prolouge
"Back off b*tch,joshua is mine..only mine.."madiin na sabi ni love sa mga babaeng nakatitig kay joshua..hindi pa nasiyahan at inirapan pa niya ito isa isa. .napailing naman sa kanya ang lalaki at inakbayan na siya..buti na lang hindi ito nagagalit sa ginagawa niya..-_-;
ang kaninang inis na nararamdaman niya , para sa mga bruhang nagpapapansin sa mahal niya biglang nawala ng parang bula dahil sa pag akbay sa kanya ng prince charming niya..napalitan iyon ng kilig at pamumula ng magkabila niyang pisngi...
nawala na din ang pangungot ng noo niya ,pati mga bruhang naglalaway sa mahal niya, nakalimutan niya na din sa nag uumapaw na tuwa at kilig na nararamdaman niya ngayon..
ewan nga ba niya,kung bakit ganun na lang kalakas ang epekto ng isang joshua alexander sa kanya..mahal na mahal niya ito. .
sa sobrang pagmamahal niya sa lalaki ,lahat inaway niya..naging maldita siya sa lahat ,lalo na sa magagandang babae na tinitingnan o kinakausap ang mahal niya..
naging masyado siyang possesive ..
gusto niya ,nasa kanya lang ang buong atensiyon nito. .
siya si love santos ..ang bestfriend ni joshua alexander lll..yup,tama kayo ng naiisip. .magkaibigan lang sila..
pero hindi bilang kaibigan ang turing ni love sa lalaki dahil mahal niya ito..mahal hindi bilang isang bestfriend kundi isang lalaki na makakabiyak niya sa habang buhay..
umaasa kasi siya na dadating ang araw at mapapansin din siya nito..
sana nga dumating ang araw na yun ,lalo na at lulong na lulong na siya sa pagmamahal para sa lalaki..
mahal na mahal niya ito at kayang niyang gawin ang lahat para lang sa
mahal niya..lahat lahat. .kahit ito ay masama pa..ganyan siya kabaliw sa pagmamahal para kay joshua alexander lll...
because joshua is for her only..only for her..
read at your own risk^___^