malamang Ercsa.Ano ba,tsaka alam mo ang baho na nga eh. Tumayo ka na kaya dyan,mulumog na te!"Pang-aasar nito sa kaibigan
"Jez,nakalimutan mo na ba yung nangyari dun?" Sa halip na pansinin ang pang-aasar niya ay nagpatuloy lang kaibigan sa kung anumang palabas kunu ayon kay Jez.
Kunot-noo lang namang tinignan ni Jez ang kaibigan dahil wala itong makuhang salita para sagutin ang mga tanong nito.
"Takot ako sa multo,alam mo yan."Ercsa na kababakasan ng lubhang pagkatakot.
Ang sinabing iyon ng dalaga ay lubos naikinatigil ni Jez.Nanlaki ang mga matang napatitig ito sa kaibigan na hanggang ngayon ay nakatalukbong parin.
"E-ercs-"Di natuloy na saad ng dalaga at napasalampak na lamang sa sahig.
"Anong ibig mong sabihin?"halos di marinig na bulong nito.
"Jez,patawad.Patawad Jez."paulit-ulit na sabi ni Ercsa habang humahagulhol.
"Ercsa,ano bang nangyayari?"Dugtong nito at lumapit na ng tuluyan sa kaibigang nagtatago parin sa ilalim ng kumot.
"Ercsa,mag-usap tayo.Ano bang nangyayari sayo?Paano naman tayo mapupunta sa kung saan man yang sinasabi kung magdamag lang tayong nandito.Ercsa,hindi tayo na tuloy dun kasi sabi mo matutulog ka lang saglit pero ano?Ngayon ka lang nagising mag-aalaskwatro na."Mahabang saad ni Jez.
Sa sinabing iyon ng dalaga ay natigil sa pahikbi si Ercsa at unti-unti sinilip ang kaibigan.
"Jez?"Ercsa
Ngumuti naman ang dalaga bilang tugon.
