2

57 5 0
                                    

A/n: dedicated po ito kay BelleCrisBelle10 thank you sayo! ^^

---*

Anna's POV

Hoohh!! Grabe, ang bilis maglakad ni ella. Nakaka haggard tuloy.

Inaayos ko ang nagulo kong buhok habang papaasok ako ng canteen pero hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan ay napatigil agad ako dahil sa nakikita ko.

May nakita kasi akong dalawang naglalandian. Aba! Nagsusubuan pa ng pancake. How sweet!

Kilala ko yung lalaki kahit nakatalikod pa ito pero ang babaeng kalandian nya ay hindi masyadong pamilyar.

Kilala kasi ako sa school bilang friendly kaya halos ng schoolmate ko ay kilala ko na sa mukha ang karamihan.

Magkaparehas kami ng uniform so, ang ibig sabihin ay high school din sya tulad ko. Transferee siguro. Grabe ha! High school pa lang ang harot na.

Iniiwas ko na lang ang tingin ko at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa pwesto nila rica.

"Anna, here!" Tawag sakin ni rica habang kumakaway. Kinawayan ko rin sya pabalik.

"sigh" Pagkaupo ko ay napabuntong hininga agad ako.

"Ang lalim naman nyan Anna." Sabi ni joan habang kumakain ng pancake. Naalala ko na naman tuloy yung nakita ko kanina. "Gusto mo?" Umiling lang ako bilang sagot. Lalo tuloy akong napasimangot.

"Look at your face, you looked grumpy today. What happen ba?" Tanong ni rica pero imbis na sagutin ay bumuntong hininga na lang ulit ako.

"Jealous." Sabi ni Nova. Napatingin tuloy ako sa kanya. Baka may nalalaman sya. Knowing her, observant syang tao. Parehas sila ni Ella.

"No, i'm not!" Mabilis at malakas na sagot ko.

"Ikaw ba yung tinutukoy ko? Smells fishy huh?" Sabi ni nova na may mapangasar na ngiti. May nalalaman na talaga ang bruhang ito.

"Don't smile at me like that!" Asar na sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya.

"What? I didn't do anything right, ella?" Tanong nya habang tumatawa, tumango naman si ella. Inirapan ko na lang sila. Ako na naman ang trip nila ngayon.

"Hey! Wait a minute! Out of place na kami dito ni joan ha. Ano ba ang mga sinasabi nyo? Hindi na tuloy kami updated. Make kwento na!" Mahabang sabi ni rica habang nakatingin kay ella.

"Don't look at me. Why don't you ask her?" Bored na sabi ni ella habang nakaturo sakin.

"Wala akong dapat ikwento." Sabi ko habang tinotorture ko sa isip ko sila nova at ella. Hindi na ako titigilan ni rica nyan hanggat hindi ako nagkukwento sa kanya.

"Ano nga 'yon?" Sabi nya habang nakatingin sakin ng seryoso.

~Kriinnnggg~Kriinnnggg~

Magsasalita na sana ako nang mag-bell. Yeah! Saved by the bell!Agad naman akong tumayo.

"We are not done yet." Sabi ni rica nang may nagbabantang tingin.

Pagkatapos nyang sabihin yon ay bigla na lang akong tumakbo papuntang room namin.

Hindi pa ako nakakarating sa building ay may nabangga akong lalaki.

ITUTULOY...

---*

A/n:

Sorry if natagalan sa pag update. Sana suportahan nyo pa rin ang story ko kahit cliche. And sorry sa grammatical error.^^

Stupid Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon